Chapter 30

809 19 10
                                    

Random picture of Chester --->

***

Halos liparin ko ang kabilang unit matapos mabasa ang note sa akin ni Chester . Kinatok ko ng paulit-ulit ang pintuan hanggang hindi nya binubuksan . Hindi ko kasi maipaliwanag yung nararamdaman kong kakaibang emosyon ngayon e . Naiiyak ako na natatawang hindi mawari . Para kasing namiss ko sya ng sobra .

Pag bukas ng pintuan , handa na akong yumakap sa kanya pero mabilis kong pinigilan ang mga braso ko dahil ang bumungad sa akin sa pinto ay si Bev , hindi si Chester .

“B-bev ! Hi ?” alanganin ang ngiti ko habang nakasandal sa gilid ng pintuan .

Ngumiti ito . Namumula pa yata ?

“Kuya Ice , pasok ka .” sabi nito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan .

Napakamot ako sa ulo .

“Hindi , ano . . . Anjan ba si Chester ? May itatanong lang sana ako . Pero baka naman nakakaistorbo ako ?” mejo alanganin kong tanong .

“Nasa CR sya e .” sabi nito .

Tumango-tango na lang ako bago tumalikod .

“Pasabi na lang dumaan ako .” sabi ko habang nakatalikod . Pumasok agad ako sa unit ko .

Pagka-saradong pagkasarado ng pintuan ay awtomatikong napahawak ako sa dibdib ko . Leche , alam kong flat ang dibdib ko , pero bakit ramdam na ramdam ko ang napakalakas na pagtibok ng puso ko ? Yun bang , sa sobrang lakas , parang kumikirot na ?

Napailing-iling ako bago napasandal sa pintuan . Hindi ako natutuwa sa mga nagiging reaction ng katawan ko . Bakit , e ano ba sa akin kung nandun ngayon sa unit ni Chester si Bev ? May something na nga yata talaga sila , kaya nandun sya . Pero bakit itong traidor at pasaway kong puso , naghuhuramentado kanina pa !

Bumungtonghininga ako ng napakalalim bago tumikhim .

“Shit ka , Ice . Pull yourself together .” kinakausap ko na naman ang sarili ko .

Napatingin ako sa cake na nasa table . Nagpakawala ulit ako ng isang mahabang buntong hininga bago ko kinuha yung cake at inilagay sa loob ng fridge .

***

Kahit na 2nd week pa lang ng December ay ready na ang Christmas Party sa office . Tumutulong ako kay Miss Cherry sa paglalagay ng Christmas ornaments sa giant Christmas tree . Nagsabit ako ng kung ano-anong palamuti bago ako bumaba ng hagdanan .

“Ok na ! Thanks sa help , Ice ! Oyy nga pala , may fireworks display tayong aattendan after ng party kaya wag ka agad uuwi ah ! Kilala kita , nabobore to death ka sa mga party pero please lang , wag ka muna umuwi , ha ?” sabi nito nang makababa ako .

Tumango ako at ngumiti . “Ok , sabi mo e ! HEHE .”

Ngumiti sya bago tumalikod . 

Tinanggal ko ang suot kong checkered polo shirt dahil tagaktak na ang pawis ko . Ipinamunas ko na lang sa aking noo dahil basang-basa na rin pati ang panyo ko .

Biglang nag-ring ang cellphone ko . Pag tingin ko , si Kuya Andy .

“Hello , Kuya Andy ?”

“Ice ? Saan ka mags-spend ng Christmas ?”

“Uhm , hindi ko alam . Baka umuwi na lang akong Batangas . Bakit ?”

“Kung ok lang sayo , pwede bang magspend ka ng Christmas na kasama namin ni Mama ?”

Napangiti ako . Ang sarap sa pakiramdam ng ganito . Feeling ko ay mabilis akong makaka-belong sa pamilyang ito na ang turing sa akin ay parang hindi iba .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon