VOTE | COMMENT | LIKE | SHARE | TWEET | PIN IT | BE A FAN OR TALK TO ME :(
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ELLA'S POV
Lunes.
Syempre, walang homeroom kaya diretso na second subject. "Class, proceed to Science Lab. NOW!" Oh yas, experiment. ito talaga ang exciting eh. "Ella!!!!!" Tawag sa'kin nang ka-klase ko, oh si Patrick pala. "Oy, bakit?" Sigaw ko kasi malayo kami sa isa't isa. Mga ten feet siguro.
"Sabay na tayo, nauna na silang tatlo sa lab, 'di man lang ako pinansin nung tinawag ko. Ang bagal mo rin kasi. Tsk Tsk" Sagot naman niya. Di ko na pinatulan kasi nga masyado pang maaga, tsaka inaantok ako no. "Pat!" "Bakit? May kailangan ka?" Tanong niya, "Wala naman, ay meron pala. Ah basta, iluwa mo nalang yan. Alam mo namang bawal diba?" Not-so utos ko sa kanya. "Sige, sabi mo eh!" Buti naman sumunod si Unggoy. Mokong to Unggoy! Paki lista ho lahat ng nicknames na ibibigay ko sa kanya ha, salamat ho. XD
Kinuha niya yung candy sa bibig niya, tapos itinapon niya dun sa classmate namin na lalaki, para pag tripan. Malakas trip nitong unggoy na to eh. Eksakto naman dumaan sa harap ko yung ka-klase ko, kaya pag tapon niya. Syempre, first kill ako. Ay shit naman oo. At dahil umilag rin siya timing natumba pa ako kasi nabangga ako nung classmate namin na hinahabol ni Patrick. Pagkatumba ko sa sahig, ay lecheng tokwa naman oo. Nahawakan ko pa, and the worse is dumikit sa lecheng palad ko. Walangya.
"Hoy! Patrick! " Sigaw ko sa kanya, ah bahala nang ma late ako sa klase. Aba, bastos kaya ang ginawa niya. Alam kong aksidente yung sakin, pero kahit naman. Dapat alam niya kung sa'n nilalagay ang trip niya. "Dali na Ella! " Hinila niya ako, nak ng teteng, binaliwala niya lang ang tawag ko sa kanya. Sumunod nalang ako, baka mapagalitan pa kami eh.
"Ella ! Pat ! Dali na ! " Tinawag kaagad ako ni Tammy pagka pasok. Nasa likod ko si Patrick nung papunta na kami sa table. "Ella!" Di ko siya nilingon nung tinawag niya ako. Ha, mag bibibingi-bingihan nalang ako. "Ella? Huy, Ella!!!!" Kinalabit pa niya ako. Nilingon ko si Tammy at nilingon. Pakain ko ulit sa'yo yung candy mo eh. "AY LECHE ELLA DIMALANTA HUY! " Tumaas na yun boses niya. Aba, leche daw ako.
Kulit parin siya ng kulit hanggang sa nag simula ang klase. "Good morning class." "Ella! Ella! Ellaaaa~" Mag sawa ka dyan. Sinabi ni sir na hindi daw muna kami mag e-experiment kasi i-o-orient muna daw kami sa lab. Binabangga bangga ni Patrick yung kamay niya sa akin, lintek, masakit sa okay let say knuckles ang ginagawa niya ha. Nah, stay put, self. Inis ka diyan diba. Nakakainis naman yung ginawa niya diba? binubulong ko nalang yan sa kaibuturan ko. Patuloy parin siya sa pag tawag ng pangalan ko, Lintek. Di tuloy ako maka concentrate.
"Pumili ka, tatahimik ka o sisigawan kita sa harap ng klase o papahiyain kita kay Sir o papatulugin kita sa buong klase o baka naman all of the above." Sana naman ho, di siya masyadong manhid para di mapansin na nag titimpi ako."Sige na, ano bang pinag puputok ng butsi mo. Ano bang nagawa ko?" Medyo lumalakas na yung boses niya. "Excuse me for a while Mr. Rivero, ano bang ginagawa mo diyan? Oh, pwede ba maya mo na ligawan si Ms. Dimalanta?" AYAN TAYO EH, DADAMAYIN AKO EH. GANYAN EH NOH. "Di po sir, may tinatanong lang po ako about sa new equipments dito sa lab." DYAN KA MAGALING EH. Natapos ang klase at buntot parin siya ng buntot. At natapos ang klase, di ko parin siya pinapansin. Ma-pride ako. English time na namin at nilapitan ako ni Tammy. "Bes, himala ata ha. Ano bang ginawa ni Patrick at di mo pinapansin?" Pag tatanong niya sabay sinisiko ako, "Ku-kwento ko sa iyo mamayang recess. " Sagot ko nalang. "Okaaayy" Tapos umalis na siya.
YOU ARE READING
You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-
RandomKahit anong mangyari, ikaw parin. Ikaw lang. Hindi ko man masabi, sana, sana maramdaman mo. // REVISED & Under Editing