Mahimbing shang natutulog ng pumasok ako sa kwarto nya. Ang ganda nya parin. Halos wala shang pinagbago. Namiss ko sha ng sobra. Gusto ko shang yakapin. Pinagmasdan ko ulit sha, napansin ko ang mga galos nya sa braso. Buti nalang at konting sugat lang ang meron sha.
Sandali nga. Parang ... Parang ...
Sht! Naalala ko si Amber .
Dali-dali akong lumabas ng kwartong yun para maghanap ulit kay Amber. Sa pagdaan ko sa isang kwarto, may narinig akong boses, Pamilyar pero ... imposible. Pano naman sha mapupunta dito sa ospital?
Sandali nga! Naguguluhan ako.
Calling Bea ...
Isang ring.. dal –
[Hello Ralph. Pumunta ko sa kanila, andun yung phone nya, naiwan nya]
[Alam mo na ba kung nasan sha?]
[Hindi pa nga eh. Wait, I’ll call you back.] She ended the call.
Nakatayo parin ako sa tapat ng pintuan ng kwartong narinigan ko ng pamilyar na bose. Oo, boses ni Amber. Tumatawa? Nakucurious na ako. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang ...
“Ano yun bro?”. Lalaki ang bumulaga sa akin.
“A-ah. Hindi akala ko kakilala ko yung nasa loob. Pasensya na. Una na ko”. Mali nga ata. Imposible naman.
“Okay lang, teka-teka, kaibigan ka ba ng girlfriend ko?”. Girlfriend nya? Eh sino ba sha?
“Ha? Sino ba yung nasa loob?”. Nakakapagtaka lang.
“Amber Yumi Rodriguez”. Sht! Ito na nga bang sinasabi ko. Walang magandang dulot ang pagpunta ko dito.
“A-ah pre, hindi ko sha kakilala. Sge, una na ko”. Sa inis ko, yun ang nasabi ko. Nagmadali narin akong makaalis. Ayoko ng makarinig ng kahit na ano pang tungkol sa kanila.
Si Jessica, saka nalang ako magpapakita sa kanya. Ang gulo ng isip ko. Hindi pa ko handa sa mga biglaang pangyayari. Magulo! Sobrang gulo!
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Teen FictionWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...