Not yet the right time

41 1 0
                                    

Amber’s POV

Nakatakip padin ng unan ang mukha ko. I can’t stop my tears. Nakakainis. Wala naman akong dapat ikaiyak ah! Paulit-ulit kong sinasabi yan sa sarili ko pero palaban ang luha ko.

“Bessy, I have to go. Tawagan mo ko pag kailangan mo ng kausap ha?”. Pagpapaalam ni Bea. Inangat ko ng bahagya ang unan at nagsalita ...

“Thanks bessy”. Ngumiti lang sha at umalis na.

Parang ang bagal ng oras. Nakakainip naman ang ganto. Lalo ko lang sha naiisip eh. Tumayo ako at maghahanap ng mapaglilibangan, naalala ko ang cellphone ko na nagvibrate nga pala kanina, bago ko pa man matingnan may napansin akong nahulog.

PICTURE NAMIN NI RALPH. wow naman! timing eh! Pinulot ko at saka tiningnan.

“Ano bang nangyayari Raprap? may nagawa ba ko?”. Kausap ko ang picture namin.

“Baka sumagot yan, honey?”. Hindi ko namalayan na nasa loob pala ng kwarto ko si mommy, ganun na ba ko katulala at  walang namamalayan? Haaaay!

“Hi mom!”. Hindi ko magawang bumati ng masigla.

       “What’s wrong honey?”. Hala nagtanong na si mommy. Ano sasabihin ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos kaya ngumiti nalang ako.

       “Tell me, makikinig ako”. Pagkasabi ni mommy nun ay nagsimula na kong magkwento ...

       “Nakapag-usap na ba kayo?”. Tanong ni mommy. Oo nga, umiiyak ako pero hindi ko naman talaga alam kung anong meron bakit nangyayari to. Napaparanoid lang ata ako.

       “See? Hindi pa kayo nakakapag-usap, try to reach him out. Hindi naman masama kung minsan babae ang mag-effort honey”. Pagkasabi nun ni mommy ay lumiwanag ang isip ko. Patayo na ako at ready ng magbihis ng bigla akong hawakan ni mommy sa kamay.

       “Honey, gabi na. Besides parating na ang daddy mo”. Matagal-tagal din pala kaming nag-usap ni mommy. Napangiti ako, ngiting alam kong totoo na. We went down.

       “Ang saya ng mag-ina ko ah?”. Nagkatinginan kaming tatlo at nagkatawanan. Nagkiss si daddy sa cheeks ni mommy and sakin, on top of my head. 

Natapos na kami magdinner.

Nagpahinga na sila daddy. Ako eto magsswim muna bago matulog.

Nagsswim ako habang pinapanuod lang ako ni ate Mels. Matapos ay natulog na ko, bukas ko na iisipin ang lahat.

-------------

Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon pero natatakot akong magtanong. Ayokong masaktan na naman. Kaya lang, hindi ko maiwasang hindi isipin si Amber, hindi ko kaya na ganito kami kaya tinext ko sha.

To: Amber

       Amber. Can we talk?

Kaninang umaga ko pa yan tinext sa kanya, gabi na pero wala pading reply. Siguro ayaw nya akong makausap, bakit ayaw nya bang malaman ko na may boyfriend na sha? Haaay! Pag naiisip ko naaasar ako! Ang bigat sa loob. Parang hindi ko ata kayang pumunta bukas sa orphanage, ayoko munang maramdaman yung sakit pag nagkita kami lalo na baka kasama nya pa dun ang boyfriend nya.

You're the one thing I got rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon