Not a bad thing to fall in love
Nasa Sala ako ngayon ng Bahay nina Kenzo. Katatapos lang naming Maghaponan nagpaalam siyang may kukunin lang sa taas, si Nanang Carmen naman ay nasa kusina kasama ng iba pang katulong. nag Presenta akong tumulong mag ligpit pero ayaw niya. Kaya andito ako ngayon nag iisa, may nakita akong Acoustic Guitar at pinakealaman yon.
Umupo ako at Tinugtog ang kantang The Scientist ng Cold play at Sinabayan pa ng Kanta.
"Come up to meet you, Tell you I'm Sorry
you don't know how lovely you are..."
Nadadala na ako sa pag tugtog at pinatuloy nga ang pag kanta
"Nobody said it was easy, It's such a shame for us to part...
Nobody said it was easy, No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start..."
Nakapikit ako habang kumakanta, Dumilat ako ng matapos ko ang parteng yon, at halos mapatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat ng makitang nakatayo na pala si kenzo sa harap ko. Nakatitig lang siya sa akin di ko mabasa ang Reaksiyon niya. Binitiwan ko agad ang Gitara at binalik sa pinagkuhanan ko
"Sorry Pinakealaman ko yong Gitara mo, nang iingganyo kasi" nahihiyang sambit ko.
Narinig niya kaya kanta ko?nakakahiya!
"wow!...just wow! I mean, you really had a talent iana, and It's okay if you used my Guitar." manghang saad niya. buti naman at naggustuhan niya. "and I love that song too."
"thank you, nag gigitara kasi ako pag walang maggawa. libangan ko na yon since High school"
"hindi lang naman sa pag Gitara ang ibig kong sabihin iana, You can Sing. you have a unique and angelic Voice."
"Don't Flatter me too much Kenzo, Lumalaki tainga ko!" natatawang sagot ko sa papuri niya
"you don't believe me, don't you?" tanong niyang medyo seryoso at tiningnan ako sa mata
Nag iwas ako ng tingin pero pilit niya paring hinanap yon. hinawakan niya ang aking baba para magpantay ang paningin namin hanggang sa magkatitigan na kami at pabulong siyang Nagsalita
" Dangsin-eun yeppeoyo (you're so beautiful)"
"H-H-Ha?" naka kunot ang noo ko dahil di ko naintindihan ang sinabi niya
"I said you're Beautiful" aniya
May kung ano sa tiyan ko na hindi ko ma explain, ito na ata ang tinatawag nilang Butterfly in the stomach pag kinikilig. Gusto kung magtago, ramdam kong uminit ang pisngi ko at siguradong namumula na ito ngayon.
BINABASA MO ANG
The Unexpected One
RomancePano kung ang iniisip mong Pag-ibig na ayaw mo ng maramdaman ay bigla mo ulit naramdaman? Are you willing to take the risk? Lalo na at dakilang playboy ang nagparamdam ulit nito sa'yo. Di mo nga naman malalaman kung hindi mo susubukan. Love is a Gam...