<11.2>

4.6K 18 8
                                    

Chapter 11.2

VOTE| COMMENT|LIKE|SHARE|PIN IT | ilysm

Ella's POV

"Friend, movie marathon nalang tayo oh."

"Kayo nalang pumili dyan. Matutulog nalang ako." Kanina pa kami naka titig sa tv, eh puro Korean Novelas naman ang pinapalabas. Siesta time eh.

"May SRR 13 ka ba?" Agad na tumayo pala si Patrick dun sa drawer ko na puno ng DVDs.

"Hanapin mo eh."

"Sungit!"

"Heh!" Matutulog nalang ako. Kainis. Kabanas parin yung pinag sasabi nila Britney at Tammy. Ako, nabo-bother? Lul! Hindi ah! Ba't naman ako ma bo-bother eh hindi naman totoo. 

Matutulog na sana ako ng nay biglang tumunog na click, tapos may ilaw. Napa bangon ako bigla, walandyo. Tawa ng tawa ang Unggoy sa picture ko. Aba, kung maka alam ng camera akala mo close kami? Eh hindi naman talaga!

"Hala, gago ka ah! Ibalik mo 'yan!" Andun siya sa bean bag tawa-iyak na parang tanga.

"Hahahaha, langya! Benta to! Nakakatawa mukha mo dito! Laki  ng ilong mo!"

"Ibalik mo sabi akin na kasi!" Tinapon ko sa kaniya ang unan ko, sapul sa mukha. Maryosep ihulog lang niya ang camera ihuhulog ko din siya. -_-

"Mukha mo! Sandali lang. Nakaka bigay good vibes to oh!" Tatalunan ko na sana siya para makuha ang cam ng di man lang siya natinag at kinunan ako. Langya. Naka-nganga ako dun kung nagka taon.

"Sige lang, friends. We're gonna watch movie nalang. Don't mind us here ah."

Patuloy parin kami sa habulan nun. Badtrip talaga. Badtrip to the max. Isa siyang malaking gago kamo.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka sa buhay mo! Letche! Isa kang malaking leche!" Bumalik ako sa pag kakahiga dahil sa pagod. Siya tawa parin ng tawa. Gago ulit.

"Oy! Manuod nalang kayo diyan! Ikaw, Ella! Lumagay ka na diyan. Wag kang magpagod, may sakit ka. Wag kang feeling malakas." Sabat ni Tikoy. Aba aba.

"Hoy!" Aangal pa sana ako kaso ma-awtoridad kaya talo na ako dito. Tsk.

"Opo, boss!" Nasa kama ako, sila naman sa lapag.

Patapos ba ang palabas, matutulog narin sana ako kaso

"Oh." Hindi ako dumilat, kasi kukulitin nanaman ako ng Unggoy na to.

"Umalis ka na. Wag mo akong guluhin."

"Siraulo. Gamot mo na. Every three hours to diba?"

Napa dilat naman agad. Pakialamero, pati sched ng gamot alam. Letche.

"Thanks." Saka ko kinuha. Wala man lang siyang reaksyon.

**

"Kaya pala 'di kita matalo talo sa badminton, El! Dito ka pala nag p-practice ng Badminton!" Bunganga nanaman ni Tikoy. Kala mo ignorante sa lahat ng bagay eh.

"Hey, akin na nga yang isa! Kami ni Tamtam ang mag lalaro!"

"Tahimik nga kayo. Bahala kayo mag laro diyan." Kanina pa sila maingay dahil gusto mag laro ng wii. Kakatapos lang namin ng dinner, tigas talaga ng bungo ng mga yun, bagong kain tapos nag lalaro ako. Nako. Bahala sila dyan, wa pakels.

"Baka gusto mo kunan kita ng music video?" Walangya, andyan nanaman ang Unggoy.

"Nananahimik ako dito, Patrick. Go play with them." Sumalampak lang ako dito sa terrace. Nasisiyahan kasi ako tumingin sa ulap, yung tipong buwan lang ang nag g-glow. Sama mo pa kita halos buong subdivision.

"Hindi naman kita ina-ano ha." Di ko nalang siya sinagot.

"Alam mo. May mga taong parang araw at ang buwan." Naka titig lang siya sa ulap. May sapi ba tong unggoy na to?

"Mag lilitanya ka ba?" Pambasag ko nalang. Ew, baka ano pa kasing sabihin nito.

"Tsk. Tumahimik ka nga." Sabat niya. Hindi ko nalang siya sinagot.

"May mga tao kasing parang araw.. Yung masasabi mong mag bibigay liwanag sa buhay mo, pero pansamantala lang. Alam mo sa huli na, mawawala rin sila. Parang kaibigan na, andyan sa iyo ng una pero, kailangan mong tanggapin na mawawala lang din eventually." Hindi ko siya sinagot. Sinilip ko siya, naka pikit na yung mata niya at naka higa sa sahig.

"May mga tao naman na parang buwan. Yung saksi sa pag hihirap at sakit na nararamdaman ng iba. Yung saksi sa bawat pag luha ng tao, yung saksi sa mga masasakit at masasayang pangyayari. Pero kahit dumating ang araw, andyan parin ang buwan. Napapansin mo ba? Na kahit may araw na at maliwanag, naaaninag mo parin ang buwan. Ewan ko, pero para sa akin. Yung buwan yung mag sasabi na, 'kahit andyan man ang araw para bigyan ka ng ilaw, andito lang ako, mag hihintay sa likod ng mga ulap. At babalikan kita sa oras na umalis ang araw.' Kasi parang sa gabi, lumalabas yung mga totoong emosyon natin. Kahit kailan hindi tayo iniwan ng buwan, makita man natin ito o hindi."

Tinitigan ko lang siya habang sinasabi niya yun. Confident ako na hindi siya didilat. Tagos puso kasi yun, dumaan sa superior vana cava, right at left ventricle, pumunta hanggang hypothalamus.

Pero mali ata ako, sa sobrang titig ko sa kaniya, dumilat siya at lumingon sakin ng naka ngiti at nag indian seat paharap sa akin.

"Wala lang.. galing ko no? Naisip ko yun." Umiwas naman ako agad.

"Oh shut up. You didnt make sense." Unggoy ka talaga kahit kailan.

"Hula ko, nakinig ka. Ano?"

"Hindi, as if namang papakinggan kita. Siraulo?" Pag tataray ko.

"Biro lang. Iniinis lang kita. Haha. Hay nako, inaantok na ako." Di ko siya sinagot. Bahala siya.

Tumayo siya at binuksan ang glass door papasok sa kwarto ko.

"Matulog ka na. Papagaling ka pa."

"Whatever. Just sleep."

"Wag kang mag-alala. Basta tandaan mo, Ella. Handa ako maging buwan para sa iyo."

Tsaka siya pumasok ng kwarto.

==========================

AN: sa mga nakabasa ng hindi po edited nito, napansin nyo pong wala dito yung Tikoy scene at isang KN scene. I moved it to the next chapter po, baka hanapin nyo. Hehe :)

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now