A/N : Sa iilang readers na hindi nauumay sa amoy putok na storyang ito ni Ice , humihingi ako ng isang malaking pabor . . . Maaari gang magkomento kayo ng kung ano man ang ayaw nyo sa paraan ng pagsulat ko ? Gusto ko lang makita kung alin ang mga dapat kong i-improve . Nawa ay mapagbigyan nyo ang aking mumunting kahilingan kung hindi man nakakasayang ng inyong mahalagang oras . . . ^_^ Maraming salamat po ! Bow . . .
Lizelle Martinez (Torralba) ------------------------------------->
(Han Ga In)
* * *
“Ano na ? Ok ba ?”
Napalingon ako kay Ate Lizelle . Nagpasama kasi sya sa akin na pumunta sa gumawa ng wedding gown nya kasi fitting day nya daw ngayon . Hindi nya naman daw pwede isama si Kuya Baste kasi malas daw pag nakita nito na naka gown agad sya .
“Wow Ate ! Ang ganda ganda mo !” sabi ko na namamangha sa kanya ngayon . Lumapit ako at sinipat ng tingin ang white gown nito .
Naluluha naman ito . “Ice , naf-feel ko na . Ikakasal na talaga ako !”
Niyakap ko sya . “Ate , masaya ako kasi sa wakas , papakasalan mo na ang buang mong boypren .”
Hinampas nya naman ang balikat ko habang ngumingiti . Nagpahid ito ng luha . “Gaga . Mahal ko yung buang nay un .”
Ngumiti na rin ako . “Alam ko .”
“Kaya ikaw , humanap ka na rin ng lalaking papakasalan mo .” biro nito .
Umiling lang ako . “Sakit lang sa ulo yang mga lalaki nay an .”
“Tsk . Bahala ka na nga . Ayaw na kita kulitin . Alam ko masakit pa rin sayo ang nang-“
“Ssshhh ! Good vibes tayo today Ate . Wag kang spoiler ng kaligayahan . Wag natin isali sa usapan ang mga hindi dapat isali . HAHAHA .” sabi ko .
Bumuntonghininga ito . “Sorry . Inaalala lang kasi kita .”
Ngumiti ako . “Sus ok lang ako no ! Kering keri ko to ! Ako pa ! Tama na nga ang drama ! HAHA . Lika , picture tayo dali !”
Ngumiti din ito at nagpose na lang . Sumagi tuloy sa isip ko ang nangyari 5 years ago dahil sa pagkakaremind ni Ate Lizelle . Pinilit kong labanan ang namumuong luha at ngumiti na lang din ako at nagpicture gamit ang phone ko .
***
Ilang araw na naming napapansin na simula ng may mangyaring “kissing action” si Sir Greg at Karina , naging sobrang tahimik ni Sir at hindi na laging galit sa amin , lalo na sakin . Naisip ko tuloy , tinablan kaya si Sir ? Umepekto kaya sa kanya ang paghalik nya sa bespren ko ?
“Hooy !” kinurot ni Kuya Baste ang pisngi ko . “Musta ang fit ng gown ni Lizelle ? Maganda ba ?”
“Oo , ang ganda nya as in . Nabighani nga ako e . Nainlab ata ako kay Ate ?” biro ko .
Siniko naman ako ni Kuya Baste . “HAHA ! ‘Tado ka talaga , Ice .”
Ngumiti lang ako at inayos ko na ang mga gamit ko . Uwian time na maya-maya e .
“Pag isipan mo ng mabuti yung sinabi ni Lizelle ah . Gusto ka kasi talaga gawing bridesmaid nun e . Kayo ni Karina kasama ng iba pa nyang pinsan at kaibigan .” sabi nito sabay tapik sa balikat ko .
Bago pa ako makasagot , nilapitan na ako ni Miss Cherry .
“Ice , may naghahanap sayo sa labas .” Mahiwaga ang ngiti nito bago ako iniwan .
Tumayo naman ako at dinala ko na ang bag ko . Awasan na rin naman kasi .
Pag labas ko , nakita ko si Royce . Lumapit ito sakin na nakangiti .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Teen FictionFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D