Chapter 24

905 22 5
                                    

A/N : Gusto ko lang mabatid ninyo na ang pangalang Wang Shih En (Andrew Wang) ay may katawang tao at hindi likhang isip lamang . Sya ay isang Taiwanese Missionary na nakilala ko . At . . . GWAPO sya . BAHAHAHAHHAHA ! Wala lang . Trip ko lang ibahagi . :D Naisip kong gamitin ang name nya dito . HAHA . :))

Wang Shih En (Andrew Wang)------------>

(Lee Donghae)

*** 

Minamasahe ko ang sentido ko habang nanginginig na humihithit sa yosi ko . Nagpaalam ako kay Sir Greg na lalabas sandali at kakausapin ko ang “kapatid” ko . So nandito ako sa isang coffee shop na malapit sa office , kasama si Mr . Wang . Nalaman ko rin na patay na si Wang Shou Zhong o mas kilala sa pangalang Daniel Wang , ang tatay daw namin .

“So . . . pwede pakipaliwanag kung paano tayo naging “magkapatid” ?” pagbasag ko sa katahimikan namin .

Tumango ito bago nagsalita . “Alam ko , our dad was an ass . Sorry for the word pero sya rin mismo ang nagdescribe sa sarili nya na ganun sya . Let me explain further .”

Umayos ito ng upo at niluwagan ang necktie .

“Before pa makilala ng Mom mo si Dad , pamilya nya na kami ni Mommy . Three years old na ako that time . Nagkaroon ng relationship ang Mom mo at ang Dad ko ; your mom never knew na pamilyado na si Dad . At nagtagal din ng dalawang taon ang relasyon nila behind our backs . I was almost six nung nangyari yung hindi inaasahan . Isang araw , bumalik si Dad sa bahay namin saying na kelangan daw muna namin lahat umuwi sa Taiwan . Hindi namin alam na tinakasan lang pala nya ang Mommy mo na buntis na pala sayo that time .”

Tumingin ito sa akin . Parang naghahanap ng reaction from me . Pero nakatingin lang din ako sa kanya na parang wala lang sa akin ang mga sinabi nya . Pero ang totoo , awang-awa ako sa  sarili ko dahil totoo pala ang hinala ko na simula noon , kahit hindi pa ako naipapanganak ay ayaw na sa akin ng tatay ko .

Ipinagpatuloy nito ang pagkkwento nang makitang wala syang mapapalang reaction galing sa akin .

“I was 15 nung nagdecide si Dad na bumalik dito dahil nga namimiss na ni Mommy ang family nya . Filipina din kasi ang Mommy ko so umuwi kami lahat dito at nag-business na lang ulit sila . Nung naging successful ang publishing business , nagdecide si Dad na ipahanap kayo ng Mommy mo . Hindi pa rin namin alam yun that time dahil tinatago nya parin sa amin all those years . Nalaman lang namin ang tungkol sa inyo nung nabasa ni Mommy ang text message ng private investigator na ni-hire ni Dad para ipahanap kayo . When she learned about that , dinamdam nya ng husto ang paglilihim ni Dad . Mas galit sya sa ginawa ni Dad na pang iiwan nito sa iyo noon . Sana daw ay sinabi na lang ni Dad kay Mommy ang totoo , matatanggap naman daw ni Mommy na may anak si Dad sa iba at willing syang i-adopt ka that time .”

Nag pause ito para tingnan ulit ang reaction ko . Dahil nga sanay na ako at puro kalyo na ang puso ko , kahit na nakakaiyak lahat ng sinabi ni “Kuya” Andrew ay  nanatiling bato ang expression sa mukha ko .

“So as I was saying , nung nagkaalaman , tumulong na rin si Mommy sa paghahanap sa inyo . Pero natigil yun two years ago nang biglang mamatay si Dad . Na-heart attack sya at diretso na namatay . So dahil sa shock and grief namin ni Mommy , ipinatigil muna namin ang pagpapahanap sa inyo at nagluksa muna kami . After that , ako na ang humawak sa publishing business . Fate has been so good to me dahil sa Publishing House ko pa nadala ng boss mo ang Comic Series mo . Ako ang Presidente ng Publishing Company na nag-publish ng Comics mo , Ice . Sakto naman na may lead na daw ang private investigator noon at sinabing namatay na nga rin daw pala ang Mommy mo at ikaw na lang ang natira ; sinabi nya sa akin ang full name mo at binigyan nya ako ng copy ng photo mo . So nung nalaman ko ang name mo at nakita ka nung signing of contract with my company , hindi ako lumabas . Naaalala mo ba yun ?”

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon