Surprise
Pagkatapos ng Date na yon ay Naging Normal lang din ang mga sumunod na araw ko, Naging busy nga si Kenzo at ako naman ay busy din sa Trabaho. Isang linggo na ang lumipas simula non pero hindi parin mawala sa isip ko ang mga naganap his Confession and the Kiss.
Hindi man yon ang First kiss ko, pero Yon na siguro ang pina ka Romantic Kiss na naranasan ko. tinitext parin naman niya ako halos araw-araw. Nasa Tagaytay siya ngayon para sa isang shoot hindi ko man tinatanong pero siya mismo ang nag uupdate sakin sa mga pinag gagawa at kung nasaan siya. Masaya naman ako dahil kahit papano pinaparamdam niya parin sakin na kahit di kami mag kita may puwang ako sa kanya.
Sinabi niyang magkikita daw kami pagka balik niya ng Maynila at kakain kami sa Bahay nila sa Quezon at ipapa kilala niya ako kay Nanang Carmen.
Kakarating ko lang ng Unit galing trabaho umupo agad ako sa Sofa at binuksan ang TV para makapag Relax. Bumungad sakin ang Isang Showbiz balita. Nagulat ako sa nakitang Pictures.
kami ni kenzo sa Yate nakayakap siya sakin, yon yong time na muntik na akong ma out balance. at mas Lalo kung ikinagulat at napa nganga ako sa ikalawang picture, pinapakita dito ang paghalik ni Kenzo sakin. mabuti nalang at hindi ganon kalapit ang pagkakuha ng litrato kaya hindi masyadong kita ang itsura ko.
sa unang litrato ay nakatalikod ako habang yakap ni kenzo at ang pangalawa naman ay tinatakpan ni kenzo ang mukha ko dahil sa pag halik niya.
Napa pikit nalang ako sa pinagsasabi ng Reporter habang nakikinig.
"ito na Siguro ang flavor of the Month ng sikat na si Park Min Yuk habang nandito siya sa Pilipinas o Pwede ring isa ito sa naging Rason kung bakit napapayag siyang Bumalik ng Pilipinas. ayon pa sa aming source ay hindi taga showbiz ang babae. sino nga ba ang Misteryosong babaing ito?"
"Arrrrgggh! nakakainis flavor of the month talaga? Damn you!" sabay tapon ko ng throw pillow sa TV
Ano ba kasi tong pinasok ko? pinatay ko yong TV sa sobrang Inis at pumasok sa loob ng kwarto para matulog.
Nagising ako sa katok sa aking Pintuan
"iana!...iana! Gising na maghaponan ka muna alam ko hindi kapa kumakain" sigaw ni cath habang kumakatok para magising ako
"okay lalabas na" Bumangon ako at inayos ang sarili para maka labas na
kinuha ko yong cellphone ko nagulat ako dahil may 5 missed call galling kay kenzo at may mga messages pa
kenzo:
how's your day?
nakauwi kana ba?
Nag Dinner kana?
Susunod niyang text kaya naisipan kong mag Reply baka kasi nag aalala siya dahil di ko nasagot mgatawag niya
Ako:
sorry, nakatulog ako d ko naramdaman tawag mo. just woke up mag pe-prepare palang for Dinner. How about you? Nag Dinner kana?
Lumabas na ako ng kwarto at Dumiretso na sa kusina, naabutan kong nag hahanda siya sa table para sa Dinner namin.
"what's for Dinner?" tanong ko at kumuha ng Plato para ilagay sa mesa
"I cooked chicken ala king" sagot niya. sa Aming Dalawa ako ang madalas magluto kasi ako ang laging nauunang umuwi ng Bahay.
"bakit parang ang haba ata ng tulog mo ngayon? Pagod much?"
"Napasarap lang ang tulog ko di ko na namalayan ang oras"
"napanood ko ang news iana, pinakita pa ang mga pictures kung saan magkayakap at magkahalikan kayo" makahulugan niya akong tinitigan habang sinasabi ang mga iyon
"Nakita ko rin, pero di ko rin naman sadya yon eh, nayakap niya lang ako dahil muntik na akong ma out balance, and the kiss? That was unexpected hinalikan niya nalang ako and oo inaamin ko di ko siya napigilan dahil hindi ko kaya" nahihiyang paliwanag ko
Humalakhak siya na ikinagulat ko "aba! kung ako din ang nasa lugar mo bat ko pipigilan diba? The famous Park Min Yuk is kissing me. Hell no! I won't stop him" eksahiradang saad niya
"baliw ka talaga katring! Akala ko pa naman pagagalitan mo ako"
"at bakit naman ako magagalit?" lumapit siya sakin at inakbayan ako habang nagpatuloy sa pag sasalita "kung meron mang susuporta sa love life mo, ako yon!...Ang sa akin lang ay, baka ma bash ka ng fans. kaya sa susunod na mag date kayo sabihin mo siguraduhin niyang walang publicity. Naku! Alam mo naman ang mga fans kung maka react lalo na at hindi ka artista" paalala niya sakin
"opo madam katring! Pwede kumain na tayo? Gutom na po ako" natatawang sabi ko sabay upo sa upuan. Umupo din siya sa harap ko
Habang kumakain kami ay patuloy naming pinag usapan ang tungkol kay kenzo
"napag alaman kung wala palang girlfriend si kenzo don sa korea at iba-iba ang mga naging ka date. Dakilang playboy pala yan, mag ingat ka iana baka masaktan ka lang" pagbabanta niya
"wag ka ngang O.A katring nag date lang kami and hindi ko siya Boyfriend. It's just a Date." Pag didiin ko sa huling sinabi. alam ko ang iniisip niya dahil ako din mismo ay naiisip din yon
Patuloy kami sa pag-uusap habang kumakain ng may kumatok sa Pinto
"pupunta ba dito ngayon si james?" tanong ko kay cath na medyo nagulat din sa kumatok
"hindi. hinatid na niya ako kanina may inaasikaso yon ngayon" sagot niya
Tumayo na ako para Buksan ang pinto. Nagulat ako sa Bumungad sakin.
"Kenzo?" tanong kong medyo gulat parin sa presensya niya
"Good evening! This is for you" nakangiting bati niya, sabay abot niya sa akin ng isang Bouquet ng Bulaklak at box ng Cake
Tinanggap ko ang dala niya na nakakunot ang noo dahil sa pagtataka "Bakit nandito ka?wala naman tayong usapan diba?"
"maaga kasing natapos ang shoot namin, kaya nag decide na akong bumalik ng Manila. I missed you and I really want to see you" sabi niya at tinitigan ako sa mata "bakit ikaw? hindi mo ba ako na mimiss?" malungkot na tanong niya
"Hello I'm here!" biglang salita ni cath na nakatayo na pala sa likod namin " Kenzo nag dinner kana?" tanong niya kay Kenzo
"iana, dalhin mo dito si kenzo sa Dining para maka kain na yan, Baka iba pa ang kainin niyan" nanunudyong sabi niya habang nag lalakad pabalik sa kusina
Namula ako sa sinabi niya habang si kenzo naman ay tawang tawa " I like your friend"
"shut up! halika na nga!" tinalikoran ko siya at pumunta na ng dining sumunod rin naman siya sakin.
"Kenzo upo ka dito" itinuro ni cath ang upuang nasa gilid ng pwesto ko "iana ikuha mo si kenzo ng Plato" gumalaw rin ako para ikuha nga siya ng plato
"thanks" sabi niya ng iabot ko sa kanya ang plato
"so? susunduin kita bukas after work?"tanong niya habang kumakain kami
"ahhhm...may meeting pa kasi kami and after meeting kukunin ko na ang sasakyan ko, okay na daw kasi baka-"
biglang nag inagaw ni cath ang susunod ko pang sasabihin at nagsalita "iana, kami nalang ni james ang kukuha sa sasakyan mo, magpa sundo kana kay Kenzo"
wow ha!kanina lang binabalaan niya ako tungkol kay kenzo ngayon ipinag kakanulo na niya yata ako. ano ba talaga? tiningnan ko siya ng matalim pero ipinag kibit balikat lang niya ito
" It's settled then. susunduin kita bukas anong oras matatapos meeting niyo?" tanong ni kenzo pagkatapos marinig ang sinabi ni cath
"by 5pm siguro" tipid kong sagot
Pagkatapos ng Dinner ay Nagpaalam narin si kenzo na umuwi para makapag pahinga na. at napag kasunduan nga Namin na susunduin niya ako at mag di-dinner kami sa Bahay nila.
BINABASA MO ANG
The Unexpected One
RomancePano kung ang iniisip mong Pag-ibig na ayaw mo ng maramdaman ay bigla mo ulit naramdaman? Are you willing to take the risk? Lalo na at dakilang playboy ang nagparamdam ulit nito sa'yo. Di mo nga naman malalaman kung hindi mo susubukan. Love is a Gam...