Chapter 19

952 23 3
                                    

Lizelle in Wedding Dress ----------------->

---------------

Silence filled the entire bookshop . Lahat ng tao nakatingin sa akin ; naghihintay kung ano ang isasagot ko sa katanungan ni Shena . Nakauklo ito sa harapan ng table , nakapatong ang isang kamay at nakatitig sa akin na parang kukulamin nya ako pag mali ang sinabi ko .

Tumingin ako kay Royce . Nakatingin lang din sya sa akin na namumutla na . Bumuka ang bibig nya pero bigla akong napalingon sa gilid ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Chester .

“Excuse me lang po ! ! ! Ito po ay isang book signing event ; hindi po INTERVIEW . Mamaya ka na lang po Ate magtanong ng kung ano mang katanungan mo kay Kuya Ice . Ok ba ?” sabi nito .

Nagsmirk si Shena . Tumitig ito sa akin . “Fishy ka . Later , ICE . Or is it ILYZA ?” sabi pa nito bago tumalikod , hila-hila si Royce .

“Hey ! Royce saan ka pupunta ?” narinig ko na sumigaw si Cherish .

Napa-face palm na lang ako sa nangyayari . Tinitigan ako ng isang batang babae na syang kasunod pala sa pila .

“Kuya , lalaki ka po diba ? Wag ka namang babae oh ! Wala na ang pantasya ko pag ganun !” sabi nito na ikinatawa ko .

Pinirmahan ko ang copy nya at iniabot sa kanya .

“Ano ba ako sa tingin mo ?” tanong ko sa kanya .

“Lalaki po .”

Ngumiti ako at napailing na lang . “If you say so . E di lalaki ako .”

Ngumiti din ito saka umalis na .

Nang matapos na ang last person , nakahinga ako ng maluwag . Nakakapagod din pala !

Nilapitan ako ni Chester at pinaypayan . Inabutan nya rin ako ng isang basong tubig .

“Sooo . How was it ? ? ?”

Nginitian ko sya . “Stressful . Pero masaya !”

Pinisil nito ang pisngi ko . “Told you !”

Nagiging hobby nya na talaga ang pagpisil sa pisngi ko . Tong batang to talaga .

“Kuya , explain .”

Napatingin ako sa kanya habang nalagok ako ng tubig . “Hmmm ?”

“Explain what happened earlier . Bakit may ganun ? Who’s that girl na kasama ni Propetae ?”

Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko . Napaubo ako . Dinaluhan nya naman ako agad at tinapik ang likod ko . “Anong PROPETAE ! Loko ka talaga !”

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon