Friendship
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop na nasa Gilid lng ng University namin
"anyway, ako nga pala si Catherine... Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya
"Juliana sorry pala sa pagkakabangga ko sayo kanina masyado lang talaga akong nasaktan" I tried to sound Apologetic
"bakit ano ba nangyari sayo?nako kung mainit lang talaga ulo ko kanina malamang na sampal na kita sa lakas ng pag bangga mo sakin. Di joke lang. Hahaha!" halakhak nya
"nahuli ko kasi ang Hinayupak kong Boyfriend na may kalandian ibang babae" sumbong ko habang umiiyak
"nako usapang pag-ibig pala to. tsk! Wag na wag mong isiping mag suicide ha?sayang ang buhay"
"what?! I'm not gonna do that! I'm not that stupid Enough no! oo nasaktan ako pero di naman ako suicidal... Di ko lang talaga matanggap after 2 years ngayon pa? napaka walang hiya niya! Di ko lang maisuko yong virginity ko nag hanap na agad siya. Hayop siya! manloloko!" Galit na galit ako di ko mapigilan ang damdamin ko sa sobrang galit
"kalma lang. Makaka move on ka din, Mabuti naman at di mo sinusuko ang iyong kayamanan" sabi naman nya habang nakangiti at mukhang Proud
And that's how our Friendship started. Dahil after ng araw na yon, nasundan pa ang pag kikita at pag comfort nya sakin sa masalimuot kung buhay pag-ibig. She wanted to help me get over with my Bastard ex. And I'm very thankful I meet her.
Ewan ko kung bakit nakagaanan ko sya ng loob kahit di naman kami ganon katagal magkakilala at kung bakit ako nag papaniwala sa kanya kahit wala naman syang karanasan sa pag-ibig. Sa aming dalawa kasi ako ang unang nagka Boyfriend. Pero ngayon masaya na ang love life niya 3 years na sila ng boyfriend nyang si James nurse din na nakilala nya sa hospital nong intern sya bilang nursing student. At ako naman ay natuto na. Pagkatapos ng napakasakit na pinagdaanan ko sa buhay pag-ibig ko noon ay nawalan na ako ng tiwala at tingin ko sa lahat ng lalaki ay manloloko.
At sinusumpa ko na ang mga lalaki! I hate them. I hate my Ex!
BINABASA MO ANG
The Unexpected One
RomancePano kung ang iniisip mong Pag-ibig na ayaw mo ng maramdaman ay bigla mo ulit naramdaman? Are you willing to take the risk? Lalo na at dakilang playboy ang nagparamdam ulit nito sa'yo. Di mo nga naman malalaman kung hindi mo susubukan. Love is a Gam...