Amber’s POV
“Jake?”.
Si Jake nga ba to? Bakit mas gwapo na sha ngayon? AY MALI!
“Ginagawa mo dito?”.
“Sinusundan ka”.
“Aba t-teka sin-” Hindi ko natapos ang sasabihin ko.
“Relax. Binibiro ka lang. Kumusta ka na?”.
Nakuha pang mangamusta? Isampal ko kaya sa kanya tong sapatos ko?
“Psshh. Yokong makipag-usap sayo”. Maldita na kung maldita!
“Wala ka pa ding pinagbago”. Aba’t gumaganito pa tong lalaking to!
“Nunaman? Alis ka na nga”. Sisipain ko na talaga tong Jake na to!
“Pinapaalis mo ko, e lugar ko to”. Relax na relax na pagkakasabi nya.
“Sayo to? Mukha mo!”.
“Mas lalong gwapo”. Pang-asar to ah. Sabagay tama sha. Pero teka nga.
“Hindi nga, sayo to?”.
“Kulit! Lika na nga, kain tayo”. Sabay hawak at gulo sa buhok ko.
Errrr! Bat may kilig? Wait nga!!!!!!!!! Ako ba to? Galit kaya ako sa lalaking to! Asan na yung supladang Amber? Yung maldita? Yung matapang? Asan na?
Kanya pala tong resort na to. Ay oo nasa resort ako.
Sa tabing dagat ako sumigaw eh. Wala naman kasing tao.
Karamihan nasa pool. Pag nakakakita kasi ako ng dagat, parang nakagagaan ng pakiramdam.
Pag umaalon, ay basta! Wag lang yung mas malaki pa sakin yung alon.
Sumama ako sa kanya. Gutom na rin naman ako eh.
Saka, hindi naman masama dba? WALANG MALISYA. HAHAHA. Defensive oh!
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Teen FictionWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...