Killing me softly

54 3 2
                                    

       “A-ah salamat po”. Bumaba na ako sa sasakyan ko at dali-daling lumapit sa pinangyarihan. Nabigla ako sa nakita ko. Yung kotse. Yung kotseng yon! Alam ko kung kanino yun! Sht. Bakit sa gantong pagkakataon pa kami magkikita. Tss!

Dali-dali akong nagtanong.

      “Ah sir , nasaan na po yung may-ari ng sasakyan na to?”. Baling ko sa mamang police.

      “Dinala na sa ospital, kaano-ano mo ang babae?”.

Hindi ko alam kung pano ko sasagutin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero kailangan kong sumagot para malaman ko ang iba pang detalye.

      “A-ah, g-girlfriend ko po”.

Hindi nga ako nagkamali at nalaman ko ang buong detalye. Papunta ako ngayon sa ospital kung nasaan sha. Sana ayos lang sha. Ngayon nalang ulit kami magkikita magkakaganito pa sha. Haaay! Agad akong lumapit sa nursing station, ang daming tao. Ang hirap namang makasingit sa ganito. Tss!

------

Habang nagddrive ako hindi ko maiwasang isipin si Ralph. Ang gulo talaga. Walang namamagitan samin pero bakit ako nagkakaganito. Wala naman akong karapatang magalit sa kanya, hindi ko naman dapat isisi sa kanya na nasasaktan ako. Hindi ko naman sha boyfriend, ni hindi nga sha nanliligaw e, pero bakit parang nakakakita ako ng motibo? Assuming lang ba ako? Haaay! Ang gulo ng isip ko. Huli na ng mapansin ko ang ...

*BoooooGgssh*

Amber’s POV

Nandito ako ngayon sa ospital. Ang sakit ng katawan ko. Pero buti nalang mga sugat at gasgas lang ang natamo ko. Bat ba kasi ang lalim ng iniisip ko kanina e. Ayan tuloy! Haaay!

Nakawheel chair ako ngayon at papunta sa nursing station. Nabigla ako sa lalaking nakita ko. Alam ba nyang andito ako? Lalapit na sana ako ng marinig ko ang tinanong nya sa nurse ...

“Miss, where is the room of Jessica Ramos?”.

Sino ang babaeng yun? Akala ko pa naman ako ang hinahanap nya.

Ay baka naman kaibigan nya lang. Lalapitan ko na nga sha. Napahinto nanaman ako ng ...

“Ah sir, how are you related to the patient?”.

“She’s my girlfriend”.

Parang sumabog ang tenga ko sa narinig ko.

She’s my girlfriend

She’s my girlfriend

She’s my girlfriend

Ang sakit sa pandinig.

Ang sakit-sakit! Yung sakit na nararamdaman ko galing sa pagkabangga ko kanina ay walang-wala sa nararamdaman ko ngayon! Daig ko pang natuluyan, bakit nga ba hindi pa ako natuluyan? Nakakainis. Nagmamadali akong maka-alis sa lugar na yun at bumalik sa kwarto ko. Doon ko nalang ibubuhos ang luhang dala-dala ko.

She’s my girlfriend

She’s my girlfriend

She’s my girlfriend

Hindi ba mawawala yan sa isip ko? Paulit-ulit! Naririndi na ako . Napasigaw ako dahilan para pumasok ang isang nurse sa kwarto ko. 

You're the one thing I got rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon