Chapter 21

930 23 5
                                    

A/N : Pasensya ! Tinamaan ng totoong sakit si otor . Mantakin mo yan , tinatablan din pala ako ng sakit maliban sa sakit kong Katam , Katang at Kabul . HAHA ! Oh , are na ang UD . Hiya ko na laang sa isang batang makapag demand jan e wagas ! Tinadtad nya lang naman ang Chapter 20 ng mga komento nya . HAHA .

-------------------

Napa-face palm ako sa sinabi ni Royce . Ano na naman kayang trip ng isang ito ?

“GUSTO mo ako ? Hibang ka ba ?” sabi ko sa kanya .

Kumunot ang noo nya . “So pag nagustuhan ka , hibang na agad ? Hindi pwedeng gusto lang , wala ng kahibangan pang nalalaman ?” sagot nito . Bah pilosopo .

Tinitigan ko sya . “Royce , sinasabi ko sayo , kahibangan lang yan . Iuntog mo muna ang ulo mo para matauhan ka .”

Umiling ito . “Ice , intindihin mo naman ang sinasabi ko kahit once lang . Mahirap bang paniwalaan na gusto kita ? Alam mo bang gusong gusto kita na para na akong sira na pati mga estudyante ko sa UP , minsan , mukha mo ang nakikita ko sa kanila imbes na mukha nila !”

Kumakabog ang puso ko . Pero idinaan ko lang iyon sa tawa . Dun naman ako magaling e .

“See ? Hibang ka na nga . Alam mo , umalis ka na kasi marami pa akong trabaho .” sabi ko .

Nakatitig sya sa akin at kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya . Alam ko , ramdam ko na hindi ako ginogoyo ng isang ito . Ramdam kong may katotohanan sa mga sinasabi nya pero ayaw ko lang tanggapin dahil natatakot ako sa magiging reaction ko .

Nagpakawala ito ng buntong hininga . “Ice , I’m not gonna give up . Alam ko somewhere inside you , naiintindihan mo ang sinasabi ko sayo . Ipapakita ko sayo na pwede mo rin akong magustuhan . Hindi ako agad agad susuko kung sa tingin mo ay makakaya mo akong basta basta itaboy . Remember that .”

Tapos tumalikod na ito at iniwan ako na nakatulala habang nakatingin sa papalayong bulto nya .

***

Sumiksik si Chester sa kili-kili ko pero hindi ko sya pinansin . Hanggang ngayon , kahit ilang araw na ang lumipas simula ng sabihin sa akin ni Royce na gusto nya ako , hindi pa rin natatanggal yun sa isipan ko . Nag decide ako na talagang hindi na ako magpapakita sa lalaking yun . Masyado syang dangerous .

“Kuya , malapit na ang sembreak namin .”sabi nito habang nakabayuot sa tabi ko .

Tumingin ako sa kanya . “Ayos yan . Bakasyon . Saan ka magbabakasyon ?”

Ngumiti ito . “Kung asan ka . Boring kasi pag mag isa lang ako . Hindi naman kasi sabay ang bakasyon namin ni Ate . Mas mauuna ako sa kanya kaya wala ring tao kung uuwi man ako sa bahay namin .”

“Chester , hindi ka ba nagsasawa sa pagmumuka ko ?” tanong ko sa kanya . Kasi naman , noong isnag linggo pa ayos na ang unit nya pero kahit anong pagtataboy ang gawin ko , ayaw nya namang umalis dito . Bagkus ang ginawa nito ay ipinalipat nito sa worker ang cage ni Karma sa unit nya . Tsk . Para tuloy akong may alagang aso na sunod ng sunod sa akin .

“Actually nakakasawa ka na . Kaya lang , mas gusto ko kasi ang may kasama lagi . Alam mo naman ako , lumaki akong loner at walang nangangaibigan sa akin . Kaya pinagtitiyagaan kita .”

“Ah ganun . . .” sabi ko at kiniliti ko ang leeg nya .

Tumawa ito ng tumawa . “HAHAHA ! Kuya—Tamaaa na !”

Hindi ko sya tinigilan . Bah loko sya e , yabang yabang . Kilitiin ko nga . Pero mas malakas pa rin sya sakin kasi nga lalaki pa rin sya . Kaya in just a few seconds , sya na ang umaatake sa akin .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon