Kabanata 2

7 0 0
                                    

(JANE'S POV)

Andito parin ako ngayon sa ospital para bantayan si Jaz. Sabi ng doctor, mamayang alas-dyes magsisimula ang operasyon kaya pinayagan niya akong makasama ang kapatid ko.

May dalawang nurses na may dalang stretcher ang pumasok sa ICU at dumiretso sa amin para ilipat si Jaz dito. Tumingin ako sa relo ko, 9:00pm na pala.

"Ma'am, ililipat napo naming si Ms. Dela Cruz sa Operating Room. Pwede po kayong sumunod samin." sabi ng isang nurse.


Sumunod nga ako sa kanila. Habang naglalakad, tahimik akong nagdadasal na mailigtas ng mga doctor ang kapatid ko at ang batang dinadala niya. Alam ko kasing malulungkot ang kapatid ko kung mawawala ito ng dahil lang sa naging pabaya siya.

"Ma'am, hanggang dito nalang po kayo. Hintayin niyo nalang po matapos ang operasyon o di kaya'y update ng doctor." Sabi niya sakin at pumasok na sa OR.


Umupo ako sa bakanteng upuan sa labas nito. Di kona alam anong gagawin ko. Magiging successful kaya ang operasyon?

Sana nga.

Alas-dose na ng madaling araw ng maalimpungatan ako sa ingay. Nang dumungaw ako sa bintana ng OR, nakita kong nagkaka-gulo ang mga nurses at doktor doon. Bigla akong kinabahan sa nakikita ko.


Lumabas ang isang doctor at agad ko itong sinalubong.

"Dok, ano pong nangyayari?" tanong ko.

"Ms. Dela Cruz, we would like to inform you na naging positive ang outcome ng operasyon." Sabi niya.

Hindi ko magawang mapangiti ang sarili ko dahil may nararamdaman akong hindi tama. Kung maayos naman, bakit sila nagkakagulo?

"Ngunit hindi nagrerespond ang pasyente dito. Dahil nga sa pregnancy niya, may mga restrictions kami na hindi pwedeng gawin dahil maaari itong makasama sa bata. So we decided to undergo Caesarean section para mailabas ang bata at para narin mailigtas ang kapatid mo."

Seryoso niya akong tiningnan at tumango para umalis na.­


Hindi katagalan, nakita kong bumalik ang doctor at hindi na ito nag-iisa. May kasama pa itong babae na sa tingin ko ay doctor din.

Pagdaan nito sa harap ko, nakita ko ang nametag na may nakalagay na Dr. Amelia Zamora. Sa baba nito, nakalagay ang salitang Ob-Gyne.

Hindi nila ako pinansin bagkus ay pumasok sa loob ng may diretsong mga mukha.

Isa pang oras ang lumipas pero hindi na muli ako dinalaw ng antok. Hindi ako mapakali dahil sa pag-aalalang nasa panganib ang buhay ng aking kapatid at ang dinadala niya.

Nang lumabas muli ang doktor, kasama nito ang Ob-Gyne.


"How is she? How's the baby?" sabi ko.

"The baby is fine Madam. Kahit na 7 months old palang siya, malusog naman ito at hindi halatang premature." sabi nito.

Laking tuwa ko sa mga narinig ko sa kanya pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

"Yung kapatid ko po? Kamusta na po siya?"

"Kritikal pa ang kanyang kondisyon pero sa nakikita namin, unti-unti na itong nagiging stable. Hindi magtatagal ay aayos narin ang kondisyon niya." sabi ni Dr. Locsin.


Pumasok ako sa loob ng ICU kung nasaan ang kapatid ko. Mas rumami ang bandana sa ulo niya at kapansin-pansin narin ang pagliit ng umbok ng tyan nito.

Hindi ko pa nakikita ang sanggol dahil ayon sa mga nurses, nasa incubator pa raw ito para maisagawa ang iilang tests sa kanya.


"A-ate."

Nag-aayos ako ng mga prutas sa lamesa ng marinig ko si Jaz na nagsalita. Lumingon ako at nakitang may malay na ito.

"Jaz! Ok ka na? Anong masakit sayo? Teka lang, tatawag ako ng doktor." pinindot ko ang telepono na kung saan ginagamit para tumawag ng nurse o doktor.


"A-ate. Ate J-Jane." sabi niya.

"Wag ka muna gumalaw. Parating nayun sila."

"Ate y-yung baby ko? S-saan na s-siya?" pinipilit niyang igalaw ang ang katawan niya pero pinipigilan ko ito.

"Inilabas na siya sayo Jaz. Sabi ng doktor, malusog naman daw ito kahit 7 months palang." saad ko.

Nagulat siya noong una ngunit ngumiti rin at isang tulo ng luha ang kumawala sa kanyang mata.


"S- Sean."

Nagtaka ako kung ano ang sinabi niya.

"Sean M-Michael ang ipangalan mo s-sa kanya ate." sabi niya.

"Ganun ba? O, sige sige. Nagsabi nga pala ang nurse na sa oras na matapos nila ang tests kay Sean dadalhin nila siya dito."

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga prutas na pinadala ng mga kaibigan ni Jasper. Pati narin ang mga gamit na dinala ko galing sa bahay.


"Ate Jane, sorry sa mga nagawa ko ha? Sorry sa pagkakamali ko sa inyong lahat. Alagaan mo ang sarili mo ate. Wag ka magpapagod palagi sa trabaho, makakasama sayo yan." Nakatingin siya sakin ng naka ngiti ng malumay.

"Ano ba yang pinagsasabi mo, para ka namang nang-iiwan ng huling habilin. Ha-ha-ha." pumeke ako ng tawa para mapagaan ang mabigat kong nararamdaman.

May pumasok na isang nurse kasama ang sanggol na si Sean. Sa kabila ng kaliitan nito, mapapansin mo parin na hindi siya nagkulang sa nutrisyon noong nasa sinapupunan pa lamang siya. Inilagay ito ng nurse sa kama ni Jaz at umalis na.


"Ang cute niya Jaz." Sabi ko habang pinapanood si Sean na kargahin ni Jasper.

"Oo nga" ngiti niya. "Kamukha siya ng tatay niya."

Sobrang ganda ng tanawin na pagmasdan silang mag-ina, na makitang umiiyak siya sa saya na mahawakan ang anak niya.


Binigyan niya rin ako ng pagkakataong mahawakan si Sean at para na rin makapag-pahinga na siya. Pagka-karga ko kay Sean, dumating si Dr. Locsin at dalawang nurses para tingnan siya.

Nang ilapat ang ilang mga kagamitan sa kanya, kumunot ang noo ng doktor. Ilan pang pagsusuri ang ginawa niya bago sinabi sa mga nurse na ilipat si Jaz sa OR.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari, kung bakit sila nagmamadali. Dadalhin na sana nila si Jasper sa Operating Room ng hinawakan nito ang braso ng doktor.


Natigilan si Dr. Locsin.

Isang luha ang tumulo sa kanya. Umiling-iling siya na para bang alam na niya ang mangyayari.

"Teka lang dok, anong nangyayari? Bakit di niyo pa siya dinadala sa OR?" gulong-gulo na ako. Kinuha ng nurse si Sean na umiiyak sa akin dahil sa kaguluhan.

Hinawakan ni Jaz ang kamay ko.

"A-ate, tama na. Tanggap ko na. Alagaan mo si Sean ha? Mahal na mahal ko kayo at salamat sa lahat." Sabi niya ng naka-ngiti.

Nawala ang kapit niya sa akin at isang mahabang tunog ang bumalot sa apat na sulok ng kwartong iyon. Tunog iyon ng heart beat monitor ni Jasper. At iyon din ang tunog na kinatatakutan kong marinig muli sa buhay.

Napahagulgol ako sa tabi habang sinusubukan ng mga doktor na ibalik siya. Ngunit alam ko na sa sarili ko na malabo na iyong mangyari pa.


Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon