*
Hindi naman sa may meaning or what , pero nagtataka talaga ako na hindi man lang ako nagawang batiin ni Royce ng Merry Christmas o Happy New Year . Kahit na balik trabaho na ulit ako at balik sa normal na gawi , hindi naman ako makapaniwala halos na hindi nya man lang ako naalalang batiin . Bakit kaya ? Samantalang noon , walang mintis sya sa pagtetext .Minsan tatawag pa . Kaya malaking palaisipan para sa akin kung bakit hindi sya nagpaparamdam ngayon . Not that I miss him or what , ok ? I’m just curious . May halos tatlong linggo na kasi syang hindi nagpaparamdam .
Alam kong busangot ang mukha ko nung pumasok ako sa office . Nakatingin nga sa akin sina Erin at Monique . Nakatitig sila na parang nagtatanong ang mga mata pero hindi naman nagawang isaboses ang mga tanong na iyon . Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso akong umupo sa swivel chair ko at nangalumbaba .
“Hoho ! Bagong taon na bagong taon , namomroblema agad ? Anong meron , pre ?” naka ngising aso si Kuya Baste habang umuupo sa tabi ko . Hindi ko naman sya pinansin at patuloy na nangalumbaba .
“Aba , aba ? May problema nga yata ang isang bata ! Ano yan , sabihin mo na ! Lovelife ba ?”
Hindi ko pa rin sya pinansin . Tinatamad kasi akong sumagot . Saka puro pang aasar lang naman lahat ng sinasabi nya e . Isa pa,busy ako sa pag iisip ng mga bagay bagay .
“Hoy .” Pinindot pa talaga nito ang pisngi ko . “Ano na ?”
Nag smirk ako bago sya inirapan .
“Aba , aba ! Nang iirap pa ! Hmp , may kasalanan ka pa nga samin ng Ate Lizelle mo ah ! Sige dagdagan mo ang atraso mo .” sabi nito .
Sumimangot naman ako sa sinabi nya . Kainis , akala ko ba ok sa kanya na hindi ako nakapunta noong 31 ? Yun pala ,nagtatanim ng sama ng loob , tapos binibilang pa !
“Kala ko ok lang sayo ?” sabi ko sa kanya .
Ngumiti ito . “Ok nga lang , pero shempre , atraso pa rin yun . Kasi naghanda kami ng pangtatlong tao na pagkain tapos di ka dumating . Ayun , na-doble tuloy ang sa akin . Gusto ni Lizelle ipakain sakin lahat e ! Yun palang babaeng yun pag buntis , nagiging tigre . Hindi ako maka ayaw s autos nya e . Nung sinabing “Kainnin mo lahat yan !”, wala e , kahit puputok na ang tiyan ko sa busog , kain pa rin !”
Natawa naman ako sa sinabi nya . “Sorry . Babawi na lang ako next time . Saka , alam ko namang takot ka kay Ate Lizelle ever since no . HAHAHA !”
Sasagot pa sana ito pero dumating na si Sir Greg kaya bumalik na ito sa desk nito .
***
Tinitigan ko ang loob ng unit ko . Nakakaiyak tingnan dahil sobrang dumi ! Para akong nakatira sa garbage truck . Napakamot ako sa batok . Paano ko kaya to lilinisin ? Sabi pa man din nit Tito Bogs mag ii-skype kami mamaya . Nakakahiya naman kung makikita nyang ang background ko e sobrang dumi ! Ano kayang gagawin ko ?
Saktong may kumatok sa pintuan ko . Aargh ! the last thing I need for today e BISITA ! Ang dumi kaya ng unit ko ! Tsk ! Pabalang na binuksan ko ang pintuan ng unit ko .
“Hiiii !” nakangiting mukha ni Chester agad ang bumungad sa akin , plus two ! Kasunod nya sa likod nya ang kambal na pinsan nya . Pumasok agad ang mga ito .
“Hi Ate Ice !” sabi ni Kevin . Ngumiti naman si Steven bilang pagbati .
“Hello . . .”bumaling ako kay Chester na nasa refrigerator na ang ulo at naghahalungkat .
“Hoy ! Anong ginagawa mo !” inis na sinipa ko ang puwitan nya . Nakatuwad kasi ito habang nakatinigin sa loob ng ref .
Nauntog ito siguro dahil sa pagkabigla sa ginawa ko . Dinig ko naman ang malakas na halakhak ng dalawang batang nasa likod ko .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Teen FictionFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D