Kabanata 10

5 0 0
                                    

(RON'S POV)

What's happening to me? Bakit ko yun nasabi?

"Sir Ron, you have a meeting at 9:00 am for Mr. Ocampo. He's not around but he let a representative come instead of him. I settled the form and agreement for your negotiations. You will meet for the signing of the contract later on, Sir." Sabi ni Jane saka umalis agad.

Napabuntong-hininga ako. Simula ng gabing iyon, naging cold na ang treatment sa akin ni Jane. Kinakausap niya lang ako kapag tungkol sa business ang pag-uusapan. Hindi na rin siya nagdadala ng lunch tulad ng dati at bihira ko nalang siyang makitang ngumiti.

Kahit sa labas ng opisina, nararamdaman ko ang tension sa tuwing dumadaan ako. Bumabati parin naman sila pero ang iba, hindi na.

Pinindot ko ang telecom at pinatawag si Rose, isang working-student sa kompanya ko.

"Can you make me a coffee?" sabi ko sa kanya.

Pagkatapos niya mag-timpla, binigay niya na ito sa akin.

"Did you put too much sugar here? It doesn't taste coffee anymore."

"Sorry, Sir." Sabi niya.

Hindi ko alam pero nasanay na ako sa timplada ng kape na ginagawa sa akin ni Jane.

"It's alright. You can go now." Sabi ko sa kanya at pinagtiisan nalang ang kapeng sobrang tamis na parang tubig at asukal nalang ang nilagay.

Lumabas ako sa office ng lunch, second time ko ito. First is nung kumain kami sa labas ni Jane para mag-celebrate. Memories.

Napalingon ang lahat ng empleyado paglabas ko ng pintuan pero hindi ko sila pinansin.

"You wanna go out for lunch?" tumigil ako sa cubicle ni Jane na nagta-type sa computer niya.

"I'm busy." Hindi niya man lang ako tiningnan.

Ugh, she's really into it huh.

"Ohh, ok. Then I'll just bring your lunch here." Paalis na ako para mag-order nang hinampas niya ang table sa cunicle niya ng malakas.

"Pwede ba Sir? Tigilan niyo napo ako. I've had enough of this." Kinuha niya ang bag niya at nag-walk out.

Pagka-alis niya, namayani ang bulong-bulungan sa opisina ko.

"Ay. Ang kapal nga naman talagang sumagot-sagot kay Sir Ron. Sino ba siya ha?"

"Oo nga. Una, yung boyfriend ni Lea tapos ngayon naman yung Sir natin. Tsk, ang landi talaga."

"May narinig ako tungkol sa kanya, alam mo ba--"

"SHUT UP!" natahimik lahat ng ingay sa palapag.

Iniwan ko sila at sinundan si Jane.

"Jane! Wait!" naglalakadsiya ng mabilis papuntang parking lot pero sakto lang na naabutan ko ito bago ito makapasok sa kotse niya.

"What's wrong?" pinigilan ko siya sa kamay.

"Wala Sir."

"Ok naman tayo dati ah. Bakit di ka na namamansin ngayon?"

Iniwakli niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Yun na nga Ron! Ok na yun eh. Bakit kailangan mo pang--"

"JANE!" lumingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses. Isang lalake ang bumaba sa sasakyan nito at kumaway sa amin.

"Is everything alright? Did I disturbed something?" sabi ng isang lalakeng naka-casual ang attire.

"Wala. Halika na, alis na tayo Kiel." Hinawakan ni Jane ang kamay ng lalakeng yun at hinila ito paalis.

(JANE'S POV)

"Teka lang naman Jane. Huu-huu" hinahabol na kami ng hininga pero hindi parin ako tumitigil sa paglalakad sa destinasyong hindi ko rin alam kung saan.

Tinanggal na si Kiel ang kamay niya mula sa pagkaka-hawak ko at umupo saglit.

"Ano ba kasing problema niyo at kailangan nating magwalk-out? Huu-huu"

Problema ko? Nagkakaroon na ako ng kakaibang nararamdaman sa kanya. Pero mas problema ko ang lalakeng to.

"Hoy! Ba't ngayon ka lang nagpakita ha? Porket lumipat lang ako ng ibang lugar hindi kana bumisita sa akin. Parang hindi tayo magkaibigan bwisit ka!"

Pinagpapalo ko siya sa katawan at ulo hanggang sa nahuli niya ang dalawang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Miss mo na ba ako? Ok lang yan, andito naman na ako ngayon." Nag-smirk siya sabay kindat sakin.

"Ay ang kapal nga naman talaga ng mukha mo. Etong bagay sayo!" kumawala ako ng hawak at piningot ng malakas ang tenga niya.

"A-Aray!! Ouch!! Wahhhh! Tama na, oo na, hindi naaa!! Arrayyy!!" napapa-talon siya sa sakit kaya natatawa na ang mga taong nanonood sa amin.

Tumigil na ako dahil baka mamaya may mag-report na sa akin ng 'animal abuse', makulong pa ako.

"Ano nga nangyari kanina? Takte naman oh. Pulang-pula na ang tenga ko." Hinihimas niya ang tenga niya habang tinitingnan ang repleksiyon sa salamin ng cellphone niya.

"Kailangan ko ng tulong mo Kiel."

"Ganyan ka naman lagi eh, lumalapit lang pag may kailangan. Samantalang pag wala, mananakit. Huhuhu"

"Sa totoo lang, gutom ka ba ngayon at ang ingay-ingay mo?" tanong niya sakin.

"Grabe ka Jane! Kilala mo na talaga ako. Hahaha" pinapalo ko pa siya sa braso na nag-aaktong bakla.

"Ewan ko sayo. Baliw"

"So, anong matutulong ko?"

"Natatakot akong malaman niya ang tungkol sa buhay ko. Tulungan mo akong malayo sa kanya Kiel."

"Ano naman kung malaman niya? Tsaka malay mo, tanggap niya." Sabi nito sa akin.

"Paano kung ako lang pala ang nag-take ng risk? Na para sa kanya eh naglalaro lang kami? Mas mabuti nang iwasan tong nararamdaman ko habang maaga pa."

"Sigurado ka ba dyan? Hindi mo naman kailangang unahan yung nararamdaman niyo sa isa't-isa Jane, relax lang muna"

"Sino ba kinakampihan mo, ako o yung lalaking yun? dun kana nga lang sa kanya!" umaksyon akong aalis pero pinigilan niya ako.

"Eto naman oh, ang OA lang. Gusto lang naman kasi kitang makitang masaya best." Sabi niya ng naka-tingin sa mga tao.

Walang nagsalita sa aming dalawa.

"Haay nako. Ang bestfriend ko dalaga na!" inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik.

"Oy oy. Ano yang kamay mo ha?"sabi ko sa kanya ng natatawa

"Akala ko ba magpapatulong ka? Stay still, nanonood siya." 

Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon