Nasa kwarto lang ako at eto iyak ng iyak. Alalang-alala ang nurse na nasa harapan ko ngayon pero hindi ako nagsasalita. Hindi ako sumasagot. Ayokong magsalita. Hindi ako makapagsalita.
----
May girlfriend na pala sha. Pero hindi nya naman sinabi. Sabagay, bakit ko ba kailangan pang malaman yun? Ano nya ba ko? Ano ba kami? Ang komplikado. Naguguluhan na ako.
Lumabas na ang nurse na kanina pa nagtatanong sakin. Pero bigla naman ulit bumukas ang pinto. Hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil sa nakatalikod ako.
Ramdam kong naglalakad sha papalapit sa akin pero hindi parin ako lumilingon. Nurse lang yan! Tss. May inilapag sha sa mesa ko at saka nagsalita..
“How are you?” boses lalaki. Humarap ako at nakita ko si ...
“Lei? Pano mo nalaman na nandito ako?”.
“Nakuha pang magtanong kesa sumagot nalang sa tanong ko. Ikaw talaga!”.
Napangiti ako sa sinabi nya.
“Okay lang ako”.
“Tss. Mag-ingat kasi”.
“Opo. Sorry naman, May iniisip lang”.
Bat ko pa ba nasabi yun! Kadaldalan ko umiiral nanaman.
“Sha nanaman ba?”.
Napayuko ako. Naisip ko nanaman ang narinig ko kanina, bigla nanaman akong naiyak. Kung kanina nakatingin lang si Lei, ngayon magkalapit na kami at niyakap ko sha. Ang bigat ng pakiramdam ko.
“Sshhh. Tahan na, andito naman ako”.
Kahit naiilang ako, hindi ko magawang bumitiw sa kanya. Nakocomfort nya kasi ako.
“Sge ka pag umiyak ka pa ipagkakalat ko sa school na tayo na”. Hala. Nagulat naman ako dun. Hinampas ko sha sa likod at bigla akong natawa.
“Yan. Mas bagay sayo pag nakangiti ka”.
"A-ah Lei, salamat ha?".
Hindi sha nagsalita, instead inabot nya sa kin ang mga dala-dala nyang pagkain kanina.
Favorite kong mga pagkain ang dala ni Lei kaya sinimulan ko ng kumain. Nakakatuwa, kung sino yung hindi mo inaasahang makakasama mo, sha pa yung katabi ko ngayon.
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Teen FictionWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...