Underestimated emotion

43 1 0
                                    

Ralph’s POV

Ang sakit! Ang sakit ng ganito! Hindi ko man lang nalaman na may nanliligaw na pala sa kanya. Na hindi lang naman pala ako ang lalaking pwedeng magkagusto sa kanya. Gusto kong uminom. Magpakalasing. Gusto kong malimutan lahat ng nakita ko.

Past 9 na nandito padin ako sa bar na pagmamay-ari ni Joshua, kaibigan ko at kuya ni Jessica. Hindi ko alam pero dito ko naisipang pumunta.

I turned-off my cellphone para walang magtatanong kung asan ako. Marami-rami narin akong nainom, pero kaya ko pa. Ramdam ko pa nga yung sakit na dulot ng nakita ko kanina eh. Pamilyar ang sakit na nararamdaman ko ngayon, parang nangyari na to noon.

*FLASHBACK*

      “You know how important you are to me Ralph. I care for you, I love you so much, I can not afford to lose you, but Ralph, I have to do this”. 

I didn’t say anything. Nakatingin ako sa malayo. Gusto kong sapakin ang pader. Nang gigigil ako. 

“You’re my bestfriend Ralph, hindi madali para sakin to, kung alam mo lang”. Nakuha nya pang sabihin na hindi madali.

      “Nakapili ka na di ba? Nakapagdesisyon ka na! Go on. Do what you want. Stop acting like you care! Just leave”. Niyakap nya ko mula sa likuran, yung yakap na kanina ko pa hinihintay pero parang wala ng epekto.

      “I said LEAVE!”. Napasigaw na ko sa sobrang inis ko.

*END OF FLASHBACK*

Hindi nabubura sa isipan ko ang pangyayari at usapang yan, sa unit ko pa nangyari, pinuntahan nya ko para magpaalam, magpaalam ba ang tawag dun?

Bukas na ang flight nya, matino bang pagpapaalam yan? May magagawa pa ba ko?

Kahit magmaka-awa ako sa kanya, walang mangyayari.

I love her so much not just because she’s my bestfriend! Mahal ko sha ng higit pa sa bestfriend.

Inamin ko yun sa kanya, pero ganto ba ang kapalit ng pag-amin ko? Ganun na lang kabilis?

Aalis na lang sha biglaan sa hindi ko malaman na dahilan.

Ang labo!

Bumalik nanaman sa isipan ko ang mga pangyayaring yan, ang labo ng mga babae! Ngayon, panibagong hinanakit nanaman ang dala-dala ko.

Oo nga pala, sino nga ba ko? Bakit nga naman dapat sabihin ni Amber sakin na may iba pang nanliligaw sa kanya.

Teka, may iba pang nanliligaw sa kanya, bakit nanliligaw din ba ko? Ang gulo ko! Ang gulo! Uminom ako ulit pero this time tinungga ko na yung bote. Nahihilo narin naman ako.

“Hey, are you alone?”.

Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ako kumibo. Bigla shang umupo sa bakanteng upuan malapit sakin, hindi ko na mashadong maaninag ang mukha nya pero sa boses nya parang pamilyar. Matapos nun, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. 

You're the one thing I got rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon