Plan B

40 2 0
                                    

Ralph’s POV

Nakilala narin ni Joshua si Amber. Yun nga lang hindi pa pormal.

Saka nalang, marami pa namang ibang araw. Wag na ngayon. Marami na mashadong nangyari.

Pagod nadin ako. Hatid ko nalang muna sha sa kanila.

      “Si Amber?”. Tanong ko.

      “Lumabas sha Ralph”. Sagot ni Bea.

      “Lumabas? E bat hindi ko napansin?”.

      “Baka kasi kung kani-kanino ka nakatingin”. Singit naman ng kutong lupa na to!

      “Kinakausap kita? I have to go. Bea, mag-ingat ka sa kutong lupa na yan. Pagaling ka na rin”.

Nakakainit talaga ng ulo yang lalaki na yan.

Nung una nagpanggap na boyfriend ni Amber. Pasalamat sha pinalampas ko yun !

Pano ba at bakit to pinatawad ni Amber?

Nagmadali na akong umalis. Hahanapin ko si Amber. Saan ba nagsusuot yun?

---

Lei’s POV

Ang pikunin pala ng lalaking yan.

Nakakatuwa. Pero g*go sha, ang sakit ng suntok nya ah.

Dibale. Siguro naman hindi na mauulit kasi mukang sigurado na ko sa nararamdaman ko.

Pagkaalis nung Joshua na yun, sumama ang mukha ko.

Pero agad ding napawi ng marinig ko ang binubulung-bulong ni Bea.

      “Mukang nagseselos. Engot-engot talaga ng Lei na to. Sha lang naman ang gusto ko”.

Tinanong ko sha ulit pero hindi nya sinagot. Mabilis ba ko o ano pero hinalikan ko sha. Bahala na. Gusto ko maconfirm yung nararamdaman ko.

Nagpaalam narin ako na uuwi na.

Ewan ba. Basta masaya ako.

Papalipasin ko lang lahat at liligawan ko to kahit pa mukang nauna na shang gumawa ng move. Haha! Nakakatawa. Pero ang sweet! Teka nga. Yung mga salitaan ko!

Kinausap ko yung private investigator na tumigil na.

Bahala na. Pero mukang tama si Yumi eh, si Bea ang gusto ko at hindi sha.

Baka nga paghanga lang ang meron ako sa kanya.

---

Jessica’s POV

Kanina ko pa inaantay si kuya dito sa condo nya! Almost 2 hrs. na ako dito.

Pag hindi pa sha dumating less than 30 minutes susugurin ko yang Bea na yan!

Nakakainip naman dito.

Pag mag-isa ko, ang daming planong namumuo sa isip ko.

Naalaala ko, ang dami ko palang pinaiimbestigahan ngayon. Pati yung LEI ba yun? Ewan!

Basta ang alam ko related sha kay Amber Yumi at pati pala sa Bea na yun! Wow ha?

Naging interesado din ako sa Lei na yun, pero it doesn’t mean na may gusto ko sa kanya.

It’s just that, nalaman ko na nag hired sha ng private investigator at ayun inetchepwera nya na.

Inalam ko din kung sino ang pinaimbestigahan nya. HAHAHA.

I’m so BRILLIANT.

Habang tuwang tuwa ako ...

Nagring ang cellphone ko. PANIRA NG MOMENT .

      [Hey Jes! You won’t believe this ...]

      [Spill it out]

      [Andito ang kuya mo sa coffee shop at may kasamang babae]

      [Lexy, so what kung anjan ang kuya ko at may kasama shang babae?]

      [Jes it’s not what yo--]

      [Kung nagseselos ka, do what you want! D*mn.Tatawag ka para sa non sense na bagay. Arg!]

      [Can you just listen first? Arg! BRAT!]

      [FINE. Dalian mo magsalita]

      [Chill. Yung Amber Yumi ang kasama ng kuya mo. non sense huh?]

      [OWWEMMGGii. I’ll be there in a minute. But please do me a favor ...]

Tingnan lang natin Amber Yumi. Sumasang-ayon sakin ang kapalaran.

You're the one thing I got rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon