A/N : Ayan , may bago na namang makikilalang character sa chappie na ito . . . At asahan na sa susunod na mga chapters e may ilan pang bagong character na dadagdag at makikigulo sa already messed up life ni Ice . Bahahahahaha ! Anyways , hindi ko kilala ang taong yan ---> Basta nagsearch ako sa google at lumabas sya . E di boom ! Sya na ang inilagay ko dito .
----------------
Ang lakas ng pagkakatawa ko sa sinabi ni Jing-jing na kapatid ni Mac-mac . Mahilig sila sa paulit-ulit no ? HAHA .
Nilingon ko naman si Chester na nakangiwi . Nginitian ko sya at binelatan nya naman ako . Lalo tuloy akong natawa . Napagkamalan na namang babae si Chester ?
Bago ako pumasok sa loob ay iniharap ko sa lahat ng nandoon si Chester .
“Mga Tiyang , mga bata . . . Si Chester po . Alaga ko .” pagpapakilala ko sa kanila kay Chester .
Ngumiti si Chester ng bahagya at nag kumpas ng kamay . “H-hi po ?”
“LALAKI ga areng batang are , Ice ?” bigla’y tanong ni Tiyang Nanette .
Napatawa ko . “Aba opo . Lalaki po yan .” sabi ko .
Sasagot pa sana si Tiyang Nanette pero narinig ko na ang boses ni Lola .
“Ano gang pagkaka iingay nyo !”
Lumingon ako sa pintuan at nakitang nakatayo si Lola na nakapameywang .
“La !” batik o at hinila ko na rin si Chester habang lumalapit sa kinaroroonan ni Lola .
“Aba ang lintik ! Dadalaw ka pala’y hindi ka nagpasabi ng nakapagpahanda ng ulam !” sabi ni Lola . May tatlong baitang na hagdan ang bahay ni Mamay Iseng kaya umakyat ako sa unang step at saka nagmano kay Lola .
Niyakap naman ako nito .
“Aba’y teka , sino naman areng batang kasama mo ?” tanong ni Lola na sinisipat si Chester .
“Hi po !” sabi ni Chester at nagmano kay Lola .
“Kaawaan ka nawa ng Diyos , ineng .”
Napakamot sa ulo si Chester at nagtawanan naman ang mga nakapalibot sa amin . Narinig ko na sumigaw si Jing-jing sa background .
“Ala , lalaki ho si Kuya Chester , ‘La !”
“Ba’y syanga (Ba’y syanga = Talaga)?” tanong ni Lola sa akin at tumango naman ako .
“Aba e kaganda naman nare kaysa sa iyo kahit lalaki !” Tumawa si Lola kaya kitang-kita tuloy ang natitirang tatlong pirasong ngipin nya . Ewan ko sa matandang ito at ayaw magpapustiso .
BINABASA MO ANG
The Ice Breaker [COMPLETED]
Teen FictionFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D