Kabanata 10

16 1 0
                                    


Happy

Nakatayo parin kami ngayon sa dulo ng yate wala akong maisagot sa sinabi niya. Masyado yata akong na ooverwhelm sa mga nangyayari at pinag sasabi niya.

Things are happening so fast noong isang araw lang kami nag kakilala and he's acting like this? Pinag lalaroan ba niya ako?

Ganito ba talaga siya sa mga naging ka date niya? Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko kayang itanong sa kanya.


"kenzo, I really appreciate your effort and I'm really happy right now but, isn't it too fast for you to like me?" tanging nasagot ko sa sinabi niya


"I know. Gaya nga ng sinabi ko kanina di kita minamadali at kaya kong maghintay" hinaplos niya ang pisngi ko "I'm happy that you're here with me right now and that's enough for me. Don't think too much okay? I'm not pressuring you"


Tumango ako bilang pag sang ayon sa kanya


"where do you wanna go after this?" tanong niya


"di ko alam. Uuwi nalang siguro" sagot ko


"masyado pang maaga, can we go somewhere else after this okay lang sa'yo? I just wanna spend the rest of my free time with you, magiging busy na kasi ako sa susunod na araw"


"oh,no! umuulan na" tanging nasagot ko ng maramdaman ko ang pag patak ng ulan "kenzo pasok na tayo sa loob" yaya ko sa kanya


"let's go" sabay hawak sa kamay ko at naglakad papasok sa loob ng Yate


"iuuwi na kita, medyo masama na talaga ang panahon" utas nya ng makitang lalong lumalakas ang buhos ulan


Nasa loob na kami ng kanyan sasakyan at nakapag desisyon nga siyang ihatid nalang ako pauwi. tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. litaw parin ang isip ko sa halik niya kanina. Napa buntong hininga ako ng maisip ko ang Reputasyon niya sa Pag-ibig naiisip ko kung ano ba yong pinaplano niya, parte lang ba ako ng Bakasyon niya dito sa pilipinas? pero sinabi niyang gusto niya ako, totoo kaya yon?haist!


" masyado yatang malalim ang iniisip mo?" tanong niya ng mapansin ang pag buntong hininga ko


" wala. trabaho lang. hanggang kailan ka nga pala dito  sa pilipinas?" lakas loob kong tanong sa kanya


Napangiti siya sa naging tanong ko "Bakit ayaw mo na ba akong bumalik ng korea?"


Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sagot niya. Nababasa ba niya laman ng isip ko. Damn!


"Di ah!syempre artista ka, and yong career mo ay nasa korea. alam ko namang nandito kalang para mag promote kaya siguradong hindi ka magtatagal dito" paliwanag ko


"hmmm okay po. huwag masyadong Defensive. amininin mo na kasing ma mimiss mo ako" sambit niya na sinamahan pa ng nakakabaliw  niyang ngisi


"wow ha!masyado po kayong assuming Mr. Park!" natatawang sabi ko sabay hampas sa braso niya

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon