A/N : Inuulit ko po , LATE ang TIMELINE nito ngayon kaya paki understand na lang . :D Maraming Salamat po ! BOW . :p
True to what he said , talagang “friendly date” nga naman itong meron samin ngayon ni Royce . Nag joyride lang kami kanina at huminto kami sa isang liblib na beach resort sa Matabungkay , Batangas . Yung pinuntahan namin ay isang resort na walang bayad dahil nga mejo malayo na at saka hindi kalinisan . Pero pwede na naman syang pagtyagaan . Sabi nya , change of plans na lang daw nung last minute . Nabobore to death daw kasi sya kung kakain lang kami tapos sy uuwi na . Saka it’s too early pa nga naman for dinner . Alas tres pa lang kasi ay pinuntahan na nya ako sa Zinnia . Kaya nga nagulat ako kasi ang aga nya . Buti na lang talaga mabilis akong maligo at mag ayos sa sarili . Kumbaga , wala na kasi akong inilalagay na kung ano ano sa mukha ko kaya ang bilis lang talaga . Plus pa na hindi ako nagsusuklay ng buhok . HAHA . So ayun nga , nag joyride kami .
Nagulat na lang ako kanina nung dito kami napadpad . Nakatulog kasi ako sa mahabang byahe namin . Sabi kasi sa akin ni Royce , magj-joyride lang daw kami tapos babalik na ulit sa Manila if ever man makapunta kami sa ibang lugar . Kaya nagulat talaga ako kasi nga pag gising ko kanina , nandito na kami .
Mukha tuloy akong tanga dahil naka todo get up pa ako ngayon . Yung bagong jeans ko ang isinuot ko saka bagong laba ang old and comfy chucks ko . Mantakin mo yan , nalabhan ko rin sa wakas si baby chucks ! HAHA ! E pero malay ko ba naman kasi na dito pala kami pupunta ngayon ? Akala ko kasi , baka sa mall na naman kami mag hang out ni Royce gaya ng nakagawian kaya nag ayos naman ako ng porma kahit konti . Yun pala , sa huli , tinanggal ko rin ang chucks ko dahil nabasa ng tubig dagat . Kaya ayun , madumi na ulit sya dahil sa lumot . HAHA !
Marahang dumampi sa balat ko ang hangin . Nakaupo lang kasi ako sa buhanginan at nagawa ng sand castle . Naiirita na nga ako kasi kanina pa ako naghuhukay para makagawa ng foot bridge para sa sundalo ng hari , ang kaso , lagi naman napuputol yung ginagawa ko !
Si Royce naman , parang batang ewan na nandun sa parteng may malalaking bato at may kinakalikot na kung ano-ano . May hawak itong bote ng Coca Cola na nahati sa gitna . Ano naman kayang ginagawa nun ?
Kaya imbes na maasar lang dahil hindi ako makagawa ng foot bridge , minabuti ko na lamang na puntahan si Royce at maki-join sa kanya . Isa pa , kaming dalawa lang naman kasi ang tao dito . Liblib na nga kasi saka hindi kagandahan . Kaya walang napapasyal , kami lang . HAHA !
“Hoy ! Anong ginagawa mo ?”tanong ko sa kanya habang inilililis ko ang pantalon ko para hindi mabasa ng tubig dagat .
“Hmmm ?”
Hindi man lang ako nilingon . Mukhang busy nga yata talaga sya . Ano ba kasing meron sa batuhan na yan ? Saka paano sya nakaakyat sa ibabaw ng malaking bato e mukhang ang dulas dulas kasi andaming lumot ?
“Kako , anong ginagawa mo jan !” Umakyat ako sa maliit na bato na malapit sa kung nasan sya .
Hindi nya pa rin ako pinapansin at patuloy lang ito sa pag uklo sa pagitan ng malalaking bato . Badtrip talaga tong taong to . Babawi daw , mukang hindi naman ! Sapakin ko na to e !
Lalo akong lumapit sa kanya . Noong nasa parteng likuran nya na ako , ini-stretch ko ang leeg ko para makita ko kung ano ang ginagawa nya . Hindi ko nga kasi makita dahil nasa mataas sya na bato . Mukha tuloy akong ostrich dito na nanghahaba ang leeg .
“Hoy ! ! !”malakas na sigaw ko sa tenga nya .
Halatang nagulat ito dahil napapitlag sya sa kinauupuan nya . Muntik nya nan gang mabitawan yung hawak nyang bote e . May laman pa man din . Ano ba kasi yung laman ?
“Ano baaa ! ! !” galit na singhal nito sa akin bago humarap .
Napalunok ako kasi ga-hibla na lang pala ang layo ng mukha nya sa mukha ko . Feeling ko tuloy lumipat lahat ng dugo ko sa pisngi ko . Yung titig nya kanina na galit ay biglang napalitan ng kakaibang klase ng titig . Naramdaman ko agad na bumilis ang pagdaloy ng dugo sa pulso ko .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Teen FictionFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D