A/N : Thankyou so much sa mga nagbabasa nito . Actually hindi ko inakala na may magseseryoso sa pagbasa nito pero eto na nga , merong ilang nagttyaga . Kaya SALAMAT ! ^_^ At ito pala ay dedicated kay Miss Shin from Mars . :)
Kevin and Steven Versales ----------------------------->
(Jo Kwang Min and Jo Young Min)
Suminghot-singhot ako . Ang bango ng naaamoy ko . San kaya nanggagaling yun ? Bakit amoy pagkain ? Di pa naman ako nagluluto ah ? Naf-feel ko nga na half-asleep , half-awake pa ako .
Bigla akong napamulat sa naisip . Lumingon ako sa gilid ng bed . Walang Chester . Pero ang linis nan g half part ng bed ko . Yung side ko na lang ang magulo . Bumangon ako at dali-daling lumabas .
“Good Morning ! ! ! Buti nagising ka na . Male-late ka na sa work mo e . ^_^” sabi ni Chester nan aka-apron at nasa harap ng stove ko , may nilulutong hindi ko alam kung ano .
“Shit , anong oras na ? Si Prof !” dali-dali akong tumakbo papalabas ng pinto pero sumigaw si Chester .
“Wala na sya . Kakauwi lang . Yan , may iniwang note sayo , asa counter .” sabi nito .
Lumapit ako sa counter at nakita ko ang isang papel na nakapatong . Binasa ko ang nakasulat .
“Ice , sorry for last night . Thank you rin . I’ll make it up to you . Just had to go to class . –Royce”
So first name basis ang trip nya ? Hindi na PROF ? Tch .
“Kumain ka na Kuya . Dali .” sabi ni Chester habang ipinapatong sa table ang niluto nya .
“Ikaw ba ? Anong oras ng klase mo ?” tanong ko .
Ngumiti ito . “Mamaya pang 10 . For the meantime , lilinisin ko muna ang unit mo kasi nahihiya ako para sayo sa dumi nito .”
Nagsmirk ako . Yabang ng bwisit .
“Bahala ka . Basta wag mong papakelaman ang mga gamit ko . At i-lock mob ago ka umalis .”
“Yes boss !” sabi nito .
***
Kakapasok ko pa lang sa office ay bumungad kaagad sa akin ang worried look ni Miss Cherry .
“Ice , goodluck .” bulong ni Miss Cherry sakin .
Tumango ako . “Bakit Miss Cherry ? Anong meron ?”
As if on cue , biglang bumukas ang office door ni Sir Greg at lumabas ito na sumisigaw , kasunod si Karina .
Oh no ! Ano bang ginagawa ng babaeng ito dito ?
“Miss Jose , diba sinabi ko na sayo na ayaw ko na makita ang mukha mo sa office ko o anywhere malapit sa lugar na ito !” malakas na sigaw ni Sir Greg .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Novela JuvenilFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D