A/N : Kahit hindi ka humingi nito , sinadya kong i-dedic sayo ang chapter na ito dahil nakakatuwa ka ! Isa ka sa mga nakakatuwang "commentator" sa akda-akdaan kong ito . Kaya salamat ! HEHE .
Nakatitig ako sa copy ng Kiss Angel Volume 2 na nasa mga kamay ko na . Sa wakas ! Published na ulit ang KA ! Ang sarap sa pakiramdam pag ganito e . Feeling ko , fulfilled na fulfilled ako . Kaya lang , nagdedemand na naman si Sir Greg . Gusto nya na naman dagdagan . Kaya wala akong magagawa . Kahit na tinatamad pa ako , kelangan e soon , makapagstart na ako ng Volume 3 . Kakaloka . Tinatamad na ako e . Gusto ko ibang story line naman . HEHE .
May kumatok sa pintuan kaya natigil ang pagmumuni-muni ko . Tumayo ako at binuksan ang pintuan . Nagulat ako na makita si Chester . Aba , sa wakas nagpakita din sya sakin ! After 2 weeks since mangyari yung nakita nya dito with Royce . Isa pa , KUMAKATOK na sya ! HAHA .
“Oh ?” tanong ko habang nakasandal sa gilid ng pintuan .
Sumilip muna ito sa loob ng unit ko . Maya-maya ay unti-unti itong ngumiti .
“Hi !” sabi nito sabay pasok sa loob . Umupo agad ito sa couch at itinaas ang paa sa center table . “Kuya , pa-autograph ! Amin ni Bev yan !” sabi nito sabay hagis sa akin ng dalawang copy ng Kiss Angel Volume 2 .
Umiling-iling ako bago umupo sa tabi nya . Kinuha ko sa kamay nya ang hawak na marker at pinirmahan ko ang dalawalang libro .
“Oh .” sabi ko at iniabot na sa kanya ang mga libro .
“Thanks !” tapos ay niyakap ako ng pagkahigpit-higpit .
Ayun na naman ang puso ko . Tumitibok na naman na parang may isang daang kabayong naghahabulan sa loob . Ano ba ito !
Mabilis na kumalas ako sa yakap nya at tumayo . Hindi ako makaharap sa kanya dahil alam kong namumula ako sa hiya ? Hiya nga ba ? Hindi ko rin alam . Basta tumalikod agad ako .
“Anyways , Kuya . Gusto ko lang mag sorry nung nakaraang linggo . Yung pumasok ako bigla tapos nakita ko kayong nagkikiss ni –“
“Hindi kami nagkikiss !” malakas na sigaw ko sa kanya .
Mukha naman syang natuklaw sa hitsura nya . “O-okay . Hindi kelangan sumigaw !” sabi nito .
Napabuntong hininga ako bago nagsalita . “Hindi kami nagkikiss . OK ? Kuha mo ?”
Tumango ito . “So ano kayo , naglalandian lang ?”
“Sapatusin kaya kita jan ? Ikaw nga jan e ! Girlfriend mo na pala si Bev hindi ka man lang nagbabalita ! Sino ang malandi satin ?” sabi ko . Mejo naiirita ako na lumabas sa bibig ko ang word na GIRLFRIEND . Tsk !
Ngumiti ito bago lumapit sa akin . “Hindi ko sya Girlfriend ! Pero Kuya , nagseselos ka ba ?”
Alam ko namumula na naman ako . Kaya ipinaling ko sa kabilang direksyon ang mukha ko .
“Chura neto ! Bat naman ako magseselos ? Batang to !” sabi ko . Pero grabe yung relief ko nang sabihin nyang hindi nya naman talaga girlfriend si Bev . Ano ba ito !
Tumawa ito bago ako inakbayan . “Wala lang . Joke lang yun , ito naman . Boyfriend mo na ba si Prof Royce ? Di ka man lang nagkkwento , DALAGA ka na pala ngayon .”
Siniko ko sya . “Bwisit ka . Hindi ko sya BOYFRIEND . Tigilan mo ako sa mga dalaga-dalaga na yan ah !” sabi ko habang pilit na tinatanggal ang mabigat nyang braso sa pagkaka akbay sa akin .
“HAHA ! Calm down lang Kuya ! Ikaw naman , masyado kang hot ! Ganito na lang , ayain mo si Prof Royce for a friendly date . Double date tayo nina Bev ! Masaya yun pag nagkataon !”
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Novela JuvenilFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D