Amber’s POV
Ako naman tong gustung-gusto malaman ang katotohanan di ba?
Ako tong sumunod sa lalaking to para kausapin sha.
Tapos iiyak-iyak ako? ano ba Amber .
“Walang namagitan sa kanila. Pero mahal na mahal ni Ralph ang kapatid ko”.
“Ganun ba”.
“Sa tingin ko, hindi mo to dapat sakin tinatanong”.
“Pero.. please.. ikaw nalang ang magsabi sakin, makikinig lang ako”.
“Kung mahal nya pa nag kapatid ko? Hindi ko alam. Yun ang palaging sinasabi ng kapatid ko, pero wala naman akong narinig kay Ralph.”
“At oo, totoo na inalagaan nya ang kapatid ko nung gabing yun, sha ang sumundo at naghatid, lasing kasi, matigas kasi ulo ng kapatid kong yun. Sa kanya lang nakikinig”.
“Hindi lang yun ang unang beses na nagkita sila. Madaming beses na. Pero hindi ko alam kung saan sila pumupunta. Walang kinukwento si Jessica, si Ralph hindi narin naman kami nakakapag-usap ng maayos, kanina ko nalang sha nakita ulit”.
“Pasensya na, pero ayokong mainvolve sa problema nyo. Kayo nalang sana ang tumuklas ng mga bagay-bagay”.
“Isa pa, hindi ko rin alam kung may namamagitan sa kanila. Ikaw nalang sana ang umalam”.
“Isa pa, hindi ko rin alam kung may namamagitan sa kanila. Ikaw nalang sana ang umalam”.
“Isa pa, hindi ko rin alam kung may namamagitan sa kanila. Ikaw nalang sana ang umalam”.
“Isa pa, hindi ko rin alam kung may namamagitan sa kanila. Ikaw nalang sana ang umalam”.
Pauli ulit na nagpplay sa isip ko. Meron nga kaya? Ilang beses na silang nagkita? Wala akong kaalam-alam.
Ayoko na sanang isipin.
Mababaliw ako.
Kasama ko nga pala si Ashley ngayon, napansin nya kasing umiiyak ako.
Naku patay na. Baka sabihin nya sa kuya nya.
Ayoko munang malaman nya.
Saka na namin to pag-uusapan, pag tapos na ng finals namin kasi maguguluhan ako lalo eh.
Nasa sasakyan kami ni Ashley, katabi ko sha sa backseat. May driver sha. Hindi kasi sha marunong magdrive eh.
Nagring ang cellphone ko .
Raprap calling ...
[Hey, nasan ka? Bigla kang nawala eh]
[a-ah, kasam ko si Ashley]
[Akala ko naman ... Oh san punta nyo?]
Tumingin ako kay Ashley at nabigla ako ng kunin nya ang fone ko ...
[Kuya, it’s girl bonding. Wag ng magtanong okay?]
Inabot nya ang fone sakin at nginitian lang ako.
[Sge Ralph.Bye]
Hindi ko alam kung san kami papunta pero alam ko naman na hindi ako dadalhin ni Ashley kung san-san eh.
----
Ralph’s POV
Kanina ko pa sha hinahanap pero hindi ko sha makita.
Kanina padin ako tumatawag pero hindi nya sinasagot. Nagdial ulit ako.
Tss. Sa wakas. Kasama nya lang pala si Ash. Akala ko naman kung napano na sha.
Pero parang may iba sa tono ng pananalita nya. Parang ang lungkot. Ayy! Napaparanoid lang ata ako.
Makauwi na nga .
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Teen FictionWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...