Scandal
Masaya akong umaakyat patungo sa Unit namin ni cath. Hearing those explanation from Kenzo makes me feel assured and less guilty. Nakuha ko ang sagot sa mga tanong ko. all my doubts has been answered. I'm now walking with wide smile plastered on my face. Pero pagkabukas ko sa pinto namin ay nagulantang ako sa natunghayan.
What a scene!
Cath is on top of James nakahiga sa sofa habang naghahalikan. Nakapikit pa si James habang hinahaplos at dinadamdam ang dibdib ni cath at ang mapusok nilang halikan. Good thing they're still dressed. Bigla akong tumalikod at sumigaw!
"My goodness! You two please get a room!" di ko alam kung maiirita o matatawa ba ako sa nasaksihan
Narinig ko ang pagkalabog kaya agad kong binalik ang paningin sa kanila. Nakita ko si cath na nakaupo sa sahig sapo ang balakang at ngumingiwi sa sakit. Agad namang tumayo si James at inalalayang makatayo si cath ngunit sinapak lang siya nito.
"Walang hiya ka! Ba't mo ako tinulak?" iritadong singhal niya kay James
"Babe, I'm sorry. nagulat lang ako." hinging paumanhin naman ni James habang pilit na inaalo si cath
"At ikaw naman iana! Ba't ka kasi nanggugulat?!" galit na bumaling siya sakin
"Aba! At ako pa ngayon ang may kasalan?! Ako na nga ito'ng nakakita ng scandal eh! Di na tuloy virgin tong mata ko!" madramang pahayag ko
"Wow ha! Oo sorry na! Di ko kasi alam na uuwi ka, akala ko nag tanan na kayo ni Park Min Yuk!" nag ngising aso siya
"tse! Matanda na ako para itanan at hindi niya ako kailangan itanan no! at bakit dito niyo pa talaga naisipang gumawa ng milagro ha? what happened to your room?"
"Madalas namin tong gawin dito pag wala ka!" natatawang sabi niya si James naman ay umiiling at pamuntang kusina
"Ewww! katring kadiri ka!" tinalikuran ko siya sabay martsa papasok ng kwarto
"Joke lang! ito naman di na mabiro!" pahabol niyang sigaw
"Whatever! sige ipagpatuloy niyo yan at ako'y magpapahinga na."
Humalakhak silang dalawa. ang kukulit!
Nakatulog ako ng mahimbing siguro dahil sa pagod sa Biyahe. pagkagising ko kinaumgahan ay nadatnan ko si Cath sa sala habang tutok sa pinapanuod sa TV.
"Seryoso tayo ah." agaw ko sa atensyon niya
"Buti gising kana, halika!" yaya niya sa akin para mapanuod ang pinapanuod niya
"Ano ba yan?" curious kong tinungo ang sala para makapanuod
Then, an Exclusive Report hit me!
"Huling-huli sa mga litratong ito kung gaano ka sweet si Park Min Yuk kasama ang Rumored Girlfriend niya na di umano'y dahilan ng hindi pagkakatuloy ng magandang samahan nila ni Scarllete Santos."
Pinapakita ang mga larawan namin ni kenzo kasama ang mga fans habang nakaakbay siya sakin. may larawan din nong nag dinner kami at isinayaw niya ako, meron ding nasa jet ski kami.
"Wow ha! ang sweet nga iana! Infairness bagay kayo" kinikilig na sabi ni cath
"Sssshh!" saway ko sa kanya habang seryoso paring nanunuod sa Tv
"...tama kayo sa mga hinala niyo madlang people dahil ang babae sa picture na sinasabing Rumored Girlfriend ni Kenzo ay walang iba kundi si Dj Julia ng OUR FM Radio station.
well, hindi naman natin mapagkakaila na bagay sila sa isa't-isa. The Famous Park Min Yuk look so inlove on the pictures, si Dj Julia na nga ba ang magiging Dahilan ng pagbabgo ng Playboy na si Park Min Yuk? Let's wait and see."
Pinatay ni Cath ang TV at hinarap ako.
"OMG! hindi ko alam na may mga kumukuha pala samin ng mga panahon na yan." halos pabulong kong sambit
"So, Girlfriend kana pala ngayon ni Kenzo?" nakangiting tanong niya at humalukipkip pa sa harap ko
"What? No! Wag ka ngang maniwala sa balitang yan." depensa ko
Tumawa siya. "Hindi ako naniniwala sa balita, mas naniniwala ako sa pictures. Action speaks louder than words BFF!" nanunuyang sabi niya
"Hindi pa nga kami karting" tinalikuran ko siya at dumiretso sa kusina
alam kung susundan niya ako at hindi na tatantanan.
"Juliana David! wag mo akong tatalikuran I need an answer." sabi niya habang sumusunod
"Alam ko, Dahil mas Malala kapa sa mga reporter na yan eh!" umiiling kong sabi sa kanya
"Ano ulit ang huli mong sinabi? Hind pa kayo?" mariin niyang sabi sa huling salita
Tumango ako. "OO! dahil magpapaligaw pa muna ako bago siya sagotin." I confidently said
"Aba matindi! pero that's my Girl!" sabi niya sabay tapik sa balikat ko " you really have to get to know him first iana, mahirap na baka paglaruan kalang niyan. I want you to be happy and I can see that you're happy with him. gusto ko lang mag ingat ka... I'll be right here, susuportahan ka." madamang pahayag niya
Niyakap ko siya.
"Alam ko madalas baliw ka, pero mas gusto ko atang baliw ka kesa sa magseryoso ang Drama mo eh!" natatawa ako habang sinasabi yon. kumalas naman siya sa pagkakayakap ko at tiningnan ako ng masama
"Minsan lang ako mag seryoso Dj Julia! basta batiin mo ako mamaya ha sa show mo ha? kahit yan nalang ang kapalit!" nakangising aso na siya
"Yon lang! may kapalit pala!" tumawa siya
Days have passed may mga reporter na pumupunta sa office para interviewhin ako, pero di ko pinauunlakan, I hate too much attention. kung ano man ang meron samin ni Kenzo I think we have to deal with it Privately, Hindi dapat pinangangalandakan sa madla. Yes, I'm a Dj but that doesn't mean that I don't have Privacy. though, hindi nga naman maiwasan but as much as possible I want this to be private. Dj lang ako hindi ako artista.
Panay naman ang tukso ng mga kasama kung Dj patin rin ang boss ko nakikisabay din.
As for Kenzo nakikita ko at nararamdaman ko ang sincerity niya on pursuing me, he always find time to see me and I really appreciate what he's been doing for me lately. Madalas niya akong dalhin sa bahay nila at don kami kumakain para narin maiwasan ang mga isyu. Mnsan Dinadalaw din niya ako sa Unit namin. Ilang araw nalang ay babalik na siya sa Korea.
Iniisip ko palang na aalis siya ay namimiss ko na siya agad. Oh, no! ths isn't good. I think I'm falling. falling real Hard! nakahiga ako habang hawak ang suot kong necklace na ibinigay niya. balak ko siyang sagutin bago siya bumalik ng korea. Pero maraming what if's na pumapasok sa isip ko. What if hindi mag work ang long distance Relationship para samin? what if makahanap siya ng iba sa korea? what if ma inlove siya sa ka love team niya? ba't kasi ang daming pwedeng mangyari kapag malayo sa isa't-isa hindi ba pwedeng maghintayan nalang? Damn!
Isa lang ang kaya kung panghawakan. Kung mahal ka, babalikan ka. But for now, I will wipe away all the what if's ang alam ko lang ngayon ay gusto ko na si kenzo and I'm willing to gamble. I guess, ganon naman talaga pag nagmahal you just have to take the risk and enjoy the ride. Masaya naman talaga ang pag-ibig, expectations and betrayal lang naman ang nagpapasakit non.
Love is worth giving. And I have to give it a try. Again.
BINABASA MO ANG
The Unexpected One
RomancePano kung ang iniisip mong Pag-ibig na ayaw mo ng maramdaman ay bigla mo ulit naramdaman? Are you willing to take the risk? Lalo na at dakilang playboy ang nagparamdam ulit nito sa'yo. Di mo nga naman malalaman kung hindi mo susubukan. Love is a Gam...