Greg Liwanag -------------------------->
(Lee Jun Ki)
-----------
“Baliw ka , Ice ! Bat mo dinala yan dito ? Gusto mo mag world war 122 na ?” sita sakin ni Kuya Baste habang nakatingin kay Karina na nakaupo sa swivel chair ko at nagpepeysbuk .
“122 ? OA mo !” bulong ko sa kanya .
“Hoy . Hindi ka-OA-yan yun . Simula ng unang dalaw nyan dito e binilang ko na ang number ng away nila ni Sir Greg .” sabi nito .
“Lakas ng topak mo , alam mo yun ? Sobra e !” sabi ko .
Pero napalunok ako ng nagbukas ang office ni Sir Greg .
Tinakpan ko ang mukha ko ng folder na nakita kong nakapatong sa desk ni Kuya Baste . Naramdaman ko naman agad na natameme si Kuya Baste sa tabi ko .
“Cherrrrryyy ! Cheeerrrrryyy !” galit na sigaw ni Sir Greg . Pero wala si Miss Cherry . Hindi sumasagot . Nasaan kaya yun ? Mahuhusay yun mamaya kay Sir .
“WHERE THE F*CK IS CHERRY !” mariing sabi nito at tuluyan ng lumabas ng office nito .
Nang walang sumasagot sa amin , iniikot nito ang tingin . Tumutok ang titig nito sa kinaroroonan ng magaling kong bespren . Patay . Bye bye trabaho na yata ako !
Biglang dumagundong ang sangkalupaan . Mabilis pa sa alas kwatrong nakalapit si Sir Greg sa kinauupuan ni Karina . Habang si Karina naman ay parang wala man lang napansin . Nakatutok pa rin ang mukha nito sa screen ng laptop ko . Shit na babae to . Sabi ko sa kanya pag lumabas si Sir e magtago sa ilalim ng desk ko ! Mapuputol ang ligaya nito mamaya sakin pag nawalan ako ng trabaho !
“MISS JOSE .”
Hindi man lang tumingin si Karina sa boss ko . Patuloy lang ito sa pagt-type ng kung ano man . Lalo namang lumapit si Sir Greg sa kinauupuan ni Karina at inilapit ang mukha nito sa mukha ng bespren ko . Napansin ko agad na nagkaroon ng epekto ang paglapit ni Sir kay Karina . Biglang naging matalas ang mga mata nito .
Pumikit si Sir Greg bago nagsalita ulit . “MISS LIM !”
Napalunok ako ng mahigpit ng narinig ko na naman ang apelyido ko . Lumapit ako ng dahan dahan sa kanila . Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita .
“Sir ?” kinakabahan kong sabi .
Lumingon sa akin si Sir Greg na may ngiting parang sa demonyito .
“MISS LIM , TALAGANG GUSTO MONG MAWALAN NG TRABAHO ANO ?” sabi nito habang nakatitig ng masama sa akin . Parang nakalimutan na nito ang galit kay Miss Cherry na nakita ko namang kararating lang na may dalang tatlong paper bags at nagtatakang nakatingin sa direksyon namin .
“No Sir . I’m sorry po . Mag-“
“Hoy ! Baklang antipatiko ! Wag mo nga masigawan ang kaibigan ko ! Napaka walang modo mo talaga ! Naturingan kang edukado , ang kaso ambastos mo naman !” litanya ni Karina habang dinuduro nito ang dibdib ni Sir Greg . Walanjung babae to . Mahuhusay talaga ako neto . Bakit ba kasi naniwala ako na magiging behave sya dito ? Syit na malagkit .
Lumaki ang butas ng ilong ni Sir Greg . “SHUT UP ! HINDI KITA KINAKAUSAP !” bulyaw nito .
Nakakabingi ang sigawan nila . Kaya pinigilan ko na si Karina . Pero pumiglas lang ito sa pagkakahawak ko at dinuro ulit si Sir Greg . This time , sa ilong nya ito dinuro .
“Sasali ako sa usapan kung kelan ko gusto ! Wala kang pakealam !” sagot ni Karina .
“I SAID SHUT UP ! SHUUUTTT UPPP ! ! !” kita ko na ang litid sa leeg ni Sir Greg sa pagkainis kay Karina .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Ficção AdolescenteFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D