Chapter 4

1.8K 48 7
                                    

Cherish Athena Versales -------------------->

(Yoon Bomi)

***

“Kuya , pwede pakidala naman sa clinic si Royce ? Susundan ko lang si Chester . Please ? Thank you .”

Napanganga ako sa sinabi ng babaeng kasama ni Prof . Bakit ako ? Wala pang tatlong Segundo ay nakalayas na sa harapan ko ang babae at naiwan akong nakatingin kay Prof na nakatayo na at sapo sapo ang dumudugong ilong . Ano bang meron ? Ako lang ang unaware .

“Master , tara sa ospital .” sabi ko dito habang hila-hila ang manggas ng polo shirt nito .

“Hindi . Punta na lang tayo sa botika . Ako na lang ang gagamot . Kaya ko naman .”

Nagkibit balikat ako . “Babayaran ko lang muna itong groceries na iniwan sa akin ni Chester . Lokong bata yun e , iniwan na lang bigla ito .”

Tumango lang ito . Napailing na lang ako at dinukot ang panyo ko sa bulsa ko .

“O . Kadiri ka na jan e .” sabi ko sabay abot sa kanya ang panyo ko . Ngumiti naman ito at kinuha yun sabay idinampi agad sa dumudugo nyang ilong .

Buti na lang walang masyadong namili kaya walang pila . After 10 minutes , nasa labas na kami ng SM . Nakabili na rin ng first aid si Prof .

Nanghahaba ang leeg ko kakahanap kay Chester . Isang pushcart ng groceries ito at wala akong wheels . Sa kotse nito kami sumakay kanina e . May wheels pala ito , pero di naman daw nya masyadong ginagamit . Ayoko naman bitbitin to lahat pauwi no . Ano ako , uto ? Dami dami pa man din nito .

Nakita ko na umupo sa isang tabi si Prof at binuksan ang pakete ng gauze bandage . Ano kayang gagawin nun dun ? Tsk . Lumapit ako at tinabihan ko na lang sya .

“Hindi mo ba ako tutulungan ? Diba sa movies , babae yung nagamot sa mga nasusuntok na lalaki ?” nakangiting sabi nito habang iniaabot sakin ang pakete at cotton balls .

Tumaas ang gilid ng labi ko sabay ng pagtalsik ng kilay ko . “Aanhin ko yan ? Saka , nasa movie ba tayo para ako ang gumawa nyan ? Sinabi ko ng magpaospital ka na lang e . Aayaw ka pa . E di magtiyaga ka jan . Bahala ka .”

Nagsmirk naman ito . “Pakasungit talaga .”

Hindi ko sya pinansin bagkus ay nagtanong ako sa kanya . “Bakit ka sinuntok ni Chester ? Hula ko , teacher ka nya . Diba ? Hinabol mo pa nga sya noon sa UP grounds e . Anong meron ? Bakit parang ang init-init ng dugo nyo sa isa’t isa ?”

Napatigil ito sa ginagawa . May ilang Segundo kaming tahimik bago sya nagsalita .

“Yung babae kanina na kasama ko , ex-girlfriend ko . Kapatid sya na panganay ni Chester . Galit na galit sya sakin dahil akala nya  , niloko ko ang Ate nya . Pero hindi naman talaga . Sadyang may mga bagay lang na hindi kami napapagkasunduan noon kaya kami nagbreak . Isa pang ikinakainis nya , mas matanda kasi ako sa Ate nya ng 6 years .”

Napatahimik ako sa sinabi nito . Kaya naman pala . “Eh bakit magkasama kayo kung ex mo na sya ?”

Ngumiti ito . “Gustong makipagbalikan sakin ni Cherish . Pero wala na akong nararamdaman para sa kanya . Gusto kong maging magkaibigan na lang kami . Pero sabi nya , hindi daw sya titigil hanggang hindi kami nagkakabalikan .”

Napatango ako . Grabeng babae yun . Sya talaga humahabol ah ? At sa nilalang pa na ito ? Tsk .

“Eh ikaw ? Bakit pala kasama mo si Chester ? At bakit kanina , bigla na lang syang pumasok sa condo mo ?” tanong nito na parang may pagdududa .

“Kapitbahay ko ang batang yun . Nagpasama mag grocery shopping . Napakakulit nya at feeling nya e close kami . Ayun , hinayaan ko na lang tutal may nahihita naman ako sa kanya e . Pumayag sya na gawin kong basehan ang personality at physical features nya sa character ng comics na gagawin ko .”

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon