Kabanata 7

8 0 0
                                    


(JANE'S POV)

"Ba-bye po mama. Ingat po kayo." Sabi ni Sean nung paalis na ako.

Makulim ang langit ngayon pero hindi parin ito valid excuse para umabsent sa trabaho. Akala kasi nila waterproof ang tao eh. Hanggat hindi pa bumabagsak ang mga puno at lumilipad ang bubong ng mga bahay, hindi pa nila idedeklarang walang trabaho. Saklap noh?

Sumakay ako ng taxi at hindi nagtagal ay bumagsak na nga ang ulan. Isa-isang nagtakbuhan ang mga tao sa labas dahil ayaw nilang mabasa.

Traffic na din dahil sa dami ng sasakyan at inconvenience na dala ng ulan.

Habang tumingin-tingin ako sa patak ng ulan na nagu-unahan sa bintana, lumampas ang tingin ko sa labas nito.


Si Ron ba yun?

Nakatayo siya sa silong pero basing-basa naman. Asan ang sasakyan niya?

Ibinaba ko ang bintana ng taxi para tawagin siya.

"Ron!"

Lumingon ito sa akin at nagulat.

"Sabay kana sakin! Dali na, mala-late kana." Sabi ko.

Nagdadalawang isip pa siya kung sasabay ba. Pero sumakay din naman sa huli.


"Nasira ang kotse ko, ayaw umandar." Saad niya kahit hindi ko naman tinanong.

Magkalayo kaming dalawa dahil basa siya at baka mahawaan ako.

"Tinawagan ko na ang talyer para pumunta dun. Parating na yun." Dagdag pa niya.

Tahimik lang kami pero yung katahimikang hindi akward. Yung parang ok lang sa amin kahit walang magsalita.


Hindi parin umuusad ang traffic kaya paniguradong late na kami nito.

Yung kasama ko sa gilid, nanginginig na sa lamig kaya pinatay ko ang aircon. Hindi nagtagal, binuksan niya ulit ito. Anong problema niya?

Pinatay ko ulit, i-non niya na naman. Kaya pati ang driver ng taxi, naguguluhan na sa amin.

"Maiinitan kayo. Wag mo nang patayin."

Totoo rin naman, nakasarado kasi yung mga bintana dahil mababasa kami kung bubuksan ito.

"Alam mo ba, para kang basing-sisiw dyan. Magkaka-sakit ka sa lagay na yun tapos hinahayaan mo lang talaga? Kung sayo ok lang magka-sakit, sakin hindi dahil mahihirapan na naman tayong ihabol yang trabaho mo. Kaya pwede ba? Wag matigas ang ulo." Sabi ko.

Wala na siyang nagawa dahil ako na talaga ang nasunod. Dumating kami sa office 30 minutes after, and guess what? Late na siya sa first meeting niya. Nagpumilit pa siyang makahabol pero hindi na yun pwede at may iba pa ding appointment yung business partner niya.


Nang dumating ako sa table, binuksan ko ang excel para magsimula na naman ng panibagong trabaho. Binuksan ko narin ang email ng CEO para tingnan kung may bago ba. Actually, dinudumog siya ng fan mails and love letters na minsan napapatungan na yung mga importante. Nakita kong may isang investor ang nanghihingi ng appointment sa kanya. Habang naghahanap ng free time ni Sir, saka ko lang napansin na ang investor pala ay si Mr. Ocampo. Papayag parin ba nito si Ron?

Kumatok ako sa office niya para tanungin ang tungkol dito.

Nakita ko siyang nakahiga sa sofa at nanginginig. Lumapit ako dito at hinawak ang noo niya. Naku naman, nilagnat na nga talaga siya.


Kumuha ako ng pamalit niya kasi hindi pa siya nagbibihis.

"Magbihis ka muna. Tingnan mo yan, kung hindi ka lang sana nagpumilit na i-on ang aircon, hindi kasana nagkasakit. Pano nalang kaya kung hindi ko pa i-noff yun?" sabi ko sabay abot ng damit sa kanya.

"You're just like my mom. What a nagging secretary."

Inirapan ko lang siya.

Tinanggal niya ang damitniya na parang walang si ako na nanonood. Napalunok ako. Oh shet, the abs.Habang sinusuot niya ang damit, nagrereflex ang biceps nito at mga muscles sa shoulders.

Bakit biglang uminit? Pinahinaan ba ang aircon? Hoo hoo.

Pinaypay ko ang sarili ko dahil malamang sa malamang, namumula na ako ngayon.Pagkatapos niyang magbihis, humiga ulit siya para matulog.


"Ron, inom kana muna ng gamot. Ica-cancel ko nalang ang appointments mo this day ha? Magpahinga ka na dyan."

"Hmmm." Bedroom voice.

Inabot ko siya ng gamot at ininom niya naman ito.

Paalis na sana ako ng nakitang nanginginig parin siya. Kumuha ako ng kumot sa cabinet, which is hindi ko alam kung bakit meron siya nito sa opisina, at ipinatong sa kanya.


Napagmasdan ko ang mukha niya ng malapitan. Malalim ang mga mata niya na para bang malulunod ka sa titig niya. Matangos ang ilong, mahabang pilik-mata, at kissable lips. Yuck. Haha

Maganda din ang porma ng jawline niya at kung titingnan, perfect package talaga siya sa panlabas na kaanyuan.

Hay naku, gasgas man ang salitang ito pero maamo at inosente talaga siya tingnan kapag tulog. Tulog nalang sana siya palagi.


Paglabas ko ng opisina, saktong nag-ring ang telepono.

"Hello, this is Janalyne Dela Cruz of Javier Group of Companies speaking. May I help you?"

"Ms. Janalyne, ako poi to. Yung secretary ni Mr. Ocampo." Sabi ng kabilang linya.

Ohh. So, tinawagan pa talaga nila kami, hindi makapag-hintay? Haha

"Yes, may I help you Ma'am?"

Gusto po sana ni Sir Ocampo na mag-set ng appointment para kausapin si Mr. Javier. What day and time po free si Mr. Javier?" tanong niya.

"I'm not really sure kung papaya pa ba siyang makipag-usap sa inyo. After all the time he wasted the other day for him? I don't think so Ma'am."

Tumahimik ang kabilang linya. Napangiti ako.


"But anyways, sure. Uhhm, he's free the day after tomorrow at 3 pm in the afternoon." Sabi ko habang chine-check ang schedule ni Ron for the whole week.

"Sure po ba kayo? Hindi po ba siya magagalit niyan?"

"Magagalit siya papaya man ako o hindi. Ano, is it fine with you? Parang ayaw mo yata. Wag na—"

"No Ma'am. I greatly appreaciate your kindness Ma'am. Thank you po and we're looking forward in meeting you again."

"Sure. See you and good luck." Binaba ko na ang telepono at nagpatuloy sa paggawa ng report.


Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon