Kabanata 5

10 0 0
                                    


(JANE'S POV)

Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng lalakeng yun. Sino ba naman ang hindi magugulat pag may magtanong kung single ka?!

Porket gwapo siya, gina-ganon niya na ako? Pwes, nagkakamali siya.


Tumunog ang intercom ko na nakakonekta sa loob ng opisina ni Sir Ron. Padabog koi tong sinagot.

"Hello." Sabi ko.

"Since napagkamalan mo narin naman akong pinopormahan kita, might as well sagad-sagarin ko na." sabi niya sa kabilang linya.

Wala ba tong trabaho? Bakit sakin siya nangugulo?

"Anong bang kailangan mo sakin?" tanong ko.

"Whoaa. Easy, girl. Single ka ba?"

"Wala ka ng pakealam dun. Pwede ba, kung wala kang ginagawa wag ako ang guluhin mo kasi ang dami dami ko--"


"You have a son. Sean. Am I right?" baritong tono na pagkakasabi nito.

"Napatigil ako sa pagta-type sa computer. Pano niya nalaman? Wala akong maalala na nilagay ko sa biodata ang pangalan ni Sean.

"Bakit mo siya kilala? Saan mo nakuha ang pangalan niya?" seryoso kong tanong.

Narinig ko mula sa kabilang linya ang tawa niya. Pinagtri-tripan ba ako ng lalakeng ito?


Tinigil ko ang page-encode at dumiretso sa pintuan ng opisina niya. Hindi na ako kumatok at dumiretso na sa loob.

"How did you know him?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"Last time nung pumunta kayo sa Starbucks. I saw the both of you. Nakita ko rin yung basong ininuman niya kaya nalaman ko ang pangalan niya. I didn't saw you wedding ring earlier. Nakalimutan mo bang suotin?

"Wala kana dun." Yun lang pala. Akala ko ano na.

"I think I have the right to know because you work under my company. Hindi na ba pwedeng malaman ng boss ang kahit na kaunting impormasyon ng kanyang mga empleyado?" tanong niya sakin.

Wala akong masabi or let's just say na wala akong gusting sabihin.


"Kung ayaw mo man mag-share, ok lang naman. I can hire investigators you know, for me to know more--"

"Wala akong asawa. It's just the two of us. Iniwan ako ng lalake dahil ayaw niya ng responsibilidad. Tinanggap ko yun kaya pinalaki ko siya ng mag-isa. Single ako pero hindi ibig sabihin pwede lang ako magpa-pasok ng lalake sa buhay namin ni Sean. Satisfied?" sabi ko.

Ngumiti siya at nagkibit-balikat lang. Tumalikod na ako at lumabas ng opisina.

Hay. Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa buhay ko, sa buhay namin ni Sean. Hindi kami magka-ibigan para malaman niya ang bagay na yun


Lunch break na at di ko alam kung saan ako kakain. Mahal kasi kadalasan ng mga fastfood stores dito sa Makati.

"Psst." May narinig akong tumawag sakin.

"May lunck kana? Gusto mo sumabay magpa-order samin?" si Joseph pala yun. Katapat na table ko at ka-empleyado.

Aayaw sana ako ng malaman ko na sa Jollibee lang pala sila magpapa-delivery.


Nang dumating ang pagkain, sabay sabay kaming kumain para naman daw mas masaya. Madami akong nakilalang kasama sa trabaho na dati ay akala ko masyadong workaholic kaya nakakatakot lapitan.

Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon