Kabanata 3

12 0 0
                                    

*5 years later*


(JANE'S POV)

"Sean Michael bumalik ka rito! Ligpitin mo tong mga laruan mo kundi itatapon ko to." Sabi ko habang naglilinis ng kalat ni Sean.

Dumating si Sean galing sa labas ng gate na ang dungis-dungis. Nagsimula na siyang ligpitin ang mga laruan niyang dinosaurs at airplanes.


"Mama, I saw Sisay playing with her new toy. Her mother bought her a cellphone. Ako po mama, kailan niyo po ako bibilhan nun?" tanong niya habang pinupulot ang mga letters na laruan niya.

"Ang cellphone anak ay hindi para sa bata. Masisira ang mata mo dun kaya hindi ka dapat naglalaro nun ha? Huwag kang gumaya kay Sisay, mayaman sila para ipagamot ang mata niya." sabi ko naman habang nagwawalis.

"But it has lots of games that can be played. Hindi po ba talaga ako magkakaroon nun forever mama?"

"O, sige. Pag mataas ang grades mo at palagi kang may star galing kay teacher, baka bibilhan kita. Ok na ba yun?" tanong ko habang pinupunasan ang basa niyang likod.

"Yey! Thank you mama. I love you po and Mommy Jaz." Kiniss niya ako sa pisngi at tumakbo sa kwarto niya para ibalik ang mga laruan na niligpit.


Limang taon na ang lumipas simula nang isinilang si Sean. Dahil nga sa kahilingan ng kapatid ko na alagaan siya, ako na ang tumayong ina nito. Hindi ko alam pano ito pumasok sa isip ko pero bigla nalang nangyari.

Walang akong nilagay na pangalan ng ama sa birth certificate niya dahil naniniwala akong kaya kong akuhin ang responsibilidad ng mag-isa. Papalakihin ko siya ng maayos at tatayo ako iba ina at ama ng bata.

Matalino si Sean, nakuha niya ang mga talents ni Jaz. Makulit din at mahilig maglaro. Minsan nga, nakikita ko ang kapatid ko sa kanya tuwing nakikipag-usap siya sakin tungkol sa mga kaibigan niya.


Nga pala, nung panahong iyon. Hindi ko na nakuha ang inaasam kong promotion. Hindi na ako nakapasok sa trabaho dahil narin sa pag-aalaga sa bata kaya kahit sick leave, maternal leave, or kahit na anong leave pa yan ay kinulang.

Ginamit ko ang aking mga ipon sa bangko para tustusan ang pangangailangan namin ni Sean habang wala pa akong trabaho. Noong nakakalakad na siya at pwede nang maiwan, nag-hire nalang ako ng maid para magbantay at mag-asikaso sa kanya.

Bumalik ako sa dati kong pinagtratrabahuan pero nagsimula ulit ako sa mababa. Naging empleyado na may hindi kataasang sweldo na sakto lang sa pangtustos ng pagkain, at iba pa.

Malaki rin ang panghihinayang ko sa lahat ng aking naabot pero masaya naman ako sa pagdating ni Sean sa buhay ko. Siya ang nagpapa-alala sakin na minsan, kailangan ko ring matutunang i-appreciate ang mga bagay sa paligid ko.


(RON'S POV)

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Tiningnan ko ang orasan sa side table at nakitang 7:30 palang ng umaga. Arrghh, ang aga pa.

Linggo ngayon kaya walang trabaho. At walang trabaho means walang papeles, walang problema.


Life sucks. Bigtime.


Tumayo ako para magsuot ng pang-itaas na damit at dumiretso sa ref para uminom ng tubig. Not enough.

Nagbihis ako ng casual khaki shorts at tshirt para lumabas at makabili ng breakfast.


When I arrived at Starbucks, nakita kong may promo ito. Buy 1 take 1 sa lahat ng klase ng drinks. Kaya pala madaming tao. Nevertheless, pumila parin ako dahil kailangan ko ng coffee.

When I got it, I looked for a vacant chair but found out that there's no more available. Inikot ko ang paningin ko at nakitang may bakante sa isang apatang lamesa pero dalawang tao lang ang nakaupo. Isang babaeng nasa mid 20's na at batang lalake na sa tingin ko ay 4-5 years old.

Makiki-upo na sana ako ng nakita ko sa tabi nito ang paalis na matandang babae sa table niyang pandalawahan kaya nagmadali akong umupo rito.

I looked at the little boy as he helps himself with the tissue to clean his cheeks. Nakita ko rin ang babae na sa tingin ko ay mama nito, na tinutulungan siya sa kanyang inumin.


They look cute helping each other.

Minsan, nakikita ko ang sarili ko na may sariling pamilya. Hindi man ako ganun ka responsable tulad ng ibang lalake, gusto ko parin naman maging mabuting asawa at ama sa mga magiging pinaka-mahalagang tao sa buhay ko.

I first pictured that thing when I met that girl. She showed me everything and I gave nothing important to her in return. I just ruined her and made her life miserable.

She's very kind and I know that she's willing to be hurt to fix me and my rotten life into a good one. I admit it, I really took her for granted. I may have the will to change, but it's too late.


Now, she's gone.

Nawala ako sa pagmuni-muni ng tumayo na ang babae at ang anak nito para umalis. May kaunting hawig ang dalawa pero kung hindi mo sila ipagtatabi, hindi mahahalata.

Napabaling ang ulo ko sa lamesang inuupuan nila kanina at nakita ang cup ng starbucks na ininuman ng batang lalake.


"Sean.


Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon