Ralph’s POV
Ang sama ng panaginip ko. Bumangon ako agad kasi hindi ako mapakali. NO! Hindi yun mangyayari. Imposible! Nagmadali akong maligo at makaalis ng bahay. Nagdrive ako papuntang orphanage. Pagkadating ko sinalubong ako ng mga bata at ang dami nilang tinatanong, hindi ako nakasagot . Agad kong hinanap si Amber.
“Iho, kakaalis lang ni Yumi, medyo tuliro nga sha ng umalis dito. May problema ba at hindi kayo magkasama?”.
“Sge po sister, mauuna na din po ako, salamat po”.
“Ano ba ang nangyayari iho?”.
“A-ah sister, saka ko nalang po ipapaliwanag, sge po”.
“Sge at ipagdadasal ko na maayos nyo ang bagay na yan, mag-ingat ka iho”.
Madaling-madali ako sa pagddrive. Kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan. Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone ni Amber pero hindi sha sumasagot. Susubukan ko na ding tawagan si Bea.
Calling Bea ... unang ring, pangalawa ,pangat—at sinagot na nya.
[Yes prince charming ni Yumi?]
[Magkasama ba kayo ni Amber?]
[Nope. Bakit?]
[Sht! Alam mo ba kung nasan sha?]
[Sa orphanage lang yun pag gantong oras.Ano bang nangyayari Ralph? Kinakabahan ako sa pagtatanong mo.]
[Saka ko na ipapaliwanag. Basta pakitawagan nalang sha and tell me kung alam mo na kung nasan sha.]
Hindi ako tumigil sa pagddrive. Madaling-madali padin ako. Pero pag nananadya nga naman ang pagkakataon bakit ngayon pa natraffic! Tss ! Ano ba to? Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at medyo sinilip ko kung anong nangyayari. Sht naman kasi.
“Hindi parin ba nila dadalhin sa ospital?”. Girl 1
“Inaasikaso na ata”. Girl 2
“Dapat dalhin na nila, baka napasama ang tama nung babae, kawawa naman”. Girl 1
Pagkarinig ko nyan lalo akong kinabahan! Sht talaga. Hindi ko magawang bumaba ng sasakyan ko, nanghihina ang tuhod ko. Wag naman sanang si Amber yun! Hindi na ako mapakali kaya nagtanong na ako sa mga babaeng nag-uusap.
“Miss?”
“Ako ba yun iho?” tanong nung isa.
“A-ah opo. Itatanong ko lang po kung alam nyo po ang pangalan nung babaeng naaksidente?”.
“Wala daw dalang cellphone o kahit na anong identity item yung babae, hindi tuloy malaman kung sino ang tatawagan”. Pagkatapos magsalita ng babae ay lalo akong kinabahan.
“A-ah salamat po”. Bumaba na ako sa sasakyan ko at dali-daling lumapit sa pinangyarihan. Nabigla ako sa nakita ko. Yung kotse. Yung kotseng yon! Alam ko kung kanino yun! Sht. Bakit sa gantong pagkakataon pa kami magkikita. Tss!
A/N Comment po nang malaman ko naman kung maganda pa ba takbo ng storyang to. Pag hindi na e aayusin ko ng bongga! :) Vote nadin po. Salamat <3
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Roman pour AdolescentsWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...