Interrogation
Nakahiga lang ako sa kama at nilulunod ang isip kay Kenzo ng biglang may kumatok sa pinto.
"iana!" sigaw ni cath habang kumakatok
"wait!" sagot ko habang bumabangon para pag buksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto ay dumiretso siya sa kama ko umupo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Humalikipkip ako habang nakatayo sa harap niya "o bakit? May kulang ba sa parte ng katawan ko at ganyan ka makatingin?"
"oo chinicheck ko kung kompleto kapa, baka kasi naiwan yong iba sa bahay nina kenzo" tumatawang sabi niya "di joke lang! Pero, how's your date?" tanong niya
" Well,,,pinakain at hinarana niya lang naman ako" pag mamayabang kong sabi habang tinatalikuran siya. Pero hindi ako nakaligtas dahil bigla niya akong hinila.
"hoy babae! wag mo akong binibitin, I want more! Harana? As in?" hindi makapaniwalang tanong niya
Wala akong nagawa nahiga ako sa kama at pinagpatuloy ang pag kwento.
"hindi naman typical na harana kumanta lang siya sa harap ko habangg nag gigitara at sinabing para daw sakin yon"
"my gosh! Kinikilig ako iana! Imagine may pa kanta-kanta pa siyang nalalaman!" ito nanaman ang eksaheradang reaksyon niya.
I rolled my eyes.
"nakalimutan mo ba na hindi lang siya artista, pero singer din siya? Malamang kumakanta siya!"
"wag ka ngang kontrabida! Di ka man lang ba kinilig don?" galit niyang sambit
Kung alam mo lang ang pagpigil na ginawa ko katring!
"o? okay na tayo?pwede na ba akong magpahinga? I still have work tomorrow, in case you forgot?! anyway, how's my car?" tanong ko ng maalala na sila pala ni james ang nag pick-up non sa casa
"Nasa Parking lot na po. Pwedeng pwede ng irampa ulit... sige pahinga kana nga!" tumayo siya at nagmartsa palabras ng kwarto.
Thank God! the interrogation is over!
Nag ayos na ako para makapag pahinga at kailangan kung gumising ng maaga para bukas. Nakahiga na ako pero di parin ako dinadalaw ng antok. si kenzo parin laman ng isip ko. Palipat-lipat ako ng posisyon para dalawin ng antok pero hindi parin umuobra mas Lalo lang nagising ang diwa ko ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at binasa ang mensahe.
kenzo:
I'm home. Good night and thank you :)
Now I'm drowning! one more move at hindi na talaga ako makakaahon. kung pwede lang sana pigilan ang nararamdaman eh, pero hindi! bakit ba kasi ang bilis kung magkagusto? I've been telling myself not to fall in love that easily at nagawa ko naman yon for how many years. pero ngayon di ko na talaga mapigilan.
Pinipigilan kung maranasan ang ma in love ulit dahil sa karanasan ko rin sa Pag-ibig way back College...2 years din ang tinagal non, oo kinilig at talagang na in love na ako sa mokong na yon! sinubukan ko pang suwayin ang bilin ng mga magulang kong wag muna mag boyfriend habang nag-aaral pa. 2 years tumagal ang aming relasyon at 2 years ko ding tinago yon sa parents ko. handa na sana akong ipakilala siya, only to find out na hindi na siya Kontento sa kung ano man ang meron kami, kaya naghanap siya ng iba.
Since then, I told myself not to fall in love again, ever! pero tama nga ang sabi nila na hindi talaga kayang diktahan ng isip ang puso.
Papasok na ako ng office ng maabutan ko don ang iba kung kasamahan na naka kita nong sinundo ako ni Kenzo si Dj Iya at Dj Diego.
"Julia!" tawag ni dj Iya ng Makita akong dumaan sa table niya.
Nilingon ko siya "yes! Dj Iya?"
Tumayo siya at nilapitan ako.
"Anong meron sa inyo ni Park Min Yuk?" naghihinalang tanong niya
"wala! we're just friends, wala daw kasi siyang makakasama pag lalabas siya, kasi ayaw naman sumama ng Manager niya so he invited me instead." paliwanag ko, na hindi ko naman dapat ginagawa.
Bakit parang interesado siyang malaman? oh, I forgot sa Park Min Yuk pala pinag uusapan namin.
"Really?!" hindi makapaniwalang tanong niya "ang swerte mo naman Julia" dagdag niya
"I'm just being Hospitable" kibit balikat kung sagot.
"Pano na yan Dj Julia? mukhang wala na talaga akong chance sa'yo ah! ang lakas ng Karibal ko eh." biglang sabat ni Dj Diego sa pag-uusap namin ni Iya
humalakhak ako sa sinabi niya "tigilan mo nga ako Diego, kahit kailan di ko pinagarap na maging isa sa mga collection mo no!" inirapan ko siya
Matagal na siyang nagpaparinig sakin, Pero I know him so well! sobrang womanizer din niya, at buwan lang ang tinatagal ng relasyon niya. Gwapo, may tindig at maganda ang boses kaya nga siya naging Dj.
Pero ganon din si Kenzo diba? tanong ko sa sarili ko. umiling ako para burahn ang iniisip.
"collection? ano bang sinasabi mo Julia? seryoso kaya ako" pag dedeny niya
"As if I don't know you Diego! ang tagal na kaya nating magkasama dito sa station"
"kaya nga ang tagal na nating magkasama pero di mo man lang ako pinag bibigyan" aniya
"Ewan ko sa'yo! makapag trabaho na nga!" tinalikuran ko siya at dumiretso na sa radio booth
Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng makatanggap ako ng message mula kay kenzo
kenzo:
hi! can I call?
ako:
sorry but I can't I'm at work.
kenzo:
okay, I'll just call you later.
I miss you.
Napangiti ako sa huling mensahe niya.
Nag da-drive ako pauwi ng bigla ulit siyang mag message
kenzo:
can I call now?
dali-dali kung hinanap ang earphone ko at nilagay iyon sa cellphone, pagkatapos ay sinabit ko iyon sa tainga.
ako:
yeah, sure.
after a few seconds tumawag nga siya
"Hi iana, how's your day?" tanong nya habang nasa kabilang linya. may nariring pa akong nag uusap
"okay lang. ito nag da drive na pauwi. nasa meeting ka? may naririnig kasi akong discussion."
"No. it's my manager and Scarlette manager, pinag uusapan kasi nila ang gagawin naming shoot this weekend."
"ahh. so what is it? why did you call?"
"I'd like to invite you going Subic. if it's ok with you?" nahihimigan ko ang pag-asam na pumayag ako sa alok niya
"Kenzo I have work."
"well it's weekend and I can call your boss to let yo-"
Di ko na pinatapos ang sasabihin niya
"No kenzo don't do that!" bigla akong napasigaw. ayoko ko kasi ng ganyan, ayokong pinapangunahan ako sa desisyon ko.
"okay, sorry about that" hinging paumanhin niya
"when is it again?" tanong ko
"this coming Saturday. iuuwi nalang kita sunday night. please go with me..."
"okay, I'll go with you" pumayag narin ako wala naman akong gagawin this weekend.
"yes! thank you iana. don't bring your car, susunduin kita Saturday morning" pahayag niyang may excitement
"okay I'll see you then" don nga natapos ang pag-uusap namin. Medyo na eexcite din ako. sa wakas makakapag unwind din. di kasi mayaya si cath busy sa lovelife at business.
BINABASA MO ANG
The Unexpected One
RomancePano kung ang iniisip mong Pag-ibig na ayaw mo ng maramdaman ay bigla mo ulit naramdaman? Are you willing to take the risk? Lalo na at dakilang playboy ang nagparamdam ulit nito sa'yo. Di mo nga naman malalaman kung hindi mo susubukan. Love is a Gam...