(RON'S POV)
NP: Magbalik- Callalily
♫ Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla nalang nangiwan
"Papa!" rinig kong boses mula sa labas ng kotse. Bumaba ako para salubungin sila.
"Ang baby ko!" kinarga ko si Sean at inikot-ikot sa ere.
"Wahhhh!"
"Hahahaha. Ang laki-laki mo na nagpapakarga ka pa." sabi ko sa kanya.
"Papa naman eh. Ngayon na nga lang tayo nagkita, ina-ayawan mo pa ako. Tsk." Pagdabog niya nung binaba ko na siya. Aysus, tampuruot..
♪ Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sakin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla nalang naghanap
Lumabas sa exit ang babaeng hinintay kong makita pagkatapos ng tatlong taon na pagkakalayo.
Jane.
♪ Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sanay pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
"Kamusta?" tanong ko sa kanya nung kinuha ko ang dala nito.
"Ok lang naman. Ikaw?" naka-ngiti niyang sinabi sa akin.
"Eto, na-miss ka." Nakatingin ako sa mga magaganda niyang mata.
Ngumiti lang siya sa sinabi ko.
Minsan may mga taong walang sinasabi pero alam mong may kahuluguhan ang kanilang katahimikan.
♪ Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig di matatapos
Pina-andar ko na ang sasakyan at dumiretso na kami sa bahay na pinagawa ko para sa magiging pamilya ko. Sa pamilyang meron ako.
"Pa, alam mo ba yang si mama laging tumitingin sa facebook mo." Sabi ni Sean.
"Sean!" namumulang sabi ni Jane.
Tumatawa lang ito sa likod. Hahahaha
"Talaga? Alam ko naman na ako parin eh. Diba Jane?"namumula parin siya at walang sinagot.
♪ Alaala'y bumabalik
Mga panahong nasasabik
Sukdulang mukha mo ay
Laging nasa panaginip
♪ Bakit biglang pinagpalit
Pagsasama'y tila nawakli
Ang dating walang hanggan
Nagkaroon ng katapusan
Nang malaman ko ang bagay na yun sa notebook, agad ko silang sinundan sa America para ipaalam na walang may kasalanan ng lahat ng nangyari.
Mahirap tanggapin pero ganun talaga, may the two of them rest in peace. I'm sure masaya na sila kung nasan man sila ngayon.
♪ Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sanay pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
Pinaliwanag na rin namin ni Jane ang tungkol dun kay Sean. Nahirapan siya nung una pero andun naman kaming dalawa para gabayan siya.
About naman samin ni Jane, wala kaming lable. Pero pumayag siyang tawagin akong 'papa'ni Sean.
Naghihintay pa rin ako sa oras na handa na siyang tanggapin ako ulit at pag dumating ang oras nayun, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.
♪ Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig di matatapos
Madami mang pag-subok ang dumating sa buhay namin, masaya ako na matatag parin kami. Ang katotohanang naitago ay siyang nagpalaya sa puso ng bawat isa. Kaya gaano man ka sikreto ang katotohanang yan, lalantad at lalantad parin ito upang tulungan ang mga taong naghahanap ng kaliwanagan.
"Ron." Lumingon ako sa katabi kong si Jane nung nagsalita siya. Naglalaro kasi si Sean kaya kaming dalawa lang ang andito.
"Hmm?"
"Nung nalaman mo na may anak ako, bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo na mahulog sa akin?" tiningnan niya ako sa mata. Hay, ang Jane ko nagdududa pa din.
"Actually, pinigilan ko pero napagtanto ko lang rin na kaya kong gawin lahat basta mapunta ka lang sakin."
Ngumiti siya ng inosente.
Tulad ng sitwasyon namin, ang sikretong ito ang nagpalaya sa poot at galit ni Jane at sa umaasang damdamin ko na babalik pa siya. Ang katotohanan ang namayani sa amin.
"I love you." Sabi niya sakin.
"I love you too."
Unti-unting lumiit ang agwat ng mga mukha namin at di nagtagal ay nagkalapat ang aming mga labi.

BINABASA MO ANG
Sikreto Ng Katotohanan
Rastgele"May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo parin maiiwasan na masaktan." ~c~