VOTE | COMMENT | LIKE | SHARE | TWEET | PIN IT | BE A FAN YEHET :)
=============================================================
ELLA'S POV
Linggo ngayon, 'di ko alam kung magiging masaya ako kasi Lunes na bukas. May magagawa nanaman ako. Eh kasi naman ang aga kong nagising, tapos tulog pa sila mommy at daddy. Tapos yung ibang Yaya naman day off nila. Pinag lalaruan ko nalang yung baller na binili namin kahapon, wala lang. Natatawa talaga ako pag naalala ko lang yung pag bili namin nito. Loko talaga yun.
"Yaya, aalis lang po ako saglit ha." Pag papaalam ko sa isang yaya namin na hindi ngayon ang schedule ng day off niya. "Sige hija, mag ingat ka ha. Mag text ka kay ma'am at ser kung mag papasundo ka." Bilin sa'kin ni yaya.
"Kuya may ginagawa ka po?" nilapitan ko yung driver nila mommy na nag kakape. "Wala naman, bakit?" "Pwede po bang magpa hatid sa school?" nag taka siya nung una, pero di na niya ako kinwestyon.
"Kuya, pasabi nalang kina mommy na umalis ako saglit ha. Sabihin mo sandali lang ako. Salamat!" Tsaka na ako tumalon sa labas ng van. "Mag iingat kang bata ka ha." Nag wave nalang ako, kahit naman di ako sure kung naka tingin siya sakin.Ba't ba ang feeling ko ang nerd ko, sa lahat ng pwede kong puntahan dito pa. Well, di na ako pumasok kasi alam kong di ako papapasukin ng guard, wala naman din akong balak sa luob. "Guard, sa'yo ba 'tong bike? Pwede pahiram saglit?" Pag papaalam ko dun sa guard na naka duty, dahil malakas ang hangin dito edi susulitin ko na. "Oo, sige sige. Ingatan mo ha. Nako, pag yan nasira oh siya siya, inagatan mo yan. " "Naman po! Salamat!"
Tapos nag bike ako nang nag bike. Feeling biker ako sa pang-aaliw ko sa sarili ko. Hayaan na, eh mag isa eh. Tumigil lang ako nung alam kong masakit na yung paa ko. Badtrip, wala pa akong dalang tubig.
"E-Ella?" Tatayo na sana ako para mag hanap ng tubig kaso "Patrick?! Anong ginagawa mo dito ha?" Napataas pa yung boses ko, kainis quality time namin to ng sarili ko eh. Joke.
"Hey, hey ,hey! Akalain mo nga naman!" Tapos nag lakas loob pa siya mag apir sa'kin nung nakalapit na siya. "Anong ginagawa mo dito? "Tanong ko ulit. '"Eh ikaw? Ano bang ginagawa mo dito?" So ano, mag babalikan kami ng tanong dito? Mabuti yon. "Wala kasi akong magawa, kaya dito nalang ako pumunta. Nakaka sira din kasi ang tumunganga sa bahay. Tsaka isa pa, quality time kami ng sarili ko eh." "Ah ganun ba? Nakaka distorbo ba ako sa date nyo ni Ella at Ella?" May halang sarcasm yung pag sasabi niya, sarap ding sapakin nito minsan eh.
"Anong oras na ba?" tanong ko para matigil na siya. Haha. "Ahm, 12:05?" Sagot naman niya. "Nag lunch ka na? 'Di pa ako nakapag lunch eh. " Tanong ko. "Oh tara!" Hinila na niya ako. Hindi ko naman siya niyaya ha. Sinabi ko lang ngang hindi pa ako nakakakain. Pumunta na kami sa food court sa harap ng school campus.
"Ano bang gusto mo, Ella?" pag tatanong niya nung naka pasok na kami sa food court.
"Oh? Mang lilibre ka?" "Hindi." "Eh bakit ka pa nag tatanong?" "Kasi gusto ko?" "Ay loko ka po." "Sige na nga, mang lilibre na ako." "Imposible!" "Sabihin mo muna ang magic words!" "Ano?"
"Sabihin mong, Gwapo ako." "Pangit ka po."
"Hot ako." "Mukha ka pong meter stick po."
YOU ARE READING
You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-
RandomKahit anong mangyari, ikaw parin. Ikaw lang. Hindi ko man masabi, sana, sana maramdaman mo. // REVISED & Under Editing