Kabanata 11

3 0 0
                                    


(RON'S POV)

Hindi na ako nagsayang ng oras kaya sinundan ko sila kaagad. Nalito ako kung saan sila pumunta kaya tumigil nalang ako sa isang waiting shed malapit sa loading and unloading area ng mga bus para magpahinga.

Aalis na sana ako ng marinig ang pamilyar na boses.

"A-Aray!! Ouch!! Wahhhh! Tama na, oo na, hindi naaa!! Arrayyy!!" boses ito ng lalakeng kasama ni Jane at nakita ko silang dalawa sa di kalayuan ng waiting shed na kinatatayuan ko.

Nagtata-talon ito dahil pinipingot siya ni Jane at may mga taong natutuwa sa ginagawang eksena ng dalawa. Mukhang may namamagitan sa kanila kung hindi mo talaga titingnan ng mabuti.

Tumigil na sila at nag-usap ng masinsinan sa tabi ng kalsada. Nakaka-lungkot isipin na komportable sa kanya si Jane samantalang sa akin parang may tinatago pa siya.

Sana ganun nalang siya sa akin pero alam kong imposibleng lamangan ang kung anong meron silang dalawa sa kung ano lang ang meron kami.

Seryoso silang dalawa mag-usap pero agad din namang bumalik sa dati. Sinundan ko lang sila sa malayo at nakita kong napa-baling ang lalake sa direksyon ko. Nagtago agad ako sa likod ng babaeng may payong kaya hindi niya ako nakita.

Pagtingin ko ulit sa kanila, naka-akbay na ang Kiel na yun kay Jane pero palarang walang sa kanya. Ganun na ba talaga sila ka-close?

Hindi ko alam kung ano ang relasyon nila pero sa isang bagay lang ako sigurado, nasasaktan ako.

Bumalik ako sa opisina at napansing wala pa rin si Jane kahit na magaala-una na. Hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko para sana tawagan siya.

"Umalis ka na nga dito! Bawal dito ang hindi empleyado, ano ba Kiel. Baka mapagalitan ka lang ni Ron!" Pabulong na malakas niyang sinasabi sa lalakeng yun.

"Ano ka ba, may rason ako para pumunta dito. Tingin mo dadaan ako sa tina-trabahuan mo para lang bisitahin ka? Hahaha" casual na pagsasalita niya.

"Then what brings you here Mr. Kiel?" tanong ko sa kanya.

(KIEL'S POV)

"Then what brings you here Mr. Kiel?"

Nasa harap namin ngayon ang boss ni Jane na tinakbuhan namin kanina.

Napataas ang isang sulok ng labi ko.

"Actually, hindi ko alam na dito pala nagtra-trabaho si Jane but I really appreciated na tinanggap mo siya."

Umigting ang panga niya at parang napipikon na sa mga sinasabi ko.

"But I really came here for a business meeting. It's supposedly by 9:00 am but this girl beside me pulled me somewhere, that's why I wasn't able to attend it." Nagulat si Jane sa sinabi ko.

"May meeting ka pala? Ba't di mo sinabi?" tanong niya sakin.

"Bakit akala mo ikaw lang talaga pupuntahan ko dito? Sorry babe, I didn't mean to disappoint you." Kinindatan ko siya at siniko niya naman ako ng mahina.

Hahaha, wala kang magagawa Jane.

"Ehem." Napatingin ulit kami sa boss niya.

"So, yun na nga. I came here to know if I could ask for another appointment. When are you free?" diretso kong tanong sa kanya.

"Are you, by any chance, ang representative ni Mr. Ocampo?" tanong ni Jane sa akin.

"Oh, I forgot to say that he couln't come because he has some problems needed to be given attention first. He called me to take his place and he said that just contact him if you have clarifications. Is it ok with you?"

"Of course. Jane, wala naman akong schedule for 1:00 in the afternoon diba?"

"Uhm, w-wait lang po. Titingnan ko lang po ang copy ko sa desk." Umalis si Jane para pumunta sa cubicle niya.

Nang nawala na siya sa paningin naming dalawa, saka lang namin ibinalik ang tingin sa isa't-isa.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at nagsukatan kami ng tingin ng lalakeng nasa harapan ko ngayon.

"What do you want?" seryoso niya akong tinanong.

"Oh no, I don't need anything. I already have her." napa-smirk ako sa kanya.

"She's not yours."

"Oh really? Because the last thing I remembered, she asked help from me to get rid of you."

Nagulat siya at napalitan ng lungkot ang mga mata niya pero hindi nagtagal ay nawala rin ito.

"Kaibigan lang ang tingin niya sayo at hanggang dun ka lang." Napa-igting ang panga ko sa sinabi niya.

"Let's see then" nakangiti kong saad sa kanya.

Sasagot pa sana siya ng dumating na si Jane.

"Wala naman po, Sir."

"Well, I'd like to do it now. Will it mind you?" tanong niya sa akin.

"No, not at all." Ngumisi ako.

Nauna na siyang maglakad sa aming tatlo. Nag-request din kasi akong isama si Jane sa signing dahil baka mag-end up lang ito ng gulo kung wala siya.

(JANE'S POV)

Habang naglalakad kami, nararamdaman ko talaga ang tensyon sa kanilang dalawa.

Ano nanaman kayang nangyari? May sinabi kaya si Kiel kay Ron? Naku naman oh.

Nang pumasok kami sa loob, nag-ready nalang ako ng camera ng kompanya para sa documentations ng signing of contract. Di-nistribute ko ang tig-dadalawang copies ng contract sa kanila dalawa.

"Thank you." Sabi ni Ron.

Habang nagsi-sign silang dalawa, kumukuha ako ng litrato para ipasa sa kompanya kung maghahanap man ng advertisement o anunsyo.

Pagkatapos mag-sign ng dalawang copies, inabot nila ito sa akin at pinag-exchange ko naman ito para ma-sign na yung dalawang natitirang blangko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nilang idaan to sakin eh magkatapat lang naman sila.

"Jane, hanggang ilang months ka lang dito?" tanong ni Kiel sa akin habang nagsa-sign.

"6 months. Pero 4 and a half months nalang, babalik na galing sa leave yung secretary ni Sir."

"Talaga? Mabuti naman. Nami-miss na kasi kita-este naming lahat pala. Haha"

Umalingaw-ngaw ang pekeng tawa ni Kiel at napansin ko ang paghinto ni Ron sa pagsusulat sa papel. Ang bigat ng hangin sa loob na parang konti nalang sasabog na.

Kukunin ko na ang papel kay Kiel nang pigilan niyang makuha ko ito sa kamay niya.

"May gagawin kaba after work? Dinner tayo." Ngiti niya ng makahulugan sa akin.

"Ugh, wala--"

"Mago-over time siya. Madami pa kaming trabahong tatapusin." Singit ni Ron. Pumunta ako sa kanya para kunin na rin ang papel nito.

"Well, fine. Tawagan mo nalang ako kapag pauwi kana. Ihahatid na kita."

"You don't have to. May sasakyan na siya kaya pwede na siyang umuwi kung kelan niya gusto." Nakatingin sa akin si Ron habang sinasabi yun bago niya inilipat kay Kiel ang atensyon.

Nawala na ang ngiti ni Kiel at alam kong unti-unti na siyang napupuno sa mga sabat ni Ron.

"Ugh." Basag ko ng katahimikan.

Bumalik ang mapaglokong ngisi nito bago tumayo sa upuan at inayos ang manggas ng polo niya.

"Chill down bro'. As you said before, FRIENDS lang kami diba? You should be confident about your judgement." pinandilatan niya ito ng mata at diniinan talaga ang salitang kaibigan.

Hindi sumagot si Ron at nagwalk-out lang sa room. Anong judgement ang pinagsasabi niya? Sabi na ba, hindi nalang dapat ako humingi ng tulong sa baliw kong bestfriend.


Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon