Makalipas ang tatlong linggo ...
“Gumaganda ka lalo Yumi!”. Bati ng classmate ko.
“Inlove eh!” si Bea nanaman yung sumagot. Sa tuwing may bumabati ng ganyan sakin e yan ang sinasabi ni Bea. Napapangiti lang ako.
“Sa wakas!” sagot ng karamihan sa mga kaklase ko. Alam kasi nila na hindi ako mabilis magkagusto sa isang tao eh. Napalingon ako at nahagip ng mata ko si Lei na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya umiwas din agad ako ng tingin. Dahil sa medyo matagal na kaming naghihintay, napagpasyahan na naming umuwi. Papunta na ako sa parking lot ng...
Natulala ako sa pagkabigla.
Ang daming nakaharang sa daanan ko. Isa-isa silang lumapit sa akin at nag-abot ng ...
ROSE ??? Anong nangyayari. Anong meron?
Matapos nila akong bigyan ng roses, humilera sila. May nilabas sila mula sa likod nila ... at hinarap sakin .
CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?
Sino ang may pakana nito? Nasaan ang may pakana nito?
Tumingin-tingin ako sa paligid at hinahanap ang taong may pakana ng lahat ng ito. Isa lang ang hinahanap ng mata ko, si Ralph... pero hindi ko sha makita at ang ikinabigla ko, si Lei, si Lei na nakangiti sa akin. Sha ang may gawa nito? pero bakit? Paano? ang masakit pa, bakit sha? bakit hindi si Ralph?
A/N Nalungkot ako bigla. Anong naramdaman nyo? Share naman dyan .
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Genç KurguWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...