Kabanata 18

13 2 1
                                    



Romantic

Surprise? tanong ko sa isip ko. Pagkatapos niyang magalit may nalalaman pa talaga siyang surprise ha.

Nag aayos ako para makapag bihis. Pagkalabas ko ng banyo ay naghalungkat ako ng magandang susuotin sa bag ko.

I decided to wear a Maxie dress. It was a tube, blue and white floral maxie Dress. Ilulugay ko nalang ang buhok ko para di masyadong kita ang dibdib ko. As usual I did not put too much make up. Nag lip tint lang ako.

I'm both excited and nervous for his surprise. Di naman ako siguro mapapahamak sa sorpresang ito.

Pinapasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin ng makarinig ng katok. Tumalima ako papuntang pinto upang pag buksan ang kumakatok.

Pagka bukas ko ay binati agad ako ng lalaking naka uniporme isa ito sa mga staff ng resort.

"Good evening maam. Ready na po ba kayo? Pinapasundo na po kayo ni Mr. Park" tanong niya

"sundo? Nasaan ba siya?" curios kung tanong

"Basta po, sumama nalang po kayo sakin hinihintay niya na po kayo." aniya

"okay sige." pumayag na ako at wala naman akong magawa. Ano na naman kaya itong pakulo niya. Ang daming alam!

Hindi ko maipaliwanag kung kinakabahan ba ako o masaya ako habang nag lalakad patungo sa kung saan man naghihintay si kenzo. Nakaramdam ako ng gutom. Hinihiling ko nalang na sana may pagkain din sa pupuntahan ko.

Sa di kalayuan ay may naaninag akong tent malapit iyon sa dagat at nag iisa lang ang tent na yon na parang sinadya lang talagang ilagay sa gabing ito. Baka may okasyon.

"excuse me kuya. Saan na tayo papunta?" nagtatakang tanong ko sa waiter na sinusundan ko lang sa paglakad.

"malapit na po tayo ma'am." sagot niya

Papalapit na kami sa tent na nakita ko habang naglalakad kanina. Nakakmangha ito. May table at dalawang upoan. Sa gitna ng lamesa ay may bulaklak gayon din sa bawat gilid ng tent, it was surrounded by a beautiful flowers that serves as a curtain. May tatlong lalaki rin na nagpapa tugtog ng violin at waiter na nakatayo na parang naghihintay.

Nakita ko si Kenzo na nakatayo at nakapamulsa sa Tent na tila hinihintay ang Pagdating ko. He's wearing a white long sleeve na nakatupi hanggang siko and he paired it with white pants too. He look like a model who will have a photoshoot on the beach.

My Heart beat faster and Louder this time. Lalo na ng palapit na palapit ako sa kanya. With his wide smile my Night is already Complete. It's one thing I like about him. His genuine smile. Pero dahil sa nangyari kanina I've seen the other side of him at don ko napagtanto na iba siya kung magalit.

Tumikhim siya ng nasa harap na niya ako.

"Good evening my lady" bati niya habang nakangiti parin.

"Good evening" sabi ko. yon lang talaga ang lumabas sa bibig ko. I am really surprised, if this is his surprise.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at iginiya palapit sa Upoan. Hinatak niya iyon at Pinaupo ako at agad naman siyang lumipat sa upoang kaharap ko. The Set-up is so Romantic ito yong madalas kung nakikita sa mga movie kung saan mag po-Propose ang lalaki sa girlfriend niya.

Wait. Is he gonna Propose?

What?! Oh, come on Juliana! hindi pa nga kayo propose agad? stop assuming anything! sita ko sa sarili ko.

Napukaw ako sa pag mumuni-muni ng Marinig ko ang tugtog ng Violin they were playing the song 'Wonderful Tonight' . I suddenly feel Intimidated coz of the song.

"Juliana David." he said and smile. It's the First time he call me with my full name.

Hinawakan niya ang Kamay kong nakapatong sa lamesa.

"I know I've been a bad ass earlier. And again, I'm really sorry..." He look sincere saying those words. "And I wanna make it up to you"

"Kenzo you don't have to. Napatawad na kita diba?"

"But I want to. Just let me do this... for you." His smile is still plastered on his face.

Kung tititigan mo siyang mabuti ay makikita mo ang soft features ng kanyang mukha. kung naging babae ito ay Napaka Angelic ng mukha nito. lumalabas naman ang pagiging masculine niya pag kumukunot ang noo at pag Galit siya. He's too beautiful being a Man. Kung hindi lang dahil sa katawan nitong Matipuno na alagang-alaga sa Gym ay mapagkakamalan mo talagang babae ito.

"Let's eat." aniya

Pagkatapos naming Kumain ay Nagkwento siya tungkol sa naging buhay niya sa Korea. Don na siya Nagtapos ng kolehiyo hanggang sa naging artista at singer na siya. nagbukod siya sa Parents niya simula nong naging artista siya. He's living on his Condo alone. His father is Filipino while her mom is pure Korean. Pero mas Nangingibabaw daw ang Pagiging Pilipino niya when it comes to food. He loves Filipino Cuisine.

Napag usapan din naming ang tungkol sa Schedule niya pagbalik sa Manila. may Guestings pa siyang dadaluhan and after a month ay Balik na siyang Korea. Kasama din si Scarllete papuntang korea dahil don nila itutuloy ang shoot para sa music video. Inalok niya ako kung gusto kong sumama para mag bakasyon doon. Tinanggihan ko iyon dahil sa Trabaho ko. Gustohin ko man ay hindi kaya ng Schedule ko.

Magtatanong na sana ako kung ano ang gagawin namin bukas ng may inilabas siya mula sa likod niya. Isa itong Jewelry box.

"For you." Iniabot niya ito sa akin

Kumunot ang noo ko "what's this?"

"Open it." utos niya

Pagbukas ko ay Bumungad ang Necklace na may pendat na Gitara.

"I can't accept this. this is too much Kenzo." sinara ko ang box at binalik iyon sa kanya

Tumayo naman siya binuksan ang box at kinuha ang Necklace doon. Siya na mismo ang naglagay non sa leeg ko. Knuha niya ang aking kamay at pinatayo.

"Nothing is too much, as long as it is for you iana." aniya habang tinititigan ako. "Can  I dance with you?" nanunuyong tanong niya

Inilayo niya ako sa Lamesa. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya, habang siya naman ay nakahawak sa beywang ko. Umalingawngaw ang tunog ng Violin. Tinutugtog nila ang kantang  All of me.

Napapikit ako habang sumasayaw kami. I want to stay like this forever, if forever do really exist... I know it's too soon but I can't help it, I can't suppress this feeling anymore. It's truly true that We can control our mind but not our Heart. Dahil anuman man ang Tinanim natin sa ating Isipan pag Puso na ang Nagpasya,  nawawala lahat ng Prinsipyo natin.

Ang alam ko lang Ngayon ay Gusto ko lahat ng mga Nangyayari at hindi yon kayang Pigilan ng kahit anumang Prinsipyo ko. I guess I have to admit that I'm willing to take the Risk... Now. With Kenzo.

Coz if this is Love? So be it.

"Will you be Mine?" Bulong niya

Hindi man malakas ang Pagkasabi niya pero dinig na dinig ko yon. Bigla akong Napamulat sa sinabi niya.





The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon