"Baka naman tumanda ka ng dalaga nyan ?" Yan ang halos araw-araw kong naririnig sa kaibigan ko pag nakikita nyang napapatingin ako sa mga magboboyfriend at maggigirlfriend. Wala na ba talaga tong alam sabihin ? Sa totoo lang, nakakarindi na eh. Kelan nya ba maiintindihan na wala pa nga akong nagugustuhan?Haaay! "Anong gusto mo?Kumain ka na lang kaya. Daldal mo eh" pag-iiba ko ng usapan. "Tara, gusto ko magkanin bessy!" Dyan sha magaling. Dyan din kami nagkakasundo.
Paanong pagkain ang pinagkasunduan namin?
* FLASHBACK *
"Nasan na ba ang hinayupak na yon?Ang kapal talaga ng mukha nya." Yan ang sinasabi nya habang hinihimas ang likod ko. Umiiyak ako, at pilit nya kong pinapatahan. "H-hindi k-ko a-alam *sob* H-hayaan nalang *sob* natin". Yan ang isinagot ko. "Alam mo, kung hindi lang kita bestfriend e inupakan na kita sa kagagahan mo!" . Yan lang ang huli kong narinig at nagdilim na ang paningin ko.
Kulay puti ang paligid.
Ang liwanag.
Anong lugar to ? asan ako ?
"Bessy! Pinakaba mo ko, buti naman at nagkamalay ka ng bruha ka!" Yan ang narinig ko mula sa kaliwa ko. Nilingon ko, at ang bestfriend ko pala. Gusto kong bumangon pero ang sakit ng ulo ko. "Magpahinga ka muna, dinala kita dto sa ospital, OO NA, OA NA AKO. WALA KANG MAGAGAWA". Diridiretso sha sa pagsasalita. Hindi nga pala ako nag-almusal, tanghalian at miski anong lamang tyan e hindi ko sinubukan.
Bakit nga ba?
Lahat yan ay dahil sa boyfriend ko, MALI. Ex-boyfriend. Nakita ko sha na me kasamang babae, kaholding hands habang naglalakad, mukha silang masaya. Hindi ako nagpakita sa kanila, hindi ko sila sinugod, inisip ko baka kaibigan lang nya yun, pero lintek na kaharutang taglay nila at sa harap ko pa naghalikan. Oh, come'on! nasa likod pala nila ako. "Hi BOYFRIEND, I mean EX-BOYFRIEND!"Ipinangalandakan ko pa , tapos yung ngiti ko e talaga namang ikakatakbo mo. Kumalas ang lalaking yon sa babaeng kaharap niya. "Let me ex—"pinutol ko agad ang sasabihin nya. "Subukan mo nanamang magsinungaling, itataob kita sa kinatatayuan mo, kasama yang babaeng kaharutan mo. O anong ipaliliwanag mo ha?". "I-I , Its not what ... S-sorry babe". "Babe?Nagpapatawa ka ba? Galing mo eh! ". Sabay pumalakpak ako ng talaga namang bilang na bilang at agad ko shang inabot ng sampal . Umalis na ako matapos yon. Ang sakit ng kamay ko. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng mata ko. Ang sakit ng mga nakita ko. Oo nga at hindi ako umiyak sa harap nya, nila, pero hindi dahil sa wala akong paki-elam, ayoko lang magmukang kaawa-awa. Letsugas! Mukha lang akong matapang. Kaya sa sobrang pagkukunwari ko, nalintikan na.
"Hoy Amber Yumi Rodriguez! Magsalita ka naman, aus ka na ba?".Yan ang narinig ko mula sa babaeng kasalukuyang nakatayo sa harap ko, ang bestfriend ko, si Bea. Ang nakapagpatigil sa mga pangyayaring kanina pa tumatakbo sa isip ko.
"Nagugutom ako". Yan lang ang sinagot ko.
"Okay. Bibili muna ako. Ano bang gusto mo?".
"Anything".
Natapos ang lahat ng yan ng sa aming dalawa lang. Hindi nalaman ng parents ko, o ng kahit pa sino. Yan ang napagkasunduan namin kapalit ng hindi ko pakikipagbalikan sa lalaking yon. Alam kasi ni Bea kung gaano ko kamahal ang taong yun, na kahit maraming beses na shang nakagawa ng kasalanan , kapag nag effort yun at nagsorry e tinatanggap ko ulit. Ganun naman talaga pag mahal mo eh, kahit tawagin ka pang tanga e tanggap mo. At ang isa pa nga pala naming usapan ay hindi idadamay ang pagkain sa ano mang problema, dapat lagi kaming kakain sa tamang oras .
*Back to reality*
Ang usapan namin, kakain dapat sa tamang oras. Pero teka, halos oras-oras e kumakain kami ni Bea. Ang ikinaganda lang, pareho kaming hindi tabain. Natapos ang break. Balik sa room.
BINABASA MO ANG
You're the one thing I got right
Fiksi RemajaWalang kasiguraduhan . Sa tagal ko ng walang boyfriend, sanay na ko. Hindi naman yan kailangan. Saka mahirap na, Sinaktan na ako noon. Ayoko ng masaktan ulit ngayon. IMPOSIBLE no? Kung masasaktan rin lang naman ulit, bat pa dba? iuumpog ko nalang u...