She's the Best Listener ever!

44 1 0
  • Dedicated kay Vicky Apilado
                                    

Bea’s POV

Asan kaya si bessy? Kanina pa ko nag-aantay dito eh.

Bigla ba namang nawala kanina. Haaay!

Palakad-lakad ako ngayon ng tumunog ang cellphone ko .

From : Lei

      Nakita mo na si Yumi ?

Kung hindi lang to nanliligaw sakin eh mapagkakamalan kong may gusto padin to kay bessy eh.

Tama kayo ng basa, nanliligaw na sha. HAHAHA! Haba ng buhok ko .

To : Lei

      Hindi pa. Kanina pa ako andito sa kanila, wala sha dito.

From : Lei

      Okay. Wag ka na umalis jan ha. Puntahan kita .

Waaaaaah. Kilig !

To : Lei

      Ingat ha?

From : Lei

Yess boss :)

Ewan ko ba. Ang masunurin sakin nyang lalaki na yan. Bat nga ba nanliligaw pa sha. E parang kami naman na.

Yieeee. Sarap sa pakiramdam.

Teka nga. Yung Yumi na yun, wala pa din. Tawagan ko na kaya si tita? Naman eh. Nakakapag-alala na.

Pababa na ako ng kwarto ni Yumi ng makasalubong ko sha paakyat.

------

Amber’s POV

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Naiiyak na ako. Sabi ko sa bahay ko titingnan tong mga picture na to eh, pero dahil sa hindi ko mapigilan, sa sasakyan pa lang tiningnan ko na.

Pagkababa ko ng sasakyan,ang hirap ihakbang ng mga paa ko. Buhatin nyo ako.

Nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko tutumba ako.

Paakyat na ako ng makasalubong ko si Bea.

      “Bessy? Kanina pa kita inaantay? San ka ba pumunta?”.

Hindi ko man lang sha masagot. Nahihirapan ako. Paano ba to.

      “Huy bessy! Huy! Ano bang nangyari?”.

Tumingin ako sa mata nya ng diretso at agad-agad naman akong naluha.

Luhang kanina ko pa pigil na pigil na lumabas.

Umakyat kami sa kwarto ko, naka-alalay sha sa akin. Ewan ba, pero ang hirap kasi humakbang.

Parang nanlambot ang mga buto ko. Bakit ba ganito?

Ayoko sanang sabihin sa kanya ang nalaman ko, pero naman kasi eh... Ayokong solohin.

Dahil sa OA nga tong bestfriend ko e gustong sumugod.

Hindi nga lang nya alam kung sino susugurin nya. Sira talaga to. 

You're the one thing I got rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon