Chapter 27

798 21 8
                                    

A/N : Sorry for very lame updates lately . I've been busy . Chos , as if . HAHA . Anyways , here's another one . LOL .

--------------

“Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo , Jed . Wala akong balak makipag biruan sayo . Umalis ka sa harapan ko dahil lalayas na ako .” Inis na itinataboy ko palayo si Jed pero nakaharang pa rin ito sa daraanan ko .

“Jed , isa , nauubos na ang pasensya ko .”

Biglang nalaglag ang mga balikat nito pati na ang mapaglarong ngiti sa mga labi .

“Sorry . Makulit ga ako ? Ihahatid na lang kita sa inyo .” sabi nito .

“Kaya ko mag isa .” Tapos tinalikuran ko na sya at umalis .

“Saglit lang , Ice !”

Hinayaan ko sya na sumunod sa akin . Wala naman akong magagawa e . Pero hindi ko sya kinakausap kahit na paulit ulit syang nangungulit . Nakalabas na kami ng sementeryo pero patuloy pa rin ito sa pagsunod sa akin .

“Pwede ba , tigilan mo na ako ? Lalo lang nadadagdagan ang galit ko sayo kapag nakikita kita kaya lumayas ka na sa harapan ko .” Naiinis na sabi ko sa kanya .

Mukha namang sa wakas ay tinablan na ito kaya tumahimik ito bigla . Napakamot ito sa batok bago nagsalita ulit . “Sorry . Gusto ko lang kasi talaga na sana mapatawad mo ako . Alam ko , makapal ang mukha ko para humingi pa ng tawad sayo after ng nagawa ko . Pero believe me , nagsisisi talaga ako .” Nagsusumamo ang mukha nito habang nakatitig sa akin .

“News Flash : I DON’T CARE .” At tumalikod ulit ako .

Naramdaman ko na hindi na sya sumunod sa akin . Habang papalayo ang mga yabag ko , naramdaman ko na lang bigla ang pagpatak ng isang butil ng luha . Mabilis kong pinahid ito .

“Anak ka ng kamote , Ice . Wala nang iyakan , remember ?” Kinausap ko ang sarili ko habang nagpapakalma ng damdamin . Hindi ko inakala na ganito pa rin pala kasakit at kalakas ang epekto ni Jed sa akin .

Napailing ako sa naisip . Napabuntong hininga na lang ako .

***

Nakatulala ako habang nakatitig sa TV . Wala akong maintindihan kasi hindi naman ako naka focus sa pinapanood ko . Basta binuksan ko na lang sya sa isang random channel . Gusto ko kasing tanggalin sa utak ko ang pag uusap namin ni Jed kahapon . After 5 long years , nakausap ko ulit sya ng ganoon .

Napapitlag ako nang may kumatok sa pintuan . Tumayo ako para tingnan sa peephole kung sino ang balasubas na nakatok sa kalagitnaan ng hatinggabi ng November 1 .

Ini-unlock ko ang locks sa pintuan matapos makitang si Chester lang naman ang tao sa labas .

“Ano na namang ginagawa mo dito ?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya .

Ngumiti ito . “Sleepover party ! Yey ! ! !” Tapos ay tuluyan na tong pumasok sa unit ko .

Pero bago pa ito makahilata sa favourite couch ko , nahila ko na kaagad ang kwelyo ng pajamas nya . “Hindi pwede . Labas .”

Pero mabilis na lumuhod ito at kumapit sa paanan ng center table ko .

“Ayaw . Dito lang ako .”

“Chester , lumayas ka . Wala ako sa mood makipag asaran sa iyo .”

Tumigil ito ka kakakawag . Tapos ay umayos ito ng upo .

“What’s the problem , Kuya ?” sabi nito habang yakap-yakap ang isang maliit na teddy bear . Saan nanggaling yun ? Siguro dala nito yun pero hindi ko lang napansin kanina .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon