<54> - Hi Crush ko

635 2 7
                                    

Walang storyang hindi natatapos. Kaya abangan nyo po sana at malapit na po 'to. :) Salamat po sa lahat! 

COMMENT | LIKE | VOTE| PIN IT| ADD TO YOUR RL| BE A FAN| <3 

 =============================================================

Tristan’s POV

“Mag ingat ka nalang” yun ang huli kong narinig sa kanya, malamang binaba na niya. Paano pa kaya niya nasasabing mag-ingat ang isang taong lalo nang may ginawang mali sa kanya. Hindi lang bastang mali, dahil muntikan ko na siyang napatay. Pero anong pake ko, tuloy parin ang plano na pag gagantihan ko ang ate ko. Siguro ngayon, nananahimik lang ako, dahil hindi pa ako tapos sa pag iisip ng plano. Dahil gusto ko, ito na ang kahuli-hulinang plano na gagawin ko at tiyak matatapos na. Wala ng Ella.  Nabura na. Wala na. Masaya na ako.

Ella’s POV

“Excuse me, ma’am. Can I just excuse Ms. Dimalanta for a while?” Agad akong napalingon sa pintuan. Nangagamuti pa kasi ako sa pag s-solve dito sa Math, tapos tatawagin ako. Nakaka sabog ng uloooooo. :O

“Ella?” naka ngiting tawag sa’kin ni Ms. Math. “Opo ma’am! Shhhh” Ilang araw na ako sunod sunod na e-excuse sa klase ng hindi ko inaasahan. Ang rason? Dahil sinisimulan naming asikasuhin ang Yearbook, Student’s Mag, Commencement exercise, Recognition, Club accomplishments at Foundation Day. Masyado na nga ata kaming nag c-cram dahil ilang linggo nalang, matatapos na ang school year. Kaya ngayon din, todo kayod kaming mga estudyante para sa Achievement namin.

Lumabas ako sa classroom ng labag sa kaluoban ko. “Emergency meeting at SA Hall, Ms.” “Susunod po ako ma’am. Mag c-cr lang.” “Ok. But please be fast.” “Thank you po.” Takbo kaagad ako paalis. Hindi naman talaga ako pupunta run. Sa canteen ako pupunta, bibili ng plywood. (Tumawa kayo ha) Biro lang, bibiling cornix. Nakaka adik kasi. :@)

“Ate! Ate! Limang cornix. Salamat!” nag bayad agad ako, baka kasi mahuli ako ni Ma’am Lhei. Ang strict pa naman nun, pero mabait. Paminsan.

“So, let’s start now. Well I know na iba sa inyo naiirita na dahil nga ilang araw ko na kayong pina pa-excuse during class hours. I’m sorry but you are part of this council, and you chose to be part of this kaya duty nyo at tanggap nyo sa sarili nyo na ready kayo anytime to give your time para dito. Is it clear to everyone?” Hindi ko alam kung ano ir-react ko kasi yun mismo ang iniisip ko. At nakakainis naman kasi talaga, paano ako makakapag aral ng maayos pag ganun. Finals naaaaa. T_T.

“Yes ma’am” sagot namin. Nag start ang meeting, wala akong ginawa kundi sinulat kung ano yung mga dapat gawin. Yung mga sermon ni ma’am. Nakinig lang ako, pero labas naman parin sa kabilang tenga. Wala akong gana.

“I need the original copy next Monday ok. And papers should be photo copied by Friday. Para naman ma distribute na at maka start na ang mga estudyante sa clearance nila. Ok?” rinig kong sabi ni ma’am. Sulat nanaman ako, para ‘di ko makalimutan.

“Bzzztt Bzzzzzt Bzzzt Bzzt” sabi ng bubuyog sa bulsa ko. Joke, cellphone ko nga pala, pakilala kayo. 8-)  Ahm…*insert cricket here* SO GAYA NGA NG SABI KO

1 new message received

From: Patrick

MAY QUIZ BUKAS HALA KAAAAAA! >:O

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now