Karma , The Infamous Pet Chameleon ---------->
---------------------------
Isang linggo na akong hindi mapakali at hindi agad makatulog sa sinabi ni Royce sa akin . Malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko sa sinabi nya . Ayaw ko lang isipin kung ano man ang isinisiksik ng utak ko .
Kahit na naglesson ulit kami after nun at naglesson kami kanina lang , hindi pa rin ako mapakali . Naiirita ako kasi parang sa aming dalawa , parang ako lang yung apektado . Sya parang ang cool nya lang . Kainis !
Kaya pati tuloy itong komiks ko , hindi ko magawa ng ayos . I mean , ok na ang story line at ang drawings ko . Nahihirapan lang akong i-edit . 3 weeks na lang at deadline ko na para dito pero wala pa rin akong mapala . Alalang alala ko pa ang sinabi ni Sir Greg .
“Dapat by the end of August tapos yang 1st Volume !”
Napabuntonghininga na lang ako . Anong petsa na ngayon ? Haaay kakaloka . Kinuha ko si Karma sa cage nya at umupo sa couch . Pinaglalaruan ko ang buntot nito . Napansin kong biglang bumuhos ang malakas na ulan . Kumidlat pa at kumulog . Ipinatong ko si Karma sa center table at sumilip ako sa bintana . Malakas nga ang ulan . Mukang babagyo na naman ah .
Bumukas ang pintuan . Lumingon ako at nakita ko si Chester .
“Hi Kuyaaaa ! It’s raining ! It’s pour- SHIT !” bigla nitong itinutok ang dalang mahabang payong na basa pa sa center table .
“Hoooy ! Nababasa ang floor !” reklamo ko .
“What’s that freaky evil thing doing on the table ? ! ? Kuya ibalik mo na sya sa cage nya sa balcony ! I hate seeing that creature !”
Lumapit ako at kinuha si Karma na behave lang naman . “Diba hindi mo na sya tatawaging freaky evil thing ? Saka hindi pwedeng sa balcony sya ngayon . Umuulan . Ipapasok ko mamaya ang cage nya at dito sya sa tabi ng door matutulog later .”
Umiling-iling ito . “Nooooo !” Ipinatong nito ang basang payong sa rack at tinanggal ang bag na nakasabit sa balikat . “Please Kuya , ibalik mo na sya sa lalagyan nya . It makes my skin crawl ! Ugh !” maarteng sabi nito .
Binuksan ko na lang ng kaunti ang door ng balcony at hinila papasok ang maliit na cage ni Karma . Nabasa pa ang braso ko sa lakas ng drizzle ng ulan .
Nagpatong ako ng malinis na floor mat sa tabi ng umbrella rack at dun ko ipinatong ang cage ni Karma . Ipinasok ko sya sa loob at naghugas ako ng kamay .
“Thank you !” sabi ni Chester at binulatlat ang malaking bag nito . Umupo ito sa couch at ibinuhos lahat ng laman ng bag nya .
“Ano yan ?” tanong ko sa dalawang brown paper bags .
“Nag grocery shopping ako kanina ng ilang food items . Nagsasawa na kasi ako sa boring mong pagkain e .” nakangiting sabi nito .
“Yabang mo . Nakikikain ka na nga lang e .” bulong ko at lumapit sa kanya . Sumalampak ako sa sahig at tinulungan ko syang tanggalin ang laman ng bags .
Yung first bag , may lamang bacon strips , century tuna hotdog , chicken nuggets , at isang bar ng dairy cream . Yung isang bag naman , may lamang 2 whole wheat Gardenia loaves , Skippy peanut butter at grape jelly .
“Ako na bahala for tonight’s dinner , Kuya . Just sit back and watch the news . Feeling ko kasi may bagyo e . Ok ?” nag wink pa ito bago dinala lahat ng foods sa counter .
Hinayaan ko syang magprepare ng dinner . Nanood lang ako ng news . May bagyo nga at signal number 1 ang NCR .
“O Kuya , diet tayo ngayon .” dinala nito sa center table ang isang tray .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Teen FictionFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D