Kabanata 17

6 1 0
                                    


Mad

Buti nalang at hindi ganon karami ang nandon sa pool at medyo na bawasan ang hiya ko. Naaliw rin naman ako sa pag langoy kahit mag isa lang. I miss this. Kahit papano nakapag relax ako, thanks to Kenzo.

Nagmumuni-muni ako sa gilid ng Pool ng maramdaman kung may bumangga sa likod ko. At sa sobrang lakas ng pagka bangga ay napa sigaw ako.

"Aray! What the fuck!" sabay lingon para alamin kung sino man ang bumangga sa akin.

"oh, no! I'm really sorry miss. I didn't mean it. Are you okay?"

Uminit ang ulo ko sa huling tanong niya. Nakuha niya pa talagang magtanong kung okay ako? Is he stupid?

"What do you think huh?! How dare you ask me that question?! Ikaw kaya Banggain ko ng pagka lakas lakas?" napasigaw na ako sa sobrang galit.

Kumunot ang noo niya. Nang iinsulto pa ata ito, siya pa yong may ganang kumunot ang noo.
Hayop!

"Ano ti-" sisigawan ko pa sana siya ulit ng bigla niyang inagaw ang sasabihin ko

"Juliana? Juliana David?"

Aba at kilala pa ako ng Damuho!

"oo bakit? At bakit mo ako kilala?!" pagalit kung sagot

"It's me Tyler" nakangiting pakilala niya habang tinuturo ang sarili.

Na kalma ako bigla ng may maalala sa pangalang yon. His name Sounds familiar.

Tiningnan ko siyang mabuti at dahil sa kanyang kulay gray na mata ay nakilala ko siya.

"Tyler? Tyler Cruz?" pagkompirma ko

Tumango siya "Oo! Buti naman at nalala mo pa. Kamusta kana? Sorry talaga, hindi ko namalayan na may tao pala. Halika ahon muna tayo para matingnan yang likod mo. I'm really sorry."

Sumunod ako sa kanya. Inalalayan niya ako papunta sa malapit na upoan.

"Juliana just wait here ha? Kukuha lang ako ng pang cold compress." paalam niya.

Tumango ako habang iniinda parin ang sakit. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palayo.

Tyler Cruz. Kaklase ko siya ng College. Isa siya sa mga naging ka close ko sa mga classmates ko. Mabait, Gwapo at Matalino. Pero mas lalo syang gumwapo ngayon. Gumanda lalo ang katawan niya he looks like a Model. With his biceps and abs.

Kahit pa noong nasa College palang kami ay siya ang nag rerepresent ng Department namin sa Pageant para sa University Day. He's Good looking dahil sa pagiging half british niya.

Pagbalik niya ay may dala nga siya may nakasunod pang waiter sa kanya at may bitbit na frappe.

Tumayo siya sa Harap ko at kinuha ang frappe sa waiter.

"Here. This for you" iniabot niya iyon sa akin

"You can leave now." nilingon niya ang waiter at inutosan iyong umalis

"yes sir" tumalima din paalis ang waiter

Kumuha siya ng upuan at nilagay yon sa likod ng inuupoan ko.

"I'm gonna put this on your back. Para di mamaga okay lang?" iniangat niya ang ice bag sa harap ko

"ha? Ako na!" aagawin ko sana ang ice bag ngunit agad niya itong inilayo.

"No. It's my fault, so I should be the one doing it." he insisted.

"Tyler ako na." naagaw ko ang ice bag sa kanya at agad na inilagay sa likod ko. Napangiwi pa ako ng kumirot dahil sa Biglaang pag dikit ng Ice bag.

The Unexpected OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon