Kabanata 4

11 0 1
                                    


(KIEL'S POV)

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito!" sigaw niya.

Sinampal niya ako sa pisngi.

Lumuhod ako sa harap niya at umiyak.

"Patawarin mo na ako, hindi ko naman kasi sinasadyang gawin yun. Hindi ko rin naman alam na mabubuntis ko siya." Sabi ko ng umiiyak.

"Ngayon pa? Ngayon pa na wala na ang kapatid ko?! Lumayas ka dito! LAYAS!" sigaw niya ng umiiyak at tinutulak niya ako palabas ng pamamahay niya.

"CUT!" sigaw ni direk sa amin.

"Good jobe everyone, let's call it a day." Pumalakpak kaming lahat dahil sa wakas ay tapos na rin ang taping.

Hawak-hawak ko ang pisngi kong sinampal ni Jane.

"Oh. Sorry kanina ha?" nabigla ako ng abutan niya ako ng yelo na binalot sa tela.

"Ayos lang. Nadala lang ako sa acting." Tinanggap ko ito at ipinatong sa pisngi ko. Ngumiti siya sakin at tumalikod para ayusin ang mga gamit niya.

Hays.

"Kamusta na pala yung lilipatan mong opisina sa Makati? Mukhang maganda dun ah." tanong ko sa kanya.

"On nga pala, tumawag si Sir Leeds na bukas na daw ako magsisimula. Nagleave na daw kasi ang secretary ng CEO dahil sa pagbubuntis kaya ako na muna ang ipapalit." sabi niya habang naglalakad.

"Talaga naman si Sir. Hanggang ngayon ay nakokonsensiya parin siya sa pagpapabalik sayo sa mababa. Gusto mo hatid na kita pauwi?" tanong ko sa kanya nung sinundan ko siya.

"Talaga? Sure, sige." Sabi niya sakin. Naglakad na kami papuntang parking lot para sumakay sa kotse ko.

Tahimik lang ang paligid habang nagda-drive ako. Walang umiimik. Nakatanaw siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga tanawin kahit gabi na at hindi yun masyadong klaro.

"Di mo ba siya hahanapin?" tanong ko.

Napalingon siya sakin sa tanong ko pero agad din naman umiwas.

"Para saan pa? Wala naman talaga siya pake simula pa nung una." Sabi niya na may halong galit.

Napabuntong-hininga ako. Panigurado, sinisisi niya ang lalake sa lahat ng nangyari sa kapatid niya at kinikimkim niya lang ito sa sarili niya ng mahabang panahon. Possible kayang makilala namin siya?

(JANE'S POV)

"Kiel, thank you sa paghatid ha? Sorry nga pala ulit kanina." Sabi ko.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at bumaba na ng sasakyan.

"Sure. Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Paki-hi nalang rin ako kay Sean. Good night" kinindatan niya ako at umalis na.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, nakita ko si Sean na mahimbing na natutulog.

Tumabi ako sa kanya sa kama pagkatapos ko magbihis at niyakap siya ng mahigpit. Sana ganito nalang palagi.

(RON'S POV)

Andito ako ngayon sa bahay na pinatayo ko. 2 storey building with 4 rooms since nag-eexpect ako ng malaking pamilya. Hahaha.

Every month ko lang ito binibisita para i-check kung may mawala ba although secured naman ang subdivision kung saan ito located. Supposedly, next next week ko pa siya bibisitahin ulit pero dahil sa batang lalake na nakita ko kanina, naisipan kong dumalaw.

Gusto ko ng pamilya. I've been separated with my parents since I was 18. Kahit patapon ang buhay ko noon, sinusustentuhan ako ng mga magulang ko sa pag-aakala na titino rin ako gaya ng taong yun.

After niya mawala, napagtanto kong hindi ko dapat sinasayang ang buhay ko sa mga bars at night clubs. Uuwi ng madaling araw sa condominium at magdadala ng babae o barkada, maglalasing at gagawa ng kalokohan.

Nagbago ako. Pinatayo ko ang bahay na ito, sa pag-aakalang hindi magtatagal ay babalik rin siya. Bubuo kami ng pamilya, at mamumuhay ng masaya. Pero hanggang ngayon wala parin, and I'm still waiting.

I went to the master's bedroom and layed down the bed. Tomorrow, I'll be back to my busy schedule. Meetings and paperworks. Worth it kaya ang pagsasakripisyo ko para sa kanya?

Sana.

*ringgg~!! ring ringg~!!*

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. I took a bath, fixed myself and went off.

Nang dumating ako sa opisina ko, nakita kong may dalawang letter na iniwan sa table. Ang isa ay letter ng secretary ko para sa leave niya for 6 months, at yung isa ay ang letter tungkol sa temporary substitute na secretary.

Hmm. Janalyne Dela Cruz. 27 years old. Maganda naman ang records niya from the past 7 years ng pagtratrabaho kay John Leeds. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit bumalik sa mababa ang posisyon niya 5 years ago. Kinuha ko ang teleponong naka-connect sa labas at pinatawag ang bago kong sekretarya.

Pumasok siya sa loob ng opisina ko at laking gulat na siya ang babaeng nakita ko kahapon sa Starbucks. Ang liit nga naman ng mundo.

"Good morning Sir. May kailangan po kayo?" tanong niya ng nakangiti.

Inilibot ko ang paningin ko sa kanya. Maganda siya at may inosenteng mga ngiti. Hindi mo aakalain na ang babaeng ito ay may anak na.

"So, ikaw pala ang papalit kay Sheena. Janalyne, right?" tanong ko sa kanya.

"Yes, sir. But you can call me Jane po."

"Alright, Jane. Can you make me a coffee? And please paki-announce na rin ang schedule ng mga meetings ko for today." sabi ko habang dinadaanan ng tingin ang iilang mga papeles sa lamesa ko.

"Ok po, Sir." Pumunta siya sa sulok ng opisina ko kung saan nakapwesto ang dispenser at mga cups for making coffees.

Payat siyang babae, mahaba ang buhok lampas balikat at may tangkad na 5" to 5"4 feet.

Bumalik siya sa table ko para iabot ang kape sa lamesa at doon ko napansing wala siyang wedding ring.

"Are you single?" bigla nalang lumabas sa bibig ko.

Nagulat siya sa bigla kong pagtanong kaya agad ko itong binawi.

"I'm sorry. I didn't mean to-"

"Yes, sir. But I'm not available. You can look for someone else. Thank you." Putol niya sakin at diretsong lumabas ng opisina ko.

Aba. Ang kapal ng mukha ah. Did she thought that I was hitting on her? What the hell.

Kinuha ko ulit ang telepono para tawagin siya.

"Ms. Jane, I thought I told you to tell me my schedule for today?" sabi ko habang pinipigilang ngumiti at binaba ko ang telepono ng hindi na hinihintay ang sasabihin niya.

Hindi umabot ng isang minuto ng bumalik siya sa loob na may namumulang mukha.I bit my bottom lip.

Damn, she's cute.

I think I'll be enjoying my 6 months of work more now.


Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon