Second Time Around

32 2 0
                                    

Author’s note:

      Natagalan... pasensya na ha? Ang dami kasing pinapagawa sa school. Hindi ko man lang to maisingit sa kasagsagan ng dinanas kong pahirap eh. (seryoso) Yung katumbas ng isang linggong walang pasok? Hindi yun pahinga. LESSON PLAN , DEMO TEACHING, THESIS, FS ACTIVITIES, REVIEW. REVIEW. REVIEW. Yan ang mga inasikaso ko. Sana maintindihan nyo po kung natatagalan ako sa pag-uupdate. Salamat <3

      Pinag-iisipan ko kung book 2 ba nito ang gagawin ko o bagong story naman after nito. May mga tumatakbong idea sa isip kong panibago eh. Pero syempre, uunahin ko muna to. Malayu-layo pa ang ending nito. Matagal pa ang takbo nito kaya, ENJOY READING everyone! God Bless :*

      Salamat sa patuloy na pagbabasa ... Walang biguan to.

---------------

Nakayakap parin si Amber kay Ralph.

      “tsansing na yan antukin ha?”.

      “Ah-eh.. Hoy, Hindi ah!”. Bumitiw sa pagkakayakap si Amber kasabay ng paghampas nya kay Ralph. 

      “sakit naman”. Nag-sad face pa si Ralph.

      “sus! Hindi naman yan masakit eh”. Si Amber.

      “masakit kaya, kiss mo para hindi na masakit”.

      “yan ang tsansing, ikaw talaga”.

      “ah basta masakit yung hinampas mo”.

Hindi na nagsalita si Amber, bababa na sana sha ng sasakyan ng hawakan ni Ralph ang braso nya.

      “Hindi ka pwede bumaba hangga’t hindi mo to kinikiss”. Sabay turo sa may bandang balikat nya.

      “eeeee! Wag na. Sorry na.” Si Amber.

      “tss. Hahampas-hampasin mo ko tapos hin--”. Hindi nya na naituloy ang sasabihin nya kasi kiniss ni Amber ang bandang balikat nya.

      “Lika na, baba na tayo”. Sabi ni Amber.

Ngumiti ng palihim si Ralph. Hinawakan nya ulit sa braso si Amber.

      “Oh? Wag mong sab--”. Hindi natuloy ni Amber ang sasabihin nya.

      “mauuna lang po ako bumaba, bago ikaw, saka hindi na masakit oh, sabi sayo eh”. Si Ralph.

Naunang bumaba ng sasakyan si Ralph at inalalayan nyang makababa si Amber.

AMUSEMENT PARK

      “Bili tayo shirt!”. Aya ni Ralph.

      “H-ha? E-hh..”. si Amber.

      “tss. Lika na”.

Amber’s POV

Pareho kami ng shirt. Haaaaay! Kahit pangalawang beses ng nangyari yung ganto hindi ko parin maiwasang kiligin.

Batbakayo! Kayo kaya sa lagay ko? Haaaay. Matutumba ko sa nangyayari ngayon eh.

      “matunaw ako”.

ANO BAAAAA. Forever nya nalang ba akong mahuhuling nakatitig sa kanya?

      “m-may a-ano k-kasi..”

      “mas gwapo ko ngayon no?”. Kung hindi ko lang mahal tong taong to! Taas mashado eh.

Wait! Sinabi ko bang mahal ko sha? Hindi nga? Mahala ko na ba sha?

      “huuuuy! Hindi ka na kumibo dyan”. Ginulo nya yung buhok ko.

      “H-ha? Oo. Ayy. ano nga yun?”. Hala may problema na ba ako sa pag-iisip kaya yung pagsasalita ko

apektado na? Halaaaa! Ganto na ba ako kalala?

      “Dbale na. Mas gusto ko naman na ganyan ka eh”.

Anong ibig nyang sabihin ? Hindi ko naintindihan.

LAKAD.LAKAD.SAKAY DITO. SAKAY DOON.PAHINGA.KAIN.

       “Raprap, icecream tayo! Treat ko”. aya ko.    

       “Hindi ako mahilig sa icecream eh”.

Honestly, nalungkot ako. Pero sige ayos lang.

       “Pero bakit naman hindi, libre mo eh”. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Bumili ako ng icecream at gaya ng sabi ko, ako ang nanlibre. Minsan lang naman eh, palagi kasing si Ralph ang

gumagastos.

Paborito ko kasi talaga ang icecream. Ah basta. Mahilig ako sa matamis.

       “Psh. Dungis”.

       “Ha?”.

Nagtaka ako kasi nilapit ni Ralph yung mukha nya sakin. Yung kamay nya na palapit sa mismong ...

       “Ang cute mo kahit may ice cream ka dito”. Pinahid nya yung icecream sa may gilid ng lips ko.

Waaaaah! Bastyan! Ano ba to ........ woooooh! Ang haba ng buhok ko. Iwas-iwas! Baka maapakan nyo :D

Inabutan ko sha ng tissue. Shempre malagkit kaya yung icecream.

You're the one thing I got rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon