Chapter 3

2.1K 46 8
                                    

Chester Archimedes Versales -------------------------------à

Choi Min Ki (Ren)

*** 

Mission accomplished ako kay Chester last week . Isang pasada lang ng explanation , isang matamis na OO agad ang isinagot nya sa akin . At shempre pa , pumunta ako sa loob ng unit nya at “pinuksa” si “spiderman” . At . . . Ang linis linis ng unit ni Chester . Dinaig pa ang akin . Akala mo hindi lalaki ang nakatira . Pero kasi , para namang bakla ang isang yun .

Linggo ngayon  , wala akong pasok . Kaya naman sinagad ko na ang tulog ko dahil I’m sure , simula bukas , patay baka na naman ako sa trabaho . Bukas na magsisimula ang kahihiyan ko . May tutorial ba naman ako ! Hmp .

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ko . Iminulat ko ang mga mata ko at tinitigan ang bedside clock ko . MAPAPATAY ko kung sino mang kumakatok ngayon ! Alas syete y medya pa lang ! Balak ko sanang hindi na lang pansinin ang kung sino mang asungot na nasa labas pero hindi naman ito tumitigil sa pagkatok . Bwiset .

Bumangon ako at inis na inis na binuksan ang pintuan .

“ANO !” pero bigla akong napanganga ng makilala kung sino ang nasa harapan ko .

“Prof. Keberluu ?” wala sa huwisyong sabi ko .

Kumunot naman ang noo nito . “Excuse me ?” sabi nitong tila nalilito .

Nakabawi naman ako sa pagkabigla at narealize kung ano ang pinagsasasabi ko . “Dadaan ka ? Go .”

Nagsmirk ito . Ngumiti naman ako . “Anong masamang hangin ang nalanghap mo at nandito ka ?” tanong ko dito . Pero ang totoo , naaamoy ko ang napakabangong aftershave nito .

“Sabi ni kuya Greg , wala daw kayong pasok pag Sundays . Same with me . Inutusan nya akong puntahan ka ngayon at magstart na daw tayo ng tutorial sessions .” sabi nito .

Umusok ang ilong ko . Linsyak naman Sir Greg ! Sundays na nga lang ang pahinga ko , kukunin pa rin ? Ano baaaaaaa ! ! ! Naisabunot ko ang kamay sa maiksi kong buhok . Lecheng buhay !

“E bakit ang aga mo !” singhal ko sa kanya .

“Pwede bang papasukin mo muna ako ?”

Sumimangot ako at niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan .

“Maghintay ka lang jan . Mag aalmusal muna ako . Siguro naman nakapag almusal ka na diba ?” naiinis kong sabi dito .

Tumango ito . Umupo ito sa favourite apple green couch ko . Pumasok naman ako sa kwarto at kinuha ang towel . Maliligo na rin ako . Para naman mawala ang init ng ulo ko .

Matapos kong kumain at maligo , sumalampak na ako sa carpeted floor at inilabas ang notebook at pen ko .

“O . Game na , Master .” sabi ko sa kanya habang ngumangata ako ng isang bar ng snickers .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon