Sa wakas at naka pag UD na rin! Nauuso ata ang katamaran ngayon at ako ang isa sa mga target. Salamat po sa mga nag FAN, NAG BASA, NAG VOTE at iba. 180k na! Hooray! Salamat po as in! At ang Nakalimutan na ata ako ni Bestpren, ay naka 1k na! Whoa! Freaking awesome, guys! Thank you po!
Bigyan nyo po ako ng suggestion kung ano pa gusto nyong mangyari, lalo na't malapit na ang ending. Salamat po sa inyong lahat!
VOTE | COMMENT | LIKE | PIN IT | ADD SA RL| BE A FAN| Got to Believe! <3
===============================================================
Ella’s POV
“Kaya mo pa ba?” tanong sa’kin ni Ate Aya. Iyak parin ako ng iyak. Hindi dahil sa sakit ng mga natanggap kong suntok o ano man. Ang sakit kasi pinagkatiwalaan ko si Tristan. Pero may balak pala siyang masama sa’kin.
“May panyo ka ba?” tanong sa’kin ni ate Aya ng tinulungan niya akong umupo sa back seat ng sasakyan. Tumango nalang ako at kinuha nyung panyo ko. Pinatakbo na ni Kyle ang sasakyan. Si Ate Aya naman, tinatali yung panyo sa sugat ko para matigil ang pag dugo. Iyak parin ako ng iyak. “Ssshh…” patuloy parin si Ate aya sa pag hagod sa likod ko.
“Nakakainis, ate. Nakaka inis.” Naiinis ako sa sarili ko. Kay Tristan. Nakaka inis ng sobra. Bakit hindi ko napansin yun. Pakitang tao lang pala ang lahat ng kabaitan niya. Alam ba ‘to ni Britney? Napa tigil ako ng maalala ko si Daddy. Paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari ngayon. Kailangan ko bang sabihin?
Calling….. Daddy
“Dad-dy.” Kino control ko sarili ko para hindi niya mapansin na umiiyak ako.
((Oh Anak. Where are you? It’s already 7.)) nag aalala na si Daddy.
“Uhmm.. Da-d. P-pwede po ban a d-dito muna ako kina Tammy matutulog? May- may gagawin pa po kasi kaming mga props, matatagalan pa p-po kami. A-ayos lang po ba?” pumipiyok pa yung boses ko.
((Oh okay. Mag text ka lang o tawag kung mag papasundo ka. Take care, baby.)) I smiled. I missed my dad.
“Okay dad. Don’t worry. I love you. Thank you” then I hanged up. Nasa ospital na pala kami. Pinaupo ako ni Kyle sa wheel chair at ipinasok sa ER. Kung saan naman talaga ginagawa yung mga madaliang pag gamot. (wag oa walang operasyon) hindi ko na alam anong pinag gagawa ng mga nurse naka pikit nalang ako dahil inaantok na ako. Ang sakit ng katawan ko. Galit ako. Galit ako. Galit ako. Nakakainis.
“Put Anastasia then give me the needle.” Narinig kong sabi ng doctor. Tatahiin na siguro yung sugat. “Aya, ikaw pa---“
Tammy’s POV
*bzzt bzzzt bzzt bzzt* Mag rereply sana ako kay Diego. *coughs* D-Diego…. Uhg. Diego. Ok. Diego. (KINIKILIG AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. UHHG >__< ) Ok. Mag rereply na nga sana ako kay Diego nang tumawag ang Papsy ni Ella. Kakauwi lang ni tito diba? Baka may chocolates. Huehuehuehue :D :D :D :D
“Hello tito?” masaya kong bati.
((Hija. I missed you. How are your mom and dad?))
“Naks! Ako rin po tito. Ayos naman po sila. Napatawag po kayo? Kakausapin nyo po sila?”
((Ah hindi na. Just wanna say na paki bantayan naman si Ella dyan oh. Dyan siya mag s-sleep over diba? Tumawag kasi siya kanina.)) O____O ha? Paki ulit? HANORAW? MAG S-SLEEP OVER? WALA NAMAN SIYA DITO AH.
YOU ARE READING
You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-
RandomKahit anong mangyari, ikaw parin. Ikaw lang. Hindi ko man masabi, sana, sana maramdaman mo. // REVISED & Under Editing