Lei’s POV
Hindi muna ako gaanong magpapakilala. Tama na ang ilang bagay na nasabi ni Yumi sa inyo.
Palabas ako ng pintuan, tatawagan ko lang ang kaibigan ni Yumi para ipaalam na nandito sha saka may bibilhin narin ako.
Nabigla ako sa nakita ko. Yung lalaking iniiyakan ni Yumi ang balak pa atang pumasok sa kwarto na to. Anong akala nya, papayagan ko sha. Nagkakamali sha.
Tinanong ko sha kung ano ang hinahanap nya. Nagkausap kami.
Paalis na sha ng may naisip ako. Bagay na alam kong hindi maganda pero sa tingin ko, makabubuti.
“Okay lang, teka-teka, kaibigan ka ba ng girlfriend ko?”. Yan ang tinanong ko sa kanya. Halata naman naguluhan sha.
“Ha? Sino ba yung nasa loob?”.
“Amber Yumi Rodriguez”. Pagkasabi ko ng pangalang yon e nanlaki ang mga mata nya, halata namang ikinabigla nya. Gusto kong matawa sa reaksyon nya. Pero napalitan ng inis ng magsalita sha.
“A-ah pre, hindi ko sha kakilala. Sge, una na ko”.
Anong klaseng lalaki to? Gusto ko sanang sapakin pero ayokong gumawa ng eksena kaya papalampasin ko muna ang bagay na to.
Imbis na umalis ako, bumalik ako ng kwarto. Dito ko nalang tatawagan si Bea para sila na nag mag-usap ni Yumi. Saka baka bumalik pa ang lalaking yon! Ang tindi nya. Kaya pala umiiyak si Yumi.
Hinding-hindi ko na sha hahayaang makalapit pa kay Yumi. Hindi ako barumbadong tao, pero pag yung taong mahal ko ang usapan. Nag-iiba ang pananaw ko. Ang pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Подростковая литератураWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...